CHAPTER 25

136 7 0
                                    

No ones POV
Pag balik nila Sora sa kanilang bahay na balisa ay may nakita silang isang bisita. Nakatalikod sa kanila at puti ang buhok.

"Oh! Nandito na pala sila" sabi ni Serne. Kung nakakalimutan nyo mama sya ni Sora.

Kaya lumingon ang taong puti ang buhok sa kanila at napaiyak nalang si Sora nang kanyang nakilala ang nilalang.

Tumakbo si Sora papunta sa kanya at hinagkan ito na parang ayaw na nitong umalis pa sya. "I miss you." Tanging sabi nalang ni Sora. Kaya napangiti si Kiro. Oo si Kiro.

Nag katinginan naman sina Senrir at ang iba pang nanonood sa kanilang nag yayakapan at tumango.

"Sige aalis muna kano ni Serta at kukuha ng panggatong." Sabi ni Senrir. Ang papa ni Sora. At hinila si Serta na nakatingin kina Kiro na ngayon ay mag kahiwalay na.

Napangiti nalang si Serta at sinabing. "Gawa na kayo ng pamangkin ha?" Kaya binatukan sya ng kanyang kapatid na si Senrir. Saka sila umalis.

"Im going" tanging sabi ni Cane at nawala na.

"Mamamalengke muna kami nila Nate at Zen." Sabi naman ni Serne at umalis na rin.

Kaya sila nalang dalawa ang naiwan. "Nangyari sa kanila?" Tanong ni Sora. Kaya nag kibit balikat nalang si Kiro at umupo sa upuan.

"Kumusta kana pala Sora?" Tanong ni Kiro habang nakatingin sa mga mata ni Sora.

"Maayos naman. Malakas na rin ako. At kaya ko nang kontrolin ang powers ko." Sagot naman ni Sora na ikinangiti ni Kiro.

"Magaling kung ganon." Tanging sabi nalang nito. At binglang nag seryoso.

"Alam ko nang naaalala mo na lahat Sora. Pero hindi ako hihingi ng tawad." Tanging sabi nito na nag paseryoso rin kay Sora.

"Bakit mo ba pinabura ang ala ala ko tungkol sa past life ko?!" Tanong na pasigaw ni Sora. Pero hindi sumagot si Kiro at yumuko nalang.

"Alam mko bang palagi akong nanaginip tungkol sayo? Tungkol kay Kiro?!" Sabi ulit nya. At umiyak kaya naiyukom nalang ni Kiro ang kanyang mga kamay at mariing pumikit.

"Palagi kong tinatanong ang sarili ko kung sino ba talaga si Kiro. Kung sino at ano sya sa buhay ko." Sabi ulit ni Sora. Na ngayon ay mahina nalang.

"At ngayon alam ko na kung sino sya..." sabi nya kaya napatingin si Kiro sa kanya na ngayon ay nakangiti na at wala nang bakas ng galit ang muka.

"Si Kiro ay ang aking kaibigan mula noon hanggang ngayon... sya ang nag paramdam sakin ng pag mamahal at nag pahalaga sakin katulad ng isang pamilya. Sya ang.. master ko na pinangakuhan ko na poprotektahan ko habang buhay." Mahabang sabi nito na ikina nganga ni Kiro. 'Akala ko ba galit sya? Hay.. hindi ko talaga sya maintindihan' sabi nalang nya sa sarili nya.

Palibhasa manhid ang main character natin katulad ng isa dyan. Hindi alam ma may nag mamahal para sa kanya nag hanap pa ng iba. Diba?!

(N: hoy!!! Balik ka na sa kwento! Tama na ang hugot mo!)

Tsk. Pakialamera.. ehem.. so balik na nga tayo sa kwento. Biglang lumuhod si Sora at parang nag bibigay galang. Kaya napatayo nalang si Kiro dahil sa gulat.

"Shoki prince Shon o Kiro. Pinapangako ko na poprotektahan kita at susunod ako sa lahat ng iyong pupuntahan." Sabi ni Sora. Kaya napabuntong hininga nal 1mang si Kiro at pinatayo si Sora.

"Kiro nalang ang itawag mo sakin. Isa pa. Hindi ka aso dahil pusa ka. Pfft.." pang aasar ni Kiro at nag pigil ng tawa dahil sa sinabi nya.

Sabihin ko lang sainyo kahit ang author ng story na ito ay hindi alam kung pusa ba ang Cravinier o aso.

"Pero please. Wag mong gawin yun. Ang gusto ko lang ay maprotektahan mo ang sarili mo. Doon palang ay maayos na ako. Sora" sabi ni Kiro at saka hinaplos nito ang pisngi ni Sora.

"So please.. Sora ayaw ko nang makita kita ulit na nasasaktan at nahihirapan." Sabi ulit ni Kiro na nag pa pula na ng husto sa muka.

Pag katapos ng pag uusap nila ay sakto naman na bumalik na silang lahat. Nag kasiyahan sila at nag katuwaan. Hanggang sa nag paalam na si Kiro na babalik na sya sa Academy.

"Kiro.. ntatandaan ko na ang araw na ito... ang araw ng ating pag kamatay."

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon