CHAPTER 8

273 13 0
                                    

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Shoki/Shon/Kiro's POV
Gusto ko kasing malaman kung ano ang magiging parusa nung taong yun. Sa mundo ko kasi noon. Kinukulong lang sila. Kahit sa kingdom kinukulong o binibitay. Pero hindi ko pa nakikita.

"Craviniers marahil nag tataka kayo kung bakit nakatali ang nilalang na ito sa harap ninyo." Paninimula ni uncle Senrir. Oh marahil na hindi nyo alam na sya ang pinuno nila. Sya rin ang pinakamalakas na Cravinier pero ngayon si Sora na hehehehe.

"Niloko nya tayo at ginamitan ng mahika. Sinabing demonyo ang taong tinulungan namin pero ang totoo ay mabait sya at kaibigan rin ng aking master." Paliwanag nya pero kaibigan ng kanyang master? Sino naman kaya?

"Kaya namin sya dinala dito para kayo mismo ang mag desisyon kung ano ang gagawin sa kanya." Dugtong nya pa. Ah. Ok so sa kanila ay parang sa earth rin hindi ko na alam kung ano ang tawag dun pero ang alam ko marcial law yata o ano... haist basta search nyo nalang.

"Patayin!!!"
"Bitayin na yan!!!"
"Hindi!! Masmaganda kung pakain nalang natin sa mga alaga natin!!!"
"Oo tama!!!"

Grabe pala sila... nakakatakot... -_-'

"Sige mukang nakapagdesisyon na ang lahat. IPAKAIN SYA SA MGA CRUSERVER!!!" Sigaw ni Tito Senrir. Pero Cruserver? Hmm sila ba yung kasing laki ng isang aso pero mas matatalim lang pasi ang kanilang kuko at ngipin. Kulay blue sila ang cucute pero wild animals parin sila. Kung ganon alaga pala ng Cravinier ang mga Cruserver.

Kaya kinaladkad ng mga tauhan ni tito Senrir yung masamang tao at dinala kung saan.ngunit bago yun ay may sinigaw muna sya na kinairita ko.

"Prince Shon! Alam kong naririnig mo ako!! Ang iyong pamilya, ang iyong mga kaibigan at higit sa lahat.. ang iyong mahal." Rinig kong sabi nya kaya wala na akong magawa kung hindi ang lumabas at mabilisan syang sinakal. Alam kong lumulutang at nag liliwanag na ako.

"Try it and I swear i'll pay you high enough that you will gonna wish to die." Bulong jo dito para lang hindi nila marinig. Napa smirk nalang ako nang makita kong takot na takot sya.

Binitawan ko na sya at bumaba na. Kinalma ko narin ang sarili para hindi na ako mag liwanag pa. Buti nalang at napigilan ko ang sarili ko na gumamit ng kapangyarihan dahil kung hindi siguradong...

"Shoki!!! Anong ginagawa mo?" Biglang tanong ni Sora na halatang sinundan ako. Tinignan ko sya mula sa mata at mabuti nalang at hindi nya yata nakita ang ginawa ko.

"Hehe wala hehehe mean kashi sya!" Sabi ko sabay turo sa lalaki na ngayon ay bakas na ng pagtataka pero nandoon parin ang takot nito. Siguro dahil sa inasta ko kanina at ngayon.

"Hmp hali ka na nga. Uwi na tayo. Nakakaabala na tayo oh" sabi ni Sora at hinila ako kaya nag pahila nalang. Kaasar... ngayong tinitignan ko si Sora ay mas matangkad pala ito sakin. Hmp tatangkad din ako!!!

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon