CHAPTER 37

107 4 0
                                    

No ones POV
Ng laro nang nag laro sila Kiro Sora at Ren. Pinapabayaan nalang nila si Kiro na mag laro dahil ang akala nila ay isip bata parin ito. Kaya hindi na nila namalayan na gabi na pala. Kaya nag paalam na si Ren na uuwi.

"Sora. Shoki. Pfft. Una na ako. Baka hanapin na ako samin." Sabi nito at mahinang tumawa sa pag banggit nya sa palayaw ni Kiro.

"Sabing Shon. SHON!!" Pag klaklaro nito sa pangalan na syang ikinatawa ng kanyang dalawang kaibigan.

"Sige sige! Shon! Wag kayong gagawa ng kababalaghan ha?" Sabi nito na pabiro saka tumawa nang makita ang namumulang muka ni Sora at ang litong lito na muka ni Kiro.

"Reeeennnnnn!!!!!" Sigaw ni Sora kaya agad na tumakbo palayo sa kanila si Ren. Pag tapos ng pang yayaring iyon ay umuwi na rin sila.

"Nakabalik na pala kayo." Bungad sa kanila ni Serne.

"Opo! Hahahaha" masiglang sabi naman ni Kiro na syang ikinatuwa nila.

"Hala sige! Hali na kayo at kakain na." Pag imbita ni Serne sa kanilang dalawa.

Pag katapos nilang kumain ay sinabihan nila si Kiro na matulog nalang muna sa kwarto ni Sora na kasama nya. Kaya tumango nalang si Kiro. Para sa kanya ay walang problema pero para kay Sora ay meron.

'Waaaaaahhhhh!!! Mama! Baki5 mo sinabi ma mag tatabi kami ni Kiro matulog? Isa pa malalaki na kami at hindi na ako yung dati na mas gusto kong katabi si Kiro!' Sigaw nito sa isip.

N: hindi mo na ba talaga gusto na katabi sya?
'Ehh.. gu- gusto..."
N: yun naman pala eh. Isa pa wala namang mali na mag katabi ang lalaki at babae sa pag tulog. Walang malisya.
'Pe-pero...'
N: wala nang pero pero young lady. Matulog kana. Kailangan yun para lumaki ka.
'Ok po.'
N: good night Sora.
'Go-good night po.'

'Bakit parang feeling ko ina ki ang kausap ko???' Tanong ni Sora sa kanyang sarili. Sino ba talaga si N?

Pumunta na sina Sora sa kwarto nya naunang pumunta sa kama si Sora at nilagay lahat ng unan sa gitna nila na syang nag patawa ng palihim kay Kiro.

'She's really cute.' Sabi naman ni Kiro sa isip nya at humiga na rin sa kama pero bago matulog ay may tinanong muna si Kiro kay Sora.

"Ano palang kababalaghan ang sinasabi ni Ren na wag raw natin gagawin?" Tanong nito kaya bigla nalang namula si Sora. Mabuti nalang at may harang na unan kaya hindi ito nakita ni Kiro.

"Ah yu-yun ba? Wa-wala.. wag mo nalang isipin. Si-sige tulog na tayo." Utal na sagot ni Sora at kunwaring matutulog na kaya natulog na rin si Kiro.

Bago matulog si Sora ay hinalikan muna nya ang noo ni Kiro saka nag 'good night.'

Kinaumagahan ay maganda ang gising ni Kiro. Para sa kanya ay parang lumulutangsya sa ulap at parang ang gaan gaan ng pakiramdam nya. At alam nya ang dahilan.

"Kiro bakit parang ang saya mo?" Tanong ni Sora sa kanya. Pero isang ngiti lang ang isinagot ni Kiro sa kanya. At saka tinignan ang ang mga kumpol na mga Cravinier's na may mga sandata.

"Tara! Sali tayo sa mag huhunting!" Pag aya ni Kiro dito at saka hinila si Sora.

Pag dating ay sakto na sinasabi na ang kailangang hulihin.

"Ang kailangan natin ngayon ay ursa at Cruservers kasama na rin ang crofos! Pero mag iingat kayo!" Sabi nito. Kaya nag hiyawan ang mga Cravinier's at kumuha ng kanyang kanyang stone of space. At humayo na sila papuntang Murid forest.

(Stone of space - pwede mong ilagay ang kahit ano. Pero kailangan na ilabas lahat ng nasa loob ng stone)

(Crofos - isang halimaw na masarap ang meat. Ehem isa palang osong kulay black at red naman ang mga mata. Malalaki rin sila kaya mahiral patayin.)

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon