Flaire's POV
Yow everyone!! Nandito ako ngayon sa pulong. At ang masasabi ko lang ay... B.O.R.I.N.G!!!Hindi na namin hinanap si Lady Sora dahil nong tinanong namin na hindi namin mahanap si Lady Sora kay master ay sinabi nyang.
'Edi wag. I don't care about her. I don't even know her.'
Diba? Kakaiba na ngayon si master hindi na sya magalang. At hindi na namin nakikita ang mga ngiti nya. Nag bago na talaga sya nang tuluyan at noong sinabi ni Master iyon ay sinuntok ni Nate si Master na ikinagulat namin ni Cane. Akala nga namin ay babalik na si master sa dati pero...
Pero masamang tingin lang ang ipinukol nito kay Nate at sinabing 'die' kaya unti unting napaluhod si Nate kaya nataranta kaming dalawa noon ni Cane at inawat si Master buti nalang at naawat namin dahil kung hindi ay tigok na si Nate.
At ngayon ay naging cold na rin si Nate sa lahat kasama kay master. Maliban kay Lady Zen. At habang si Canr naman ay hindi parin tumitigil sa pag hahanap kay Lady Sora.
So ngayon ay talagang boring na ako kaya umalis nalang ako sa pag pupulong. At bumalik ng bahay. Sya nga pala... patay na rin ang mga magulang nila Lady Zen. Namatay sila sa pag hahanap kay Lady Sora.
Kaya pag pasok ko ng bahay ay bigla nalang may naramdaman akong isang pamilyar na presensya. Kaya pumunta ako doon at nakita ko ang isang nilalang na kulay puti ang buhok. Hindi ko alam kung kalaban o kakakampi kaya itoy tinutukan ko ng aking espada.
"Sino ka?" Tanong ko pa. Kaya tumingala sya sakin na ikinagulat ko at nabitawan ko ang espada ko.
White hair at blue eyes....
"La-Lady Sora???" Utal na tanong ko at lumuhod pa at hinawakan ang muka nya.
"Bu-buhay ka?" Tanong ko pero tango lang ang naisagot nya kaya tinignan ko ang tinitignan nya kanina at iyon ang...
Kaya niyakap ko sya at hinagod hagod ang kanyang likod. "Ok lang yan. Lady Sora.." nasabi ko nalang dahil nakakaawa na sya. Lalo pag malalaman nyang dahil sa kanya namatay ang mga magulang nila.
At nang makakalma na si Lady Sora ay pinagtimpla ko sya ng gatas. Hulaan nyo kung kanino ito?
"Salamat kuya Flaire.." bakas ang lungkot na pasasalamat nito kaya ngumiti nalang ako ng pilit.
"Nakabalik na kami!" Sigaw ng babae. Na alam ko kung sino. Sigurado na matutuwa sya!
"Oh! Flaire sabi ni Nate umalis ka na naman sa kalagitnaan ng pag pupulong?" Tanong ni Lady Zen kaya napakamot nalang ako ng ulo at tumawa. Nang mapansin nya na may kasama ako.
"May kasama ka pa--" hindi na naituloy ni lady Zen ang sasabihin nang makita nito ang muka ni Lady Sora.
"So-sora.." tanging sabi nito at niyakap si Sora ng mahigpit. Nakita ko naman na nagulat rin ang munting naming Zete(Zet). Sya ang anak nila Nate at Zen.
"Tara sa labas. Zete. Mag lalaro tayo!" Aya ko kaya ngumiti sya at sinabing "yehey!"
Kaya lumabas na kami.
Zen's POV
"Sora saan ka ba kasi nag sususuot?" Iyak na tanong ko. Alam ko na umiiyak na rin sya. "Ateh!! Si mama! Si papa!!" Iyak na sabi nya kaya mas hinigpitan ko ang yakap."*hik* pa-patay na sila..." ital na sabi ko at kumalas na sa pag kakayakap.at sinuri sya. Alam kong lalo syang lumakas. Kahit itago nya ito.
"Ba-bakit? Pano?? Tatlong buwan lang naman ako doon ah." Sabi na ikinakunot ng noo ko. "Tatlong bwan?" Pag klaklaro ko pa.
"Opo. Tatlong bwan akong nagensayo. Sa loob ng espada." Sagot nya. Kaya lalo akong nagulat.
"Pero.. tatlong taon kang nawala.." sabi ko na ikinabigla nya. "At sa tatlong buwan na iyon ay madami na ang nag bago." Dugtong ko pa.
"Katulad ng ano po?" Tanong naman ni Sora at tumayo. "Si Shoki.. ibang iba na sya. Para ngang hindi na sya yung dati. Parang ibang tao na." Sagot ko at tumingin sa baso na wala nang laman.
"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong nya ulit. "Hindi ka na nya kilala. Sabi ni Nate na kaya nya na ring pumatay ngayon" paliwanag ko. Kaya napaluhod nalang sya.
"Hindi na nya ako.. kilala?" Tanong nya sa kawalan at tumayo saka tumakbo. Hindi ko na sya pinigilan o sinundan pa dahil kailangan nyang mapag isa.
"Masaya ako at nag balik kana.. Sora. Mama papa. Nag balik na si bunso. Sama ay masaya na kayo sa kabilang buhay." Sabi ko sa kawalan. At nag handa na ng lulutuin.
BINABASA MO ANG
Reincarnated in another world with my cat
FantasyPaano kung ang isang pusang alaga mo at ikaw ay mareincarnated sa ibang mundo...ano ang gagawin mo...ano kayang mangyayari... Tunghayan ang storya ni kiro na nareincarnate sa ibang mundo kasama ang pusa niya... Sana magenjoy kayo sa istoryang ito...