CHAPTER 28

114 7 0
                                    

Anice's POV
Pag katapos kong maligo at mag palit ng pang tulog ay lumabas na ako sa kwarto ko. Pero nagulat nalang ako nang bumungad sakin si Mr. Kiro na nakaupo sa sahig na parang tuta na iniwan ng amo tas binalikan ulit. Haist!

"Bakit ka dyan nakaupo? Pwede naman na sa sala ka nalang eh" sabi ko pa at tinayo na sya.

"Eh kasi.. sabi mo hintayin lang kita dito. Kaya yun ang ginawa ko." Pout nyang sabi. Kaya napaiwas nalang ako ng tingin. Tanga ba toh o ano?

"Haist. Tara na nga." Sabi ko at hinila sya. Habang nag lalakad kami ay bigla nalang syang tumigil kaya napatigil rin ako dahil hindi ko na sya mahila hila pa.

Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa painting ng dating nag mamayari ng bahay na toh at ang anak nila. Napatingin ako sa kanyang mga mata at nakita ko ang mga mata nyang sobrang lungkot.

"Mr. Kiro.." sabi ko kaya napatingin sya sakin at yumuko saka tinignan ulit ako nang may ngiti. Ngiting peke...

"Haha tara na. Gutom na ako." Sabi nya at saka hinila ako pero hindi nakalampas sakin ang pag tulo ng luha nya at ang mahina nyang pag hikbi.

Siguro hindi nya gustong nakikita syang umiiyak. Kaya napangiti nalang ako ng mapait. Pareho pala kami.. tinatagi ang kalungkutan sa mga pekeng ngiti..

"Haha si-sige dyan ka na muna sa sala at mag luluto lang ako." Sabi ko nalang para maiwan syang mag isa. Yun ang kailangan nya yata. Nginitian nalang nya ako bago ako umalis.

Pag pasok ko sa kusina ay binuksan ko na ang ref at nag hanap ng lulutuin. May chicken dito kaya pwede na siguro ang adobo. Kaming dalawa lang naman ang kakain. Kaya nag simula na akong mag luto....

Pag katapos kong mag luto ay inihanda ko na ang kainan namin at ang pag kain. "Tawagin ko na sya." Sabi  sa sarili ko at pumunta sa sala. Nakita ko syang nakatayo sa may bintana. At nakatingin dito.

"Sun flowers na pala ang nakatanim dito." Sabi pa nya. Nakatingin lang ako sa kanya na mukang napansin nya kaya napatingin rin sya sakin. "Kakain na ba?" Tanonng nya kaya tumago nalang ako.

Pag tapos naming kumain ay sinabi ko na sa kanya na doon muna sya sa guest room kaya tumango nalang sya at nag paalam na sya. Teka nga alam nya ba kung saan? Hay.. bahala na nga sya. Basta ako matutulog na.

Kiro's POV
Nandito ako ngayon sa guest room nakahiga at sinusubukan palutangin ang isang basong may lamang tubig pero wala parin.

"Haay.. pano na toh? 3 days doon.. 1 month dito.. kailangan kong makagawa ng paraan para makabalik sa mundo ko ngayon." Sabi ko sa aking sarili at tumingin lang sa kisame. At bigla ko silang naisip.. sila nalang ang pag asa ko. Pag hindi ko sila nacontact talagang hindi ko na alam ang gagawin ko.

'Kuya flaire' tawag ko pero wala akong nakuhang sagot kaya napahinga ako ng malalim.

'Kuya Cane' pero wala parin.

Last na toh... please.. 'kuya Nate!'

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon