CHAPTER 21

133 6 0
                                    

No ones POV
Nasa labas na ng gate ng school sina Fern Tyron Erina at Eros. Ngunit wala parin si Shon na kanila pang hinihintay.

"Ano ba yan! Bakit ang tagal nya?!" Galit na tanong ni Eros. "Hindi namin alam." Bored nalang na sagot nila.

"Eh bat naman kasi sinama pa sya? Isa syang archer!" Sabi pa ni Eros. Kaya tumingin sina Tyron at Fern kay Eros ng Masama.

"Kaya nga kailangan natin sya. Isa syang magaling na archer. Talo pa nga ang isa dyan eh." Sabi at parinig ni Fern.

"Hindi lang ako nagseryoso noon!" Pag dadahilan nya na syang ikinairap ng tatlo. Sakto naman na dumating na ang hinihintay nila.

"Guys!! So-sorry.. late.. late ako.." hingal nyang sabi.

"Tsk wag ka nalang sasama magiging pabigat ka lang" sabi naman ni Eros at nauna na papunta sa portal.

'Sana hindi nakakahilo ang portal katulad ng mga mababasa ko noon.' Sabi sa isip ni Kiro.

"Pag pasensyahan mo nalang sya Shon. Ganyan talaga yan." Sabi naman ni Erina at nauna na kaya sumunod na rin sina Tyron Fern at Shon. Pag labas nila sa portal ay bumungad sa kanila ang isang kakahuyan. Ngunit ang kay Kiro ay pinipigilan na nyang masuka.

"Ayos ka lang? Shon?" Tanong ni Erina na ikinatango lang ni Kiro at pilit na ngumiti. 'Hindi na ako papasok dyan' sabi nya sa sarili saka sinamaan ang portal na nag lalaho na.

"Ngayon dyan ka lang sa likod at baka makaabala ka pa." Eros said saka tinulak si Shon. Na syang ikinainis na nila.

"Tumahimik ka na nga lang Eros!" Sigaw ni Tyron. Kaya napatsk nalang si Eros at tumahinik.

"Bakit ka nga pala late? Shon?" Tanong naman ni Erina kay Kiro. "Hehehe hinanap ko kasi tong singsing." Sagot nito saka pinakita ang kulay gold na sing sing.

"Saan mo naman toh napulot?" Tanong naman ni Fern at saka ito tinignang mabuti. "Sa garden sa palasyo. Nakita ko lang ito na madumi at mukang luma na kaya nilinis ko at ito ang kinalabasan." Sagot naman ni Shon kaya napa ah nalang sila. Saka sila nag simulang pumasok sa kakahuyan ng murid.

"Shon. Dito ka lang sa likod namin. Ok?" Tanong ni Erina. Kaya tumango nalang si Shon at nag ok.

Habang nag lalakad ay hindi maiwasan na may nasasagupa silang mga lahiman ngunit agad naman nila ito natatalo

Habang si Kiro naman ay talagang namamangha dahil ngayon nya lang nakita sina Fern at Tyron na lumaban. Magaling talaga si Tyron sa espada habang si Fern naman ay ginagamit ang kapangyarihan ng kanyang espada. Isa itong legendary sword. At sya lang ang makakahawak nito at makakagamit.

Habang sina Erina at Eros naman ay pinag tutulungan ang isang malaking golem. Magaling din si Eros ang kaso puro lang sya lakas at hindi nag iisip.

Habang si Erina naman ay kabaliktaran ni Eros. Nag iisip muna bago kumilos.

"Ice magic: spikes!!!" Sabi nya at nag karoon ng spikes ang paanan ng kanilang kalaban. Saka nya ito pinugutan sa ulo. Napa tsk nalang si Eros at binulong ang "naunahan lang ako."

"Ayos lang ba kayo?" Nag aalalang tanong ni Kiro sa kanila nang matalo na nila ang kanilang kalaban. "Oo naman hahaha malakas kaya toh!" Sabi ni Fern kaya napatawa nalang silang lahat maliban nay Eros.

"Ano ba!! Eh kung mag patuloy nalang kaya tayo sa misyon keysa sa dada kayo dyan ng dada!" Sigaw ni Eros na ikinairap nila maliban kay Kiro na nakangiti at tumango.

"Tsk makapag salita kala mo nakatalo ng kalaban" inis na bulong ni Fern dito. "Haha pabayaan mo nalang ako nga wala pang ginagawa eh" sabi naman ni Kiro kaya tumahimik nalang siya.

Nang makita nila ang kuta ng mga mag nanakaw ay nag handa na sila. Pati narin si Kiro pero napatigil sila nang may lumipad na fairy papunta sa kanila at nag anyong tao.

"Elisa!!!?/ Princess Elisa!?" Sabay sabay nilang tanong nang nakita nila ito nang mabuti. "Haha ako nga hehehe" sabi naman ni Elisa. "Tapos na ang misyon. Bumalik na rin silang lahat sa academy. Bakit ba kasi kayo na late?" Sabi at tanong ni Elisa dito kaya lahat sila ay napatingin kay Kiro.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon