CHAPTER 18

150 8 0
                                    

Shon Kiro's POV
Nandito na kaming lahat sa isang arena. Para syang isaang Greek style. Hihi asan kaya si goddess Athena? Hahaha pero kailangan ko munang pumili ng sandata.

Kinuha ko na ang sandatang napili ko at hinarap sya. Hawak nya ngayon ang isang espada habang nakangise.

"BEGIN!!!" sigaw ng announcer.

"Haha sigurado ka ba prinsepe? Pana ang ipang lalaban mo sakin? Nag papatawa ka ba?" Tawang tanong nya. Oo pana ang pinili kong sandata 'metal naman ito kaya ok na rin'. Dahil nakikita ko na halos lahat ng archers ay tinitignan na mahina. Kaya heto ako ngayon gusto ko lang sabihin na malakas din ang archers at kayang makipag sabayan sa mga espada.

"Hehe wag mong minamaliit ang mga archers. Mr. Yuras." Sabi ko at bumunot ng palaso at pinana ang tagiliran nya. Mabilis ang naging galaw ko at pinana ulit sya pero ngayon ay nakaiwas na sya papunta sa kanan at papunta sakin kaya kumuha ulit ako ng palaso at pinana sa itaas ko. Alam kong nagulat sya kaya medyo napatigis sya at sumugod ulit. Winasiwas nya ang espada nya and I think he's aiming for my head. Na mabilis ko namang naiwasan.

Atake lang sya ng atake habang ako ay iwas lang nang iwas.

"Ano iiwas ka nalang ba?" Nakangise nyang tanong. "Nakalimutan mo na yatang mahina ang archers sa malapitang laban" dugtong nya pa at sinugatan ako sa pisngi.

"Shon!!!" Rinig kong  hsigaw nila Mommy. Tumingin ako sa taas at nakita kong papaibaba na ang palaso.

"Alam mo rin ba na..." pitol na sabi ko at pinangharang ang pana ko sa espada nyaat hinuli ang palasong papababa na at tinadyakan ang paa ni Eros dahilan kaya sya natumba saka ko tinutok ang palaso sa kanyang leeg.

"Archers can fight like every one else." Sabi ko at iniwan syang nakadapa.

Pag labas ko sa arena ay nakita ko agad sina mommy na parang galit. Did I go over board?

"Pano mo nalaman gumamit ng pana?" Nakacross arm na tanong ni mommy. Patay ka na Kiro... bakit ba kasi pana ang ginamit ko? Ang alam nila ay magaling lang ako sa espada.

"Ah.. eh.. ano.. na-natutunan ko sa mga Cravinier noon." Pag sisinungaling ko. Huhuhu lord sorry talaga. Nagiging sinungaling na ako.

"Oh ganun ba?" Pag sisigurado ni Mommy kaya tumango lang ako.

"Hay pabayaan mo nalang ang anak natin Kerina. Malaki na sya. Kaya *hik*..." sabi ni daddy habang umiiyak kaya napatampal nalang ako sa noo. "Ok. Ok. Pero Shon wag kang papasok sa khit anong gulo ok?" Tanong ni Mommy kaya tumango ulit ako at ngumiti.

"Tyron, Erina. Kayo na ang bahala sa anak ko ok?" Tanong naman ni Mommy kina Ty. "Opo tita/ opo mahal na reyna." Sabay nilang sagot nila Ty at Erina.

"Shon. Kahit na nasa tabi mo sina Tyron at Erina ay mag iingat ka parin." Sabi ni Mommy at hinalikan ako sa noo.

Nang makaalis na sina mommy ay nag lakad na kami para hanapin ang dorm ko. Sabi ni Ty na bukas na daw ang first day namin kaya kailangan na naming matulog.

Kaya pag kahanap namin ng dorm ko ay nag paalam na sila sakin na umalis. Pag pasok ko sa dorm ko ay parang isang high class na hotel ito. Parang bumalik lang ako sa past life ko...

Pero ngayon may kaibahan na. At yun ay... wala sya dito. Umupo ako sa kama ko at inalala ang past life ko.

--------------
"Sora dito muna tayo huh? Magagalit kasi sina Mom pag nakita ka nila." Sabi ko pumasok sa room ng vip hotel. "Meow" sabi naman ni Sora.

"Haha parang naiintindihan mo talaga ako." Ngiting sabi ko at binuhat ang pusa. Ang cute nya talaga. White cat pero ang kanyang mga mata ay kakaiba. Siguro dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya noon. Dahil ang kanyang mga mata na ay blue sa kaliwang mata habang red sa kanan.

"Meowaw" napatawa nalang ako dahil parang sumasagot talaga ang pusa. Tapos humiga na kami sa kama at natulog....
-----------

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon