CHAPTER 17

169 9 0
                                    

No one's POV
Kinaumagahan ay gising na ang lahat dahil nag hahanda na ang pamilyang Ryugawa para ipakilala si Kiro.

"Mommy Daddy sigurado po ba kayo na ipapakilala nyo na ako?" Kabadong tanong ni Kiro sa kanyang mga magulang. Nauna n

"Oo Shon. Para makilala na nila ang susunod na mamumuno sa kanila." Sagot naman ng kanyang ama.

"Magiging maayos din ang lahat, shon." Nakangiting sabi ng kanyang ina kaya nawala na ang kanyang kaba.

"Oo nga. Nandito naman ako eh" sabi naman ni Tyron. Kaya napatawa nalang silang lahat. "Bakit? Anong nakakatawa?" Tanong naman nito.

"Wala!" Sabay sabay na sabi naman nila. Kaya nag pout nalang si Tyron.

Fast forward >>>>>>

Nandito na sila sa Ryugawa academy. Ito ay academia ng mga magagaling sa combat and weapons. At kapag nakapag tapos ka na ay pwede ka nang maging isang royal guard. Dito rin mag aaral sina Kiro, Erina at Tyron. Oo tanging silang tatlo lang dahil ang iba ay mga magic users. At ang iba naman ay magic swordsman.

So dito sa RA ay may 5 subjects lang at ito ay...

Tambocar sa subject na ito matututunan ang lahat ng ng martial arts at kung pano gumamit ng sandata.

Hitoria dito naman matututunan ang lahat ng tungkol sa past.

Lingquetoric dito naman matututunan ang ibang languages.

Catequet kung sa mundo ng tao ay math.

Training session na ang lahat.

At dito ay meron lang top 3 students na mapipili sa buong campus. At ang tatlong yun ngayon sina.

Tyron Dwarven magaling siya sa espadahan at mataas din ang kanyang depensa kaya tinagurian syang knight defender.

Erina Egalrea isang babaeng bihasa sa espada at magic. Ang kanyang attribute ay ice. Kaya binansagan  syang icy knight.

Eros Yuras lalaking malakas din sa espada. At ginagamit ang kanyang kalas kaysa sa kanyang isip.

Shon Kiro's POV
Yun ang nakalap kong impormasyon. Hmm kung ganon si Ty ang top 1? Haha expected na yun.

"Ready ka na ba? Shon?" Tanong ni Mommy kaya tumango nalang ako at pilit na ngumiti. Sana lang walang bully doon..

Pag labas namin sa karwahe ay nag lakad na kami papunta doon sa isamg malaking building. Lalo tuloy akong kinnabahan...

Pag pasok namin ay nasamin na lahat ng atinsion nila. Teka ano yung lumilipad na bola? Para syang matang lumilipad.

Pag akyat namin sa entablado ay umupo na kami sa aming upuan sa harap ng maraming studiante. Nilibot ko ang aking paningin at nakita kong nasa ibaba na nakaupo si Erina. Mukang napansin nyang nakatingin ako sa kanya kaya nag thumbs up sya at ngumiti.

"All of us are to welcome the new student of RA. And its our honor to be the first one to meet the crown Prince of Ryugawa kingdom. Prince Shon Kiro Ryugawa!" Sabi ng announcer. Kaya tumayo na ako at umupo ulit. Naya biglang lumapit sakin si Ty at may binulong.

"Kaylangan mong lumunta sa harap at magsalita." Bulong nya. "Ano!?" Halos pasigaw na tanong ko kaya tumango sya. Napabuntong hininga nalang ako at pumunta sa harapan nila.

"He-hello. Ako nga pala so Shon Kiro Ryugawa. A-ano..." paktay... hindi ako ready!!!!! Kaya ang ginawa ko ay palihim kong kinurot ang kamay ko. Awww T~T ang sakit... pero salamat doon at nagising na ako.

"Ehem so as you can see all of you know that Im dead but not. My family hides me from every one. But please dont be angry because of that. Ako na ang humihingi ng paumanhin... pero sana wag nyo akong tawagin ng kung ano anong formalities.. just call me shon." Mahabang sabi ko at nag bow sa kanila. Nakakahiya!!!

"Ok PRINCE shon. Totoo bang natulog ka ng 10 taon? Kung ganon bakit ka nandito? Diba dapat nasa Crident ka PO palang?" Tanong ng lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko.

"Oo tama ka pero 10 years ago. 5 palang ako noon ay nakitaan na ako ng talino. Dapat nga 10 years ago pa ako nandito kung hindi lang nangyari ang..." sabi pero napahinto din dahil napaisip ako... ano na kaya ang nangyari kay punong ministro na si Drevon?

"You know your full of your self. Prince Shon.." sabi pa nya. "Isa kang lapastangan!!! Eros Yuras!" Sigaw ng parang isa sa mga teacher. Eros Yuras huh? The tpo 3?

"You!! Shon Kiro Ryugawa!! I want to challenge you for a duel!" Sabi nya kaya napasinghap silang lahat at mag sasalita na sana ang teacher nang pinigilan ko sya. "Haha ok lang po. Pero teacher? Pano tumanggap ng hamon?" Tanong ko. Habang nakatingin sa kanya.

"Sasabihin mo ang buo mong pangalan at kadugtong nun ang 'tinatanggap ko ang iyong hamon.' Saka sasabihin mo rin ang buong pangalan ng humamon sayo." Paliwanag nya. Oh so ganun pala.. ang astig naman..

"Ako si Shon Kiro Ryugawa tunatanggap ang iyong hamon. Eros Yuras." Sabi ko at nag hiyawan naman ang mga tao dito.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon