CHAPTER 11

231 13 1
                                    

(Still in flashback)
Walter's POV
Nag teleport na ako malapit sa fountain dahil kaya ko lang mag teleport sa lugar na may tubig. Always remember this. I'm Walter aqua. The crown Prince of the Mer kingdom. At isang sereno.

Ok tapos na. Dahil oras nang magseryoso. Saka ako pumasok sa throne room kung saan nandoon na ang lahat. Kasama na si tanda.

"Sige na. Pag uusapan natin ngayon ang pag patay sa aking anak." Seryosong sabi ni Tito Toru. No. Haring Toru.

"Opo mahal na hari. Nakita ko syang nakaupo noon sa isang bench sa hardin." Well totoo naman yun. Kaya tumingin si Tito este harinf Toru sakin kaya tumango ako bilang pagsabing totoo iyun.

"Lalapitan ko sana sya kaso bigla nalang syang inatake ng isang Cravinier." Patuloy nya pa. Tumingin ulit ang hari sakin at umiling na ako. Saka ngumise.

"Eh bakit hindi mo sya natulungan?" Tanong ko. "Na-natatakot ako.. patawad.. alam kong dapat sana na protektahan ngunit pinangunahan ako ng aking takot." Pag dadahilan nya. He's so good at acting!

"I know you Drevon. Matagal ko nang alam na ganid ka sa kapangyarihan subalit ika'y aking binigyan ng pagkakataon ngunit itoy iyong sinira." Cold na sabi ng haring Toru. Teka! Wala to sa plano!! Tito naman!

"Drevon! Ikay inaakusahan ng kamatayan sa pag tataka sa aking anak na si Prince Shon!" Sigaw nya at kita ko ang halo halong emosyon ng tanda. Sige lang mamatay kana hangal! Pero nagulat nalang ako nang tumawa sya.

"Hahahaha akala ko pa naman tanga ka parin ngayon Toru.. subalit ikay nahuli na dahil patay na ang tagapagmana mo hahahahaha!" Sabi nya. At dahil sa inis ko ay pinaulanan ko ng water balls ang tandang hangal subalit nasangga nya lang ito ng walang kahirap hirap.

"Prince Walter. Dapat pala ay niligpit narin kita kasunod sa tangang prinsepe." Sabi pa nya. Kaya lalo akong nainis at aatakihin pa sana nang bigla syang napalipad. Pag tingin ko ay si Haring Toru na parang sinuntok ang hangin. "Wala kang galang!! Patawad Waltwr ngunit ako na ang papatay sa hangal na ito." Sabi nya at pupuntahan na sana nya kung saan tumalsik si tanda ay..

"Walang hiya!!! Mag pakita ka at harapin mo ako!!!" Sigaw nya. "Mga kawal higpitan ang pag guguwardia sa tarangkahan ng palasyo at hanapin nyo ang hangal na si Drevon!!!" Sigaw na utos nya. Shut!! Nakatakas pa ang Tanda.

End of flash back

Kaya ilang araw akong nag puyat para lang tumulong sa pag hahanap sa tandang hangal na yun ngunit masyado syang madulas kaya napagdesisyunan namin na ibalik na si Shon sa palasyo para maging ligtas sya at para rin sa kanyang regalo na siguradong ikakasaya nya. Hihihi exited na ako na bumalik sya dahil miss na sya ng iba. Lalong lalo na ng kanyang mga magulang

Sa ngayon ay pinag uusapan namin ang batang iyun. Kung gano sya naging ka close ni Sora. Oo kilala ko sya dahil sya ang Cravinier na hindi pa nakikipag contract sakin. I mean sya nalang. Sabi pa nga nya na may hinihintay daw sya.

Ok balik tayo kay Shon..

"Ang cool talaga ni master! Noong pinalabas nya kami. Sabi pa nga nya eh ehem.. 'kung si Sora ay halimaw eh anong tawag nyo sakin?' Diba?! Kung babae lang sana ako nainlove na ako sa kanya." Sabi ni Flaire na parang kinikilig kaya napatawa nalang kami.

Hay.. ganyan talaga si Shon. Hindi ko alam kung dahil ba sa genes ng mga magulang nya o ano pero ang weird kasi nya. Parang hindi sya bata. Dahil minsan nakikita ko syang nag babasa ng mga aklat na sobrang komplekado.

Nang bumukas ang pinto at pumasok ang hingal na hingal na sina Ren at Sora. At nag mamadaling umakyat.

Bakit kaya? Nang biglang may naramdaman kaming napakalakas na mahika. Shut!!! Si Shon!!!

Kaya nag madali narin akong pumunta sa kwarto kung nasaan si Shon pero... nakita ko nalang na yakap yakap sya ni Sora. At bigla nalang silang nag liwanag. At... natanggal ang bracelet sa buntot nya.

Ngayon pareho na silang walang malay. Nang biglang lumapit si Nate sa kanilang dalawa at kinuha ang bracelet at sinuot ito kay Shon. Saka nag salita...

"Magiging maayos din sila. Masyadong napagod si master kaya kailangan nya raw munang matulog. At si Lady Sora naman ay nabigla ang kanyang katawan dahil nakawala na ang kanyang kapangyarihan." Paliwanag nya.

"Kung ganon kaylan sila magigising?" Tanong ni tita Zerne. Alam kong nag aalala sya sa kanyang anak.

"Kung si Sora ay sa tingin ko ay bukas pero si master..." putol na sabi nya at yumuko. Anony ibignyang sabihin?

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong at lumapit sa kanya. "Master's said... he will be asleep within 10 years..." tanging sabi nya at humingi pa ng tawad.

"N-No.. Shon.. SHON!!!!" sigaw ko nalang. Pano ko sya ibabalik sa tahanan nya kung hindi naman sya magigising? Siguradong magiging malungkot sina tita dito...

A/N;Hanggang dito nlng muna mga cutie💋...may hihilingin sana ako pabor senyo kindly subscribe this channel (BELLE AND BELLA VLOG) thank you in advance 💋

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon