Kiro's POV
Nagising nalang ako sa isang gubat??? Nasan na ako?"Gising ka na pala master." Sabi ni kuya Nate.
"Kuya Nate?" Sabi na tanong ko. At saka bumangon. Strange.. bakit wala akong maramdamang kirot? Ang alam ko dapat ngayon ay nakaabot na ang tattoo sa braso ko pero.. bakit wala parin? Well thankful ako dahil hindi yun umabot sa braso ko.
'Wait.. tignan ko nga muna ang..' tinaas ko ang T shirt ko at... "ehh???"
Bakit wala na ang tattoo?
"Master. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ng kararating lang na si Kuya Flaire na may dalang ahas? Para saan yun? "Master??" Tanong nya ulit na nag pabalik sakin sa huwisyo. Kaya tumango nalang ako.
"Pano...?" Tanong ko. Kaya ngumiti sya at "nahanap ko toh at pinatay. At sa tingin ko ay masarap ito." Sabi nya at tinaas pa ang mga ahas na nahuli nya.
"Hehehe oo nga.." nasabi ko nalang. "Tumahimik ka nalang at mag luto Flaire." Sabi ni kuya Nate
"Kung tatanungin mo kung pano nawala ang tattoo mo?" Tanong niya at umupo sa tabi ko. Kaya tinignan ko sya at hinihintay ang sagot nya. "Someone gave us an antidote. Wala na kaming magawa kungdi ang painumin ka namin noon. Sorry.. master." Paliwanag at paumanhin nya pero tumango lang ako at inisip ang panaginip ko...
"Master. Nate. Kain na. At babalik na tayo." Sabi ni kuya Flaire kaya pumunta na kami kung nasaan si Kuya Flaire at kumain.
Habang kumakain ay biglang nag iba ang atmosphere... at nagulat pa ako nang nag salita si Kuya Nate.
"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong pa nito kaya tumango lang ako. Pero mas lalong naging mabigat ang atmosphere dito... *gulp* bakit parang kinakabahan ako?
"Bakit hindi mo sinabi saamin na gumagawa na pala ng masama si Cane?" Seryosong tanong ni kuya Nate kaya yumuko nalang ako. "Pwede ba sagutin mo naman kami! Kiro!!" Nagulat nalang ako nang sumigaw na si Kuya Nate.
Tinignan ko sya at nakita ko ang sari saring emosyon sa kanya... galit pag kamuhi kasiyahan at lungkot...
Oo nga pala.. nawalan na sya ng minamahal...
"Alam ko ang nararamdaman nya..." sabi ko at tumigil sa pagkain.
"Anong ibig mong sabihin?" Sabay na tanong nila.
"Ang mawalay sa minamahal..." lalo na pag nalaman ni kuya Cane na nawalan ng ala ala ang anak nya.
"Alam kong masakit iyon. Ang mawalay sa minamahal." Sabi ko at tumingin sa kalangitang maulap. Mukang uulan...
"Masakit yun. Hindi mo alam kung buhay pa ba sila o hindi na. Hindi mo alam kung nasa maayos na lagay ba sila o hindi. Masakit iyun.. *hik* kuya" sabi ko at hindi ko na mapigilan ang pag iyak. *hik*
"Ma-master.." tanging sambit nalang nila. Alam kong sinabi na ni kuya Flaire ang nakita nya kahapon.
"Kaya ko hindi sinabi sainyo ay dahil sa alam kong magagalit kayo sa kanya." Sabi ko at tinignan sila.
"Ayaw kong maging dahilan ng pag aaway nyong mag kakaibigan." Dugtong ko pa kaya nakita ko silang nakatungo ngayon. Kaya napangiti nalang ako.
"Wag kayong mag alala maayos naman na ako. Hahahaha" sabi ko at tumawa pa.
"Pero meron pang kaming isang katanungan." Sabi ulit ni Kuya Nate. *gulp* *gulp* *gulp* mas lalo lang yata ako kinabahan...
"Sino ka ba talaga?" Seryosong tanong nito.
"Haha ano ka ba kuya. Ako toh. Si Shon Kiro Ryuga--" "ang totoong ikaw?" Sabat nya. Kaya napaseryoso ako. Saka napatingin kay Kuya Flaire saka napabuntong hininga.
"Naniniwalaba kayo sa reincarnation?" Tanong ko na nag pakunot ng noo nila.
"Noon. Ako si Kiro Shimichi. Isang binatang lumaking walang nag mamahal sa kanya. Palagi syang nag iisa. Walang kaibigan. Pero isang araw may nakita syang pusa na syang nakakita ng pag kamatay ng kanyang pamilya. Kinuha nya ang pusa at inalagaan. At doon nya nalaman..." putol na sabi ko at tinignan sila. Mukang naguguluhan.
"..na hindi sya nag iisa. Na may kasama sya. Na hindi lang sya ang nasasaktan. At meron pang mas nasasaktan sa kanya. Kaya bakut pa sya susuko? Hindi ba?" Tanong ko sa kanila. Pero wala parin silang imik.
"Pero sa kasamaNg palad.. pareho silang namatay sa aksidente ng pusa. Akala nya iyon na ang huli. Akala nya makakapag pahinga na sila ng pusa nya pero.. hindi.. yun palangpala ang simula ng bagong buhay. Buhay bilang si Shon Kiro Ryugawa. First Prince of Ryugawa kingdom. Ngayon may tanong pa ba kayo?" Sqbi at tanong ko. Pero hindi sila umimik. Kaya napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang aking kamay.
'Hmm. Mukang nakabalik na ang kapangyarihan ko..' sabi ko nalang sa isip at tinutok ang kamay sa iang space at 'GATE'
Tinignan sila na ngayon ay nakatulala prin at sinabing.."Kuya Flaire, kuya Nate. Tara na. Uwi na tayo." Sabi ko at tinulak sila papasok sa gate. Saka bumalik sa mundo ko na ngayon.
Ngayon... patay na talaga si Kiro Shimichi. Paalam.. Mom Dad...
A/N; hanggang dito nalng muna mga cutie...sana nagustuhan nyo💋
BINABASA MO ANG
Reincarnated in another world with my cat
FantasyPaano kung ang isang pusang alaga mo at ikaw ay mareincarnated sa ibang mundo...ano ang gagawin mo...ano kayang mangyayari... Tunghayan ang storya ni kiro na nareincarnate sa ibang mundo kasama ang pusa niya... Sana magenjoy kayo sa istoryang ito...