Kiro's POV
Hindi ko alam kung bakit masama ang pakiramdam ko at kung bakit parang kinakabahan ako pero hindi ko muna iyon inisip at ginaya ang ginawa ng mga nauna sakin.Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. May nakita akong kulay puting liwanag kaya hahawakan ko na sana ito nang bigla itong lumipad. Kaya lilipad na sana ako nang hindi ko magawa... pano na ito?
Pero napamulat nalang ako nang narinig ko ang pangalan ko. "Shon!!! Ilag!!!" Sigaw ng kung sino kaya mabilis akong tumakbo. Buti nalang dahil kung hindi. Baka nalapa na ako ng mga Leyos.
Pano na ito??? Tsk. Wala na akong magagawa. Pinorma kong parang baril ang mga kamay ko at tinutukan ko sila saka sinabing "bang..bang..bang..bang..bang" at lahat sila ay natumba na. Sya nga pala ang tawag ko sa mahikang iyun ay air gun. Hehehe astig noh? Pero... huhuhu I fail. T-T
Pano na toh? Hindi ko napalabas ang sandata ko. Eh lumipad pa kasi eh!
"So-sorry... prince Shon..pe-pero.. your grade is.. 95. G
Cause you didn't summon your weapon. But you defeated the 5 leyos." Sabi ng MC. Oh. Kahit papano 95 parin hahahaha! Pasing parin!"Ok lang yan prince shon!!"
"Oo nga ikaw parin ang idol namin!!"
"Oo!! Tama!!!"Sigaw ng mga ka school mate ko kaya napangiti nalang ako at nag pasalamat. Saka kami nag sibalikan sa mga dorm namin.
"Phew. Buti at naka 95 parin ako. Pero..." sabi ko at pumikit ulit at nakita ko na naman ang liwanag kaso nasa taas na naman. Ano bang problema ng sandata ko? Ayaw nya ba sakin?
Pero napamulat nalang ako nang biglang may kumtok kaya binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang muka ng hindi ko kilalang Liren.
"Anong maipag lilingkod ko?" Tanong ko kaya bigla nalang syang nanginig. Bakit sya nanginginig? Nakakatakot ba ako???
"Ka-kasi po.. prince shon... si.. si princess shi-shina--" hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya nang marinig ko ang pangalan ng kapatid ko at bigna nalang ako nag teleport kay HM. "Ay Palakang manok!!!" Sigaw pa nya.
"May palakang manok po ba dito?" Tanong ko pa. Pero sinamaan lang ny ako ng tingin. Bakit?? Nag tatanong lang eh!
"Ehem so nandito ka na. Siguro alam mo na ang nangyari kay princess Shina." Sabi ni HM pero umiling lang ako. Kaya napahilot nalang sya sa kanyang sentido.
"Nahihilo po ba kayo? HM?" Nag aalala kong tanong pero nasama parin ang tingin sakin. "Pumunta si princess Shina sa pinag babawal na lupain doon sa murid forest. At ngayon ay nakakulong na sya sa lupaing iyon dahil ninakaw nya ang Liton fruit." Sabi ni HM kaya agad akong nag teleport papuntang murid forest.
"Nate kailangan kita." Sabi ko at may naramdaman akong papalapit sakin at nakita ko si Nate na naka beast mode.
"Ano pong maipag lilingkod ko master?" Tanong ni Nate at nag anyong tao na.
"Alam mo ba kung saan ang pinag babawal na lupain dito sa murid?" Tanong ko. "Opo." Sagot naman nya. "Saan??" Nag mamadaling tanong ko. "Sa east po." Sagot nya kaya tumakbo na ako papunta doon at sinabi kay Nate na... "Bumalik kana. Manliligaw ka pa kay ate Zen." Sabi ko kaya nakita kong namula sya at nag ayong fox na naman.
Dineresto ko lang ang sinabi ni Nate at nang makita ko ang isang puno na kakaiba sa lahat ng puno dito.
"Anong ginagawa ng lapastangang nilalang dito sa teritoryo ko?" Tanong ng isang mababang boses. Kaya hinanap ko ito pero hindi ko mahanap.
"Paumanhin ngunit hinahap ko lang ang aking kapatid." Sabi ko habang hinahanapko ang kausap ko.
"Sya ba ang iyong hinahanap?" Tanong nung nag pakita mula sa likd ng puno at tinuroang itaas ng puno kaya tumingin ako doon. At nakita kong nakakulong si Kira doon.
"*hik* kuya! Tulong!!" Sigaw pa nya.
"Syay nag nakaw kaya syay aking paparusahan." Sabi noon. Kaya.. "wag!! Pakiusap!! Ako nalang ang iyong parusahan." Sigaw ko at lumuhod. Napansin ko naman na lumapit ang lalaki saakin. Kaya tumingala ako at tinignan sya.
"Wag kuya!!!" Sigaw ni Kira pero hindi ko sya inintindi.
"Bata. Masyado kang mabuti para sa aking parusa." Sabi pa nya habang nakatingin ang mga mata nyang berde saakin.
"Pero masyado pang bata ang aking kapatid para maparusahan." Sabi ko naman. 10 taon palang sya! For pete's sake!!!
"Bata man o matanda kung syang nag kasala ay syay mapaparusahan." Makahulugang sabi nito.
"Lahat ng nilalang ay nag kakasala. Ako sya at ikaw! Alam mong kahit ikaw ay nag kasala din sa iyong nakaraan." Sigaw ko sa kanya. Kaya nagulat sya ng napangiti.
"Wala ka pa kasing nalalaman." Sabi nya at tumingin sakin ng masama. "Ikaw aking pag bibigyan." Dugtong nya pa at pinakawalan si Kira. Kaya mabilis syang tumakbo papunta sa nga bisig ko. "*hik* uwi na tayo kuya" umiiyak na sabipa nya. Kaya napangiti ako at sinabing "oo uuwi na tayo." Sabi ko saka naman sya nawalan ng malay kaya binuhat ko na sya at aalis na sana nang mag salita ulit yung lalaki.
"Ikay makakalimot. Bibigyan ng isang linggo para ang sumpay tatalab sa iyo. Itoy masisira pag sariliy iyong matalo." Sabi nya at nag laho kaya nag teleport na ako papuntang dorm ko at hiniga si Kira doon.
Saka nag teleport ulit papunta kay HM ta sinabing maayos na si Kira. Saka bumalik ulit sa dorm ko at tinignan ang natutulog kong kapatid.
'Ikay makakalimot.--' iyon ba ang kaparusahan? Ang pag wala ng mga alala ko?
'Bibigyan ng isang linggo para ang sumpay tatalab sa iyo.--' isang linggo nalang...
"Hahaha." Mapakla akong tumawa. Isang linggo nalang at makakalimutan ko na ang lahat...
'Itoy masisira pag sariliy iyong matalo.'
BINABASA MO ANG
Reincarnated in another world with my cat
FantasyPaano kung ang isang pusang alaga mo at ikaw ay mareincarnated sa ibang mundo...ano ang gagawin mo...ano kayang mangyayari... Tunghayan ang storya ni kiro na nareincarnate sa ibang mundo kasama ang pusa niya... Sana magenjoy kayo sa istoryang ito...