CHAPTER 52

64 2 0
                                    

Shina's POV
Nag sibalik na ang lahat sa kanilang kaharian maliban kay kuya Walter. Nandito kami ngayon sa hapag at tahimik na kumakain.

Nakatingin kay kuya na sibrang tahimik kumain. Nakakapanibago. Sabi nila nag bago daw si kuya dahil sa sobrang pag kabagok nya pero hindi ako naniniwala. Dahil.. alam ko na.. ito na yung sumpa. Pero anong sumpa?

"Eye's off" utos nya kaya napabaling ang tingin namin sa pag kain. Kasalanan ko ito.. kung..

"Sorry *hik* kuya.." bulong ko na alam kong rinig nya dahil napahinto sya sa pag kain at napatingin sakin. Na nakakunot ang noo.

"Why are you apologizing? You didn't even do anything wrong." Sabi nya at tumayo na. "Thanks for the food" sabi nya at umalis na.

Natapos na rin kaming kumain at pupunta na sana ako sa kwarto pero may humila sakin.

"Kuya Walter?" Tanong ko rito. Pero seryoso lang ang kanyang mga mata.

"May alam ka ba sa nangyayari kay Shon?" Tanong nya kaya bigla nalang akong naiyak.

"Waaahhh!!! Kuya!! Ka-kasalan ko ang lahat!*hik* ku-kung hindi lang *hik* naging matig-tigas ang ulo ko hindi sana sya ma*hik*giging ganito--" "hush hush ok lang yan. Kumalma kana muna." Hagod nya sakin. At nang makakalma na ako ay sinabi ang lahat sa kanya hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Walter's POV
"Kung ganun ay sinumpa sya? Pero bakit parang nag bago lang ang ugali nya?" Tanong ko pero alam kong kahit sya ay hindi rin alam nito.

"Kung ganon ay.. kailangan kong pumunta sa lugar na iyon" sabi ko at pipigilan pa sana ako ni Shina pero nag teleport na ako papunta sa Murid Forrest.

"Gwaaaaarrrr" sigaw ng isang Crofos. "Tsk tabi" sabi ko at gumawa ng water needle at pinatamaan sya.

Saka ako tumakbo at pumunta sa kung saan ang pinag babawal na lupain dito sa murid. Habang tumatakbo ay may nasasagupa akong mga halimaw kaya gumawa ako ng walter ball at ginawang water beams. Saka sila pinatamaan.

"*huff huff huff* nan-dito na ako.." sabi ko habang hinahabol ang hininga.

"Sino ka? Bakit ka naririto sa aking teritoryo?" Tanong ng isang mababang boses. Kaya napasmirk ako. Tama nga itong napuntahan ko.

"Lumabas ka!!" Sigaw ko at nakita ko naman syang lumabas sa likod ng puno. Isang lalaki na nakahood at mga mata nya lang ang nakikita. Kulay berde ito.

"Ano ang iyong kailangan?" Tanong nito. "Anong parusa ang hinatol mo kay Shon?" Nanlilisik na tanong ko.

"Shon? Oh! Yung puting lalaki." Sabi nito at tinignan ang puno. "Masyado syang mabait. At maaari itong abusuhin ng kalaban katulad 'nya'. Hah!" Tawa nya. Baliw ba ito?

"Katulad nya ang kakilala ko. Mabuti ang ugali nya. Pero syay namatay dahil din sa kabutihan nya." Kwento nito.

"Kaya ang binigay kong parusa ay.. ang mawala ang ala ala nya tungkol sa pinakamamahal nya." Sabi nito at ngumisi. "Upang sa ganon ay hindi na maulit ang nangyari sa kakilala ko." Dugtong pa nito.

"Ngayon. Nasagot ko na ang iyong tanong kaya umalis kana sa aking teritoryo." Utos nito at bigla akong tunulak ng mga vines. At huli na. Na makailag ako at *black out*....

Core's POV
Haist nasaan naba si Walter? Bigla bigla nalang akong tinawag ni Shina at sinabing nasa Murid si Walter. Kaya etoh ako ngayon. Hinahanap ang walang yang kaibigan kohabang nakikipag laban sa mga halimaw dito.

Hanggang sa may nakita akong nilalang na nakahandusay. Kaya agad ko itong pinuntahan at puro mura nalang ang nasabi ko nang makilala kung sino iyon.

Duguan ang ulo nya at halatang nag suka pa ng dugo. Ano ba ang nangyari sayo? Walter? Bakit sobrang napuruhan ka?

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon