CHAPTER 3

539 24 0
                                    

Chapter 3

Kiro's POV
Hi guys! Sya nga pala ako si Shon Kiro Ryugawa. 5 yld at nandito ako ngayon sa Library natutulog. Hindii pa pala nasasabi kung ano ang lugar na ito. Ehem. Ito ang Light World. At ang alam ko lang dito ay.. magic existing in this world.

Ok balik na tayo. Tapos ko nang nasagot ang lahat ng nasa papel. Well gusto kong matulog kaso..

"Shon! Pwano toh?(Shon! Pano toh?)" Tanong ni Elisa. Nandito rin kasi sila at nag papaturo daw. Pero sakin? Hinidi nya ba alam na mag kasing edad lang kami? Well. Dito oo. Hehehe

"Bwakit ka shakin nag tatanong? Kwayo wa nag wawaral eh(Bakit ka sakin nag tatanong? Kayo nga nag aaral eh)" sabi ko sabay pout. Oo sila lang ang nag aaral. Dahil sa sakit ko raw. Sabi ni Mommy mahina daw ang katawan ko kaya kahit kailan ayaw nila akong palabasin sa palasyo. Hanggang garden lang ako. At hindi rin nila ako pinapapasok sa paaralan. Mga guro na nga mga nag aadjust at pumupunta dito para magturo. Pero dahil nga sa alam ko na angmga tinuturo nila dahil katulad din sa earth may subject na math history geography at iba pa pero meron pang nadagdag katulad ng potion making at magic class -na hindi ako pwede- so halos lahat ng subjects ay parang boring na tanging potion making lang at history ang gusto kong subjects. Habang nag dadada ako dito bigla nalang kinuha ni Tyron ang papel na binigay sakin ni kuya Core. Sabi nya sasagutan ko raw tapos umalis na sya. So ayun kinuha ko nalang. Math lang pala ang sasagutan ko. Gusto nyo malaman ang mga tanong? Etoh.

1+1=2
3+1=4
2+3=5
4+1=5
4+5=9

Yun lang dali noh? Kaya nga dadaganan ko na sana ang papel na sinagutan ko para hindi sila mag cheat pero no effect pinag kakaisahan nila ako para lang makuha ang sagot ko. Kaya pinabayaan ko nalang. Matutulog nalang ako...

Core's POV
Pag kabigay ko ng papel kay Shon ay umalis muna ako saglit. Yun ang alam nila pero ginamit ko ang invisible para hindi nila ako makita. Kaya nakikita ko ngayon na natutulog si Shon at sina Tyron Ferem Elisa at Fern naman ay kinuha ang papel ni Shon ay kinopya ang sagot nito. Hay.. sila talaga.. kaya ang ginawa ko ay dinisable ko ang invisible para makita nila ako pag kakita nila sakin ay nag siayos sila pero bisto na kayo. Kaya ang ginawa ko ay kumuha ulit ako ng bagong sasagutan nila at kinuha ang papel ni Shon at chineck.

1+1=2 /
3+1=4 /
2+3=5 /
4+1=5 /
4+5=9 /
Ang galing nya. Sabi ni Tita Kerina ay palagi daw natutulog si Shon sa klase nya tanging sa potion making at martial arts lang sya active. Kaya heto ako tinetest si Shon. Pero hindi ba talaga sya nakikinig? Eh talo nya pa ang mga nakikinig.

"Hay.. dapat hindi kayo mangopya dahil bawal yun. Tularan nyo si Shon na nagpupursigi." Paaral ko sa kanila. At tumingin kay Shon na natutulog.

Tapos pumunta sa throne room kung nasaan sina tita Kerina at tito Toru.

"Oh Core so anong balita tungkol kay Shon?" Tanong ni Tito toru sakin.

"Wala naman pong problema. Mukang masyadong matalino si Shon. Kaya siguro palagi syang natutulog sa klase nya." Magalang kong sagot. Nag katinginan naman sina tito at tita. Saka sila sabay na tumawa.

"Grabe sabi ko na. Nakuha nya ang ugali ko at ang katalinuhan ni Kerina." Sabi ni Toru habang tumatawa. Oo nga pala sa lahat ng kings si tito Toru ang maantukin at sa lahat ng queens si tita Kerina ang matalino.

"Oo nga kaya kasalanan mo kung magiging tamad sya!" Sigaw naman ni Tita kay tito. At si Tito naman ay namutla haha sino ba naman ang hindi matatakot kay tita. Lalo na pag galit.

"Sige po alis na po ako." Paalam ko at lumabas na sa silid. Habang nag lalakad papuntang library  nakita ko si Susan na nililinis ang bow nya. Ang ganda nya talaga..

"Gushto mo wawaga shi ate shushan noh?(Gusto mo talaga si ate susan noh?)" Biglang sabi sa likod ko kaya bigla akong napatingin sa nag salita.

"Anong ginagawa mo dito Shon?"tanong ko sa kanya.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon