CHAPTER 9

278 11 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa tahanan nila Sora ilang araw na rin pala ako dito... hindi ko namalayan ang oras. Nag laro kasi kami nila Sora at Ren. Nag sorry na rin pala sya at nung una ay tajot na takot pa sya sakin. Pero kalaunan ay naging close ko na rin.

Hay.. kumusta na kaya sila? Si Mommy at Daddy. Sila kuya Walter ay ang iba. Sana ay nasa maayos lang sila.

"Hey! Shoki bakit tulala ka?" Tanong ni Ren na kakatigil lang sa kakatakbo. Lumapit na din si Sora samin. "Ayaw mo ba sa laro natin?" Malungkot na tanong ni Sora. Nataranta naman ako dahil doon. Ang ayaw ko sa lahat ay nakikitang malungkot si Sora.

"Hindi! Napagod lang ako yun lang. Tara na laro na ulit tayo!" Pag aya ko at nauna nang tumakbo. Ok na rin pala ang pag sasalita ko. Nag practice ako eh hehehe.

"Sora! Mag iingat ka!!!" Biglang sigaw ni Ren kaya tinignan ko sila at nakita kong mahuhulog na naman si Sora sa balon. Sora.. ano bang gusto mo sa balon at palagi ka nalang nahuhulog sa kanya alam mo naman na hindi ka nya sasaluhin. Nandito naman ako handa kang saluhin eh bakit sakanya pa??? Hahaha joke lang.. pero...

"Sora!!!!" Sigaw ko dahil talagang nahulog na naman sya sa balon. Patay! Kapag tatakbo ako hindi ko parin sya maabutan kailangan kong makaisip ng paraan para makapunta doon ng.. mabilis?

Huli na nang malaman ko na hawak hawak ko na pala ang kamay ni Sora. Pero pano ako nakapunta dito ng mabilis? Napatingin ako kay Ren na nakanganga ngayon. Mukang kailangan ko syang tanungin mamaya...

Hinila ko na si Sora mula sa balon at saka niyakap. "Pinag alala mo ako." Bulong ko dito. Napansin ko naman na namula ang kanyang fluffy na tenga at yung buntot nya na parang hindi mapakali. Kaya napangiti nalang ako ng di oras.

"Ehem tama na yan may single dito oh" sabi ni Ren sabay turo sa sarili nya. "Single ka naman talaga ah. Wala naman akong makitang isa pang katulad mo." Sabi ko naman at tinignan ang paligid. Wala naman akong makitang isa pang ako o Sora o Rin.

"Tsk alam mo ikaw.. napaka..." putol na sabi nya saka tumingin sakin. "Napaka- ano?" Tanong ko naman.

"Hayst wala tara na nga. Baka hinahanap na tayo nila ate Zen." Sabi nya at nauna na.

Sumunod na rin si Sora na tahimik parin. Kaya sumunod nalang din ako. Nahihilo na rin kasi ako eh.

●      ●       ●        ●          ●

Pag dating namin ay nakahanda na pala ang pagkain.

"Hali na kayo at kakain na. Ren dito ka nadin kumain." Pag aya ni tita Zerne. Kaya umupo na kami. Hindi ko alam pero parang may kakaiba.

"Sho-shoki... masaya ka ba dito?" Biglang tanong ni tito Serta. Masaya? Masaya ba ako dito?

Napatigil nalang ako sa pag kain. Masaya naman ako pero nag aalala rin ako sa pamilya ko...

"Masaya naman po..." sagot ko. At sumubo ulit.

"Hindi mo ba namimiss ang pamilya mo doon?" Tanong naman ngayon ni tito Senrir. Bakit ba tanong sila ng tanong? "Mamimiss po.." sagot ko ulit.

"Gu---"hindi na natapos ang sasabihin ni tito Senrir nang may pumutol dito na syang nag salita...

"Gusto mo nabang bumalik satin, Shon?" Tanong ng kung sino kaya napalingon ako pero natawa nalang ako nang makita ang muka nya.

"Hahahahahaha- kuya Walter. Hahahaha- matanda na hahahaha" sabi ko habang nakahawak sa tyan. Oo si kuya Walter ang nagsalita. Wait... "Waaaaah kuya!!!!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya at hinagkan ito.

"Hahaha miss na rin kita shon." Sabi naman nya. Alam kong malakas na si kuya dahil sa aura nya.

"Wait shon?" Takang tanong nila ate Zen Ren at Sora. Mukang kailangan ko nang mag pakilala...

