CHAPTER 48

71 3 0
                                    

Kiro's POV
Hay 16 na pala ako... 36 naman in mentally. Nandito ako ngayon sa palasyo dahil nga Bday ko. Hinihintay ko rin si Sora. Dahil... sabi sakin ni ama na kung wala akong ipapakilala sa lahat na papakasalan ko ay... sila na ang pipili ng papakasalan ko sa party.

Saklap maging prinsipe...

Kaya kanina ko pa sila kinakausap pero walang sagot ang nakukuha ko. Bakit ngayon pa???

'Please.. Sora sana dumating ka..'

No ones POV
Nag hahanda na ang lahat para sa party. Ang mga alipin ay hinahanda na ang lahat.

"Bilisan nyo!!!"
"Dapat maganda ang pag kakaayos!!"
"Ano ba!! Maling kulay ang inilagay nyo!!"

Pag karaan ng ilang minuto ay natapos na nilang ayusin ang lahat at nag sisidatingan na rin ang mga bisita galing sa ibat ibang kingdoms.

Mahalaga ang araw na ito dahil sa ang araw na ito ay ang 16 na kaarawan ni Kiro. At sa mundong ito. Pag 16 kaa ay dapat meron kanang mapapangasawa. At pag nasa 18 kana pataas ay pwede ka nang mag pakasal.

At kung iniisip nyo si Walter na pinaka matanda sa kanila ay hindi pa nag papakasal ay dahil iyon sa ayaw pa nila. At malalaman nyo rin mamaya kung sino ang future wife nya. Hahahahaha!

Ehem so sinabi na kanina ng bida na pag hindi sumipot si Sora ay mapipilitan syang mag hanap ng iba ngayon dito sa party.

So balik na tayo sa story. Binati na ng lahat ng mga bisita si Kiro at puro pilit na ngiti lang ang iginagawad nya sa kanila dahil hindi sya mapakali dahil wala parin si Sora.

Nang mapansin iyon ni Shina ay lumapit ito sa kanyang kuya. "Ayos lang ba ang pakiramdam mo kuya?" Nag aalalang tanong nito sa kanyang kuya kaya pilit ngumiti at tumango lang si Kiro. At sinabing "oo naman! Haha tara na at nag kakasiyahan na sila"

Sa kabilang banda naman ay...

(Cravinier village)

"Nakita nyo ba sya?"
"Asan naba kasi si lady Sora?"
"Isang araw na syang nawawala"
"Nasaan ka na ba? Lady Sora!"

Ok balik na tayo sa palasyo...

"Oh? Nasaan na ang sinasabi mo mahal kong anak? Kailangan mo na syang ipakilala." Sabi ng ama ni Kiro pero wala parin sa tingin nya si Sora.

"Mahal na hari. Nasaan na ang magiging asawa ng iyong anak?" Tanong ng kunseho kaya napatingin ang ama ni Kiro sa anak nya ng malungkot. Kaya napabuntong hininga si Kiro at tumingin sa mga kababaihan doon.

At nakita nya ang isang babae na maganda na sa simpleng kulay green na dress na babagay sa kanyang green eyes at brown na buhok kaya agad nya itong nilapitan nilahad ang kamay para isayaw.

Naguguluhana man ang babae at binigay nalang nya ang kamay nito saka sila nag simukang sumayaw. Habang nakatingin naman ang mga kaibigan ni Kiro sa kanya na nakakuyom ang mga palad.

'You don't deserve this. Shon..' tanging sabi nilang lahat sa isip. Lalo na si Walter na alam kung sino ang totoong mahal at hinihintay ni Kiro.

Habang sumasayaw naman sila ni Kiro ay nag kausap sila.

"Hmm... a-ano pala ang pangalan mo?" Utal na tanong ni Kiro dito

"Amm... Ca-Camilla po.. ma-mahal na prinsepe.." Utal naman na sagot nito.

"Haha wag ka nang mag po. At Shon nalang ang itawag mo sakin." Sabi ni Kiro at ngumiti.

"Patawad dahil hinila kita sakin.. wala na kasi akong magawa..." tanging sabi ni Kiro kaya umiling lang si Camilla at sinabing "ayos lang at masaya ako na iyong pinili Shon"

Habang ang mga nanonood naman ay kinikilig. "Kyaaah!! Bagay sila!"
"Ang ganda nung babae"
"Sino ba sya?"
"Ngayon ko lang sya nakita"

At nang matapos na silang sumayaw ay pumunta na sila sa mga hari at reyna.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon