Kiro's POV
Dinala ko na si Camilla kina mommy at pinakilala. Wala na akong magagawa dahil malulungkot sina mommy pag nalaman nilang hindi sumipot ang hinihintay ko."Ang ganda mo naman binibini. Sa anong pamilya ka galing?" Tanong ni tito Dren kay Camilla
"Ammm..." sabi ni Camilla at nag tago sa likod ko. Kaya napatawa nalang kami at binatukan ni tita Teressa si tito saka sinermonan.
"Ah. Ok lang yan iha." Mahinhing sabi naman ni tita Wendy kaya mukang nawalan naman na sya ng takot at lumabas sa pag kakatago sa likod ko.
"Isa lang po akong commoner." Sabi ni Camilla kaya napahinto ang mga nilalang sa kanilang ginagawa.
"O-oh. Hahahaha ok." Pilit na ngiting sabi nila.
Nakita ko namang na nahiya si Camilla kay.. "ina ama. Una na kami." Paalam ko at hinila si Camilla palabas.
"Te-teka. Prince shon.." utal na sabi nya kaya huminto na muna ako saglit sa pag kalagkad sa kanya.
"So-sorry. Nasaktan ba kita?" Nag aalalang tanong ko pero umiling lang sya.
"Halika." Aya ko at binagal na ang paglakad papunta sa garden.
"Prince Shon bakit po tayo nandito?" Tanong ni Camilla sakin kaya ngumiti nalang ako sa kanya at umupo sa upuan.
Tinap ko ang tabi ko na nag sasabi na umuka. Kaya umupo na rin sya sa tabi ko. Tuningin ako sa kalangitan at parang itoy nakikiramay sa aking kalungkutan...
"Ok lang po ba kayo?" Mukang nag aalalang tanong ni Camilla. Kaya pilit lang na ngiti ang naigawad ko sa kanya.
"Haha may iiisip lang." Nasagot ko nalang. "Ano.. mahal na prinsepe... alam ko pong may hinihintay talaga kayo. At alam ko pong nag aalala na po kayo sa kanya kaya.. pwede nyo naman syang puntahan." Nakangiting sabi ni Camilla kaya lumiwanag ang muka ko.
"Sala---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang dumating ang mga kawal kasama si Erina. Sumaludo naman sila sakin at sinabing.. "kailangan no na pong bumalik. Your highness. Nag hihintay na po ang iba nyo pang panauhin."
Kaya bagsak balikat akong tumango. Tinignan muna si Camilla at pilit na ngumiti. Saka sumama na sa mga kawal.
Habang nag lalakad ay sumabay sakin si Erina.
"Sino yung kasama mo Shon?" Bulong na tanong sakin ni Erina. Oo nga pala naiwan ko na si Camilla...
"Camilla... isang commoner." Sabi ko kaya tumango tango nalang sya at bumalik sa kanayang posisyon.
BINABASA MO ANG
Reincarnated in another world with my cat
FantasyPaano kung ang isang pusang alaga mo at ikaw ay mareincarnated sa ibang mundo...ano ang gagawin mo...ano kayang mangyayari... Tunghayan ang storya ni kiro na nareincarnate sa ibang mundo kasama ang pusa niya... Sana magenjoy kayo sa istoryang ito...