"Hindi ka talaga nag pakilala ng maayos noh? Pero ang cute nung Shoki. Hahahahaha" natatawang sabi ni Kuya kaya sinipa ko sya sa paa. Napa-ow naman sya. Haha may super strength kaya toh!

"*Sigh* sorry kung hindi ako nag pakilala ng maayos. Ako nga pala si Shon Kiro Ryugawa. Sorry talaga at nag sinungaling ako." Sabi ko at yumuko. Saka pumikit. Nang may naramdaman akong nag pat sakin. Si tito Senrir pala.

"Ok lang yun. Naiintindihan naman namin. Mahirap ang pinagdaanan mo kaya ok lang yun bata." Sabi nya saka ngumiti. Mapangiti nalang din ako. Maswerte talaga si Sora... ok nang iwan ko sya dito.

"Oo nga sho-- este prince Shon hehe" sabi naman ni tito Serta saka nag thumbs up.

"Pero... teka young master kilala nyo ang batang yan?" Sabay na tanong nila kuya Nate at ate Zen. Sabay nagkatinginan sila at sabay ding umiwas.

"Oo/ yup" sabay namang naming sagot ni Kuya Walter. "Haha ang laki na ng pinag bago mo shon! Siguradong matutuwa sila pag nalaman nilang lumakas kana." Sabi pa nya sakin saka ako pinat.

"Hey Sora. Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Ren kay Sora kaya napatingin ako dito at kita kong nakatulala lang syang nakatingin sakin. Tapos nakita kong lumuha sya saka tumakbo. Gusto ko syang sundan pero hindi ko kaya... ayaw kong maalala nya pa ang mga pinabaon ko nang alaala nya.

Tiningnan ko si Ren na parang sinasabing sundan sya kaya umalis na rin sya. "Ok lang ba sya?" Tanong ni kuya Walter. Tumango nalang ako.

"So balik tayo sa usapan... ano gusto mo nabang bumalik sa inyo?" Tanong ni Tito Senrir. Kita ko naman na yumuko sina ate Zen, Tito Serta at tita Zerne. Kita ko naman na naguguluhan sina kuya Nate.

"Bigyan nyo nalang po ako ng panahon para mag desisyon. Napamahal na rin po kasi sila sakin." Sagot ko naman ay tumayo na saka pumasok sa kwarto ni Sora.

Umupo ako sa kanyang higaan. Gagawin ko na ang plano ko. Noon pang dumating ako dito...

Pumikit ako at inisip ko na mag foform na Barrier ang hangin pumapalibot dito sa village.

Napadilat nalang ako at napasmirk. Complete. Ngayon magiging panatag na ako kapag iiwan ko na sila. Ang nabasa ko sa comic na kung papanong gumamit ng magic ay talagang kahanga hanga.

Unti unti nang bumibigat ang pakiramdam ko hanggang sa namalayan ko nalamg na nandito nanaman ako kay God Felix.

"Nag kita tayo muli. Kiro." Panimula nya. Napakamot nalang ako ng ulo.

"Hehehe. Napasobra yata ako." Nasabi ko nalang sakalumapit sakanya.

"Gusto mo bang itrain kita?" Tanong ni God Felix. Kaya napatingin ako sa kanya na nag tataka.

"Wag na po. Nakakahiya na eh." Sabi ko pero lumapit lang sya at tinap ang balikat ko saka nag salita. "Kailangan at isa pa. Pano mo maproprotektahan ang mga mahal mo pag sarili mo hindi mo maproprotektahan. Kaya tuturuan kita. Hindi sapat na magic lang ang itatapat mo sa mga kalaban mo. Kailangan mo rin ng lakas. Kahit na nag tratraining ka na ay mas magandang ako ang mag turo sayo." Sabi nya kaya tumango nalang ako.

"Hahaha! Siguradong pag gising mo ay malakas kana." Sabi nya at nag simula na kaming mag ensayo pero bago yun ay....

"Kuya Nate..." sabing kausap ko sa kanya.

Walter's POV
Nandito kami sa hapag at nag kukuwentuhan. Nag pakilala na rin pala ang mga bago nilang kasama. Ang sinasabing protectors ni Shon. Nag alala nga ako dahil gumamit ng magic si Shon. Pero mukabg maayos lang sya.

Sya nga pala ligtas na rin sa palasyo nila Shon. Nakatakas nga lang ang nag tangka sa kanya.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon