🌼PROLOGUE 🌼

1.7K 35 0
                                    

A/N:hi guys sana suportahan nyo ako hanggang dulo ng istoryang ito....maraming salamat...enjoy reading guys 💋

"Mom pakiusap! Kahit hanggang sa gumaling nalang si Sora. Please dad.." pakiusap ng binata sa kanyang mga magulang habang akap akap ang isang puting pusa na halatang nanghihina na. Ngunit lingid sa kaalaman nila na nakikinig ang munting pusa.

'Kiro... patawad. Pakiusap pabayaan mo nalang ako...' sabi sa isp ng munting pusa.

"Hindi pwede! Pusa lang sya at walang kwenta pa! Kaya palayasin mi na sya o papatayin ko ito!!" Sigaw ng ama ng binata sabay hablot ng kawawang pusa.

"Hindi! Mas gugustuhin ko pang mag layas na rin!" Sigaw na sabi ni Kiro sabay kuha ng pusa at umakyat sa kwarto.

"Pangako Sora hindi kita iiwan." Huling sabi ng binata bago hiniga ang pusa sa tabi nya.

Pagkatulong ng binata unti unting bumangon ang munting pusa at umakyat sa bintana. Tinignan muna ng pusa ang natutulog na binata saka tumalon sa bintana. Ligtas namang nakalapag ang pusa mula sa bintana saka nilisan ang tahanan ng binata.

Palakad lakad lang ang pusa nang biglang may narinig syang tumawag ng pangalang Sora. Kaya nilingon nya ito at ang binatang si Kiro ang kanyang nakita. Kaya tumakbo ang pusang si Sora papunta sa kanyang tinuturing na kaibigan ngunit hindi nya nakita ang rumaragasang truck na papalapit sa kanya. Agad naman na naalerto ang binata saka binilisan ang takbo para iligtas ang pusa pero...

*Boooooggsshhh*

Pareho silang na bangga ng truck at nawalan na ng buhay...

Ngunit hindi nila alam na ito palang ang simula ng kanilang bagong buhay.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon