CHAPTER 27

115 6 0
                                    

Kiro's POV
Patay tayo dyan...

Kaya sinubukan ko ulit pero wala parin.. naistranded ako.. "pano na yan?" Tanong ko sa sarili ko at umupo sa kama ko? Teka bat kulay pink na? Ang alam ko ay kulay blue ito eh...

Pero teka mamaya muna ang kulay. Kailangan kong makaisip ng paraan para makabalik. Hmm... siguro ay nadrain lang ang power ko pero bakit hindi ako nahimatay?

Habang nag iisip ay bigla akong napatingin sa bumukas na pinto. Pag tingin ko. "Hello" nakangiting saad ko at kumaway pa. Siguro ito na ang.. ang.. ano.. ano ko ba ito?

Mukang kagagaling nya lang sa paaralan...

Nang bigla nalang syang sumigaw nang napakalakas"KYAAAAAAAAAH!!!!!!" Kaya napatakip nalang ako sa tenga ko. At lumapit sa kanya saka tinakpan ang kanyang labi.

Tinignan ko syng mabuti at nakita ko ang blue nyang mga mata na nakatago sa kanyang salamin na nababagay sa itim nyang buhok.

"Kamuka mo si Mom." Nasabi ko nalang at ngumiti. At tinanggal ang kamay ko sa bunganga nya.

"Wag kang mag alala. Hindi ako masamang t-tao." Sabi ko at nautal pa. Eh sa kinakabahan ako baka matakot sya sakin at sumigaw ulit.

"Sino k-ka ba?" Takot na tanong nito at niyakap pa ang sarili. Bakit? Muka ba akong manyak? -_-

"Ako nga pala si Kiro. Hehe sorry sa pag pasok sa kwarto mo nang hindi nag papaalam" pakilala ko at paumanhin. Pero lumayo lang sya sakin. Parang aalis nalang yata ako. Tapos tumingin sa bintana at tatalon na sana nang pigilan ako nung babae.

"Wait!!! Wag kangtumalon!! Nasa third floor tayo!" Sabi nya kaya napaisip ako. Oo nga pala noh. Kaya napapahiya akong bumaba sa bintana.

"Hehehe." Nasabi ko nalang habang napapahiya. Nakalimutan ko.

"Pfft" pigil tawa ng babae kaya napatingin ako sa kanya. At napangiti nalang nang tumawa sya. Kamukang kamuka nya talaga si mom.

Anice's POV
Kakauwi ko lang galing school at wala pa sina mama dito dahil nasa out of town sila isang linggo sila doon kaya mag isa lang ako dito sa bahay.

Oo mag isa lang ako dahil kaya ko naman na ang sarili ko. Sya nga pala hindi pa ako nag papakilala. Ako nga pala sin Anice Ramirez. 15 years old at kaisa isang anak nila mama Anica at papa Hero.

Isa akong mabait at magalang na tao tapos sabi nila ay matalino daw ako at higit sa lahat matatakutin. Yun lang ang masasabi ko sa sarili ko.

Pag pasik ko sa bahay ay parang may kakaiba. Pero baka paranoid lang ako kaya hindi ko nalang inintindi. Malaki pala tong bahay namin este sa mga amo ng mga magulang ng mama ko. Oo amo. Pinamana lang sakanila daw ito dahil wala na silang ibang pamilya at patay na rin daw ang kanilang anak. Nakakalungkot hindi ba? Kahit gano man kayaman ang isang tao ay wala parin itong silbi kung wala na ang dahilan ng kanyang kagustuhang yumaman. Hindi ba tama ako? Susuko na ang isang tao kung wala na syang dahilan para ipag patuloy pa ang kanyang ginagawa...

Hay.. tama na nga yan. Punta muna ako sa kwarto para naman makapag bihis na rin ako. Pero pag pasok ko palang sa kwarto ko ay may nakita akong lalaki na nakaupo sa kama ko. Nakatingin rin ito sakin na parang nagulat.

"Hello" sabi nya at kumaway pa. Te-teka pano sya nakapasok dito? Hindi kaya sya yung sinasabing rapist na nandito sa lugar namin?

"KYAAAAAAAAAH!!!!!!" Sigaw ko. Huhuhu mama papa tulong!! May rapist sa kwarto ko!!!

Nakita kong lumapit sya sakin kaya napatingin ako sa kanya. Ang puti ng buhok nya at ang pula ng mga mata nya. Teka baka bampira sya! Kaya sisigaw sana ulit ako nang tinakpan nya ang akong bibig. Tapos parang sinusuri nya akong maigi.

"Kamuka mo si Mom." Rinig kong sabi nya at tinanggal na kamay nya. Mom???

"Wag kang mag alala. Hindi ako masamang t-tao." Sabi nya pero hindi parin ako naniniwala. Kahit sobrang inosente ng muka nya. Baka mamaya gwapong rapist sya.

"Sino k-ka ba?" Takot na tanong ko at niyakap ang sarili. Eh sa kanina pa sya nakatingin sakin eh!

"Ako nga pala si Kiro. Hehe sorry sa pag pasok sa kwarto mo nang hindi nag papaalam" pakilala nya at paumanhin. Pero Kiro? Teka sya ba yung... napaatras nalang ako dahil sa naalala.. te-teka multo ba sya? Eh ka-kasi.. kapangalan nya ang lalaki na nag mamaiari ng kwartong ito. Pero sabi nasa 20's na daw yun pero ito ay parang kasing tanda ko lang.

Pag tingin ko sa kanya ay nakita ko sya sa may bintana na parang tatalon na kaya namilog ang mga mata ko at sumigaw.

"Wait!!! Wag kangtumalon!! Nasa third floor tayo!" Sigaw ko kaya tinignan nya ang baba at parang nahihiyang bumaba. Haha ang cute nya.

"Hehehe."nasabi nalang nya kaya...

"Pfft" pigil tawa ko pero hindi ko na kinaya kaya.. "hahahahaha!!" Tawa nalang ako nang tawa hanggang sa...

*Grrrrwwwwkkkk*

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko sya namumula na at nakahawak pa sa tyan nya. Hihihi. Para syang bata. Kayaang ginawa ko ay... "halika na. Mag luluto narin naman ako pero mag hintay ka muna sa labas. Maliligo lang ako." Sabi ko at mahina syang tinulak palabas ng kwarto ko at sinara ang pinto.

Bakit.. Bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya?

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon