CHAPTER 6

361 14 0
                                    

No one's POV
Nakabalik na sina Shoki o Kiro o Shon. Ang daming palayaw ng bida... so nakabalik na sila sa bahay at pati na rin sina Senrir na kumuha ng panggatong. Nakahuli rin sila ng ursa. Isang parang dear pero puti lang ang kulay nito.

"Oh nakabalik na pala kayo. Teka bakit basa si Sora at sino yang mga kasama nyo Zen?" Sunod sunod na tanong ni Zerne. Hiniga muna ni Zen si Sora sa sofa. Si shoki o Kiro o Shon naman ay sumunod dito at tinignan lang si Sora na nakahiga. 'Kailangan mo nang maging malakas Sora..' sabi nya sa kanyang isip.

Habang ang kanyang mga guardians naman ay nag pakilala na kina Senrir. 'Shut! Ginamit nya na ang power nya.. sana walang masamang mangyayari sa kanya.'

Nabasa naman ito ni Cane kaya... "wala po kayong dapat ipagalala dahil hindi mamamatay ang aming master." Sabi nalang nya at lumabas na. Kaya napahinga nalang ng maluwag sina Senrir at Serta na alam ang kalagayan ni Shoki. Shoki nalang muna. Tatanggalin na ito pag alam na ni Sora ang lahat.

"So ang sinasabi nyo ay protector kayo ni Shoki?" Pag sisigurado ni Senrir sa kanila. Tumango naman ang tatlo dahil nga umalis si Cane. May ibang pinuntahan.

"Sigurado ba kayo na hindi mamamatay si Shoki dahil sa pag papalabas nya sa inyo?" Tanong ulit ni Serta.

"Ano ba kayo paulit ulit na. At bakit naman mamamatay si Shoki dahil lang sa pag gamit ng kapangyarihan nya?" Tanong ni Zerne. Kaya nag katinginan sina Serta at Senrir. "Dahil masyadong mahina ang katawan nya para gumamit ng kapangyarihan. Maaari syang mamatay kung masyadong malakas ang mahika na ginamit nya." Paliwanag ni Senrir. Kaya nagulat sina Zerne at Zen. At napatahimik nalang saka tumingin kay Shoki na ngayon ay hinahaplos ang buhok ni Sora.

"Hindi naman talaga mamamatay si master matutulog lang sya ng hanggang sa maayos na ulit ang kanyang katawan." Sabi naman ni Leviatan. At tumingin kay Shoki.

"Hala sige na pag kagising ni Sora ay kakain na tayo." Sabi ni Serne at nag handa na ng pag kainan kasana si Zen. "Teka tutulong na ako." Prisinta naman ni Leviatan at tinulungan sina Serne.

Habang sina Serta Senrir Nate at Flaire at nag kakatinginan parin.

"Kung ganon ay kilala nyo na kung sino talaga si Master?" Seryosong tanong ni Nate.

"Oo sya si Prince Shon Kiro Ryugawa. Ang first prince ng Light Kingdom." Sabi ni Senrir. "Ang pero bakit Shoki ang tawag nyo sa kanya?" Tanong naman ni Flaire.

"Hindi rin namin alam. At tanging kami lang ni Serta ang may alam ng tunay na katauhan niya. Ang tingin nga namin ay hindi parin nag titiwala samin si Prince Shon kaya Shoki ang sinabi nya eh." Mahabang sagot ni Senrir.

"Haha hindi noh." Tawang sabi ni Flaire. "Kaya iyun ang sinabing pangalan ni Master ay dahil sa ayaw nyang tinatawag na Prince at kung tungkol sa second name nya ay..." putol na sabi ni Nate nang sumabat si Shoki. "Gishing wa pu shi Sowa.(Gising na po si Sora.)" Sabat ni shoki sa kanila. "Oh! Si-sige shoki. Sabihin mo na rin kina Serne." Sabi ni Senrir at pumunta na kay Sora.

"Sora. Maayos na ba ang kalagayan mo?" Nag aalalang tanong ni Senrir sa kanyang anak na si Sora. "Ok lang naman po ako. Teka bakit at pano pala ako napunta dito?" Sagot at tanong ni Sora.

"Niligtas ka ng kaibigan ni Shoki." Sagot naman nya sa kanyang anak.

Pumunta na sila sa hapag kung saan nandoon na sina Cane, Nate, Flaire, Leviatan, Shoki, Zen,Serne at Serta.

"Buti naman at maayos kana. Lady Sora." Sabi ni Nate.

"Oo nga alam mo bang alalang alala si Master sayo?" Sabi naman ni Flaire habang kumakain.

*boink* binatukan sya ni Leviatan at sinabing "mahiya ka nga wag kang magsalita habang kumakain" pangaral nito.

"Kumain ka nanga lang!" Sigaw naman ni Flaire at binigyan ng pag kain ang bunganga ni Leviatan.

"Hay ang ingay talaga nila." Sabi naman ni Cane habang tahimik na kumakain. "Haha dapat masanay kana Cane." Tawang sabi naman ni Nate na katabi ni Cane.

Kaya napuno ng tawanan at sayahan ang tahanan nila Sora. Hanggang gabi...

Dumako naman tayo sa God's realm. Nanonood lang si God Felix sa kanila na may ngiti sa labi. "Hay.. buti naman at maayos lang sya. Pero akala ko mag kikita ulit kami ni Kiro. Ang boring pa naman dito." Sabi nya sa sarili nya.

"Kaya nga nandito na ako eh" sabi naman ng mukang bata. "So ano ang nangyari sa kanya? Natawag nya naba ang mga protectors nya?" Sunod sunod na tanong nito kay God Felix.

"Maayos naman nyang natawag ang mga protectors nya pero mukang hindi na kakayanin ng katawan nya pag gumamit pa sya ng kapangyarihan nya." Nakangiting sabi nya.

"Mukang excited ka na makasama si Kiro ah" sabi naman ng mukang bata.

"Hehe" tanging sabi nalang ni God Felix. "Hay. Kapag nandito na si Kiro ay tulungan mo syang mag training." Sabi nya pa at bigla nalang nawala.

"Hay.. ano na naman kaya ang plano mo God of all?" Tanong nya sa sarili nya at tinuloy ulit ang pinapanood nya. Pero napa kunot noo nalang sya sa nasaksihan nya...

Kinaumagahan sa ibabang mundo...
"Patayin!!!"
"Patayin ang demonyo!!!"
"Patayin patayin patayin!!!"

Sigaw ng mga Cravinier sa labas ng bahay nila Sora kaya bigla nalang silang nagising.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon