CHAPTER 13

223 8 0
                                    

Flaire's POV
Hay.. hanggang ngayon parin hinahanap parin nya si Erina? Hay... pero pano pag nahanap nga nya sya? Ano na?

Kilala ko sila.. Si Cane... iniwan na sya ng kanyang kinakasama at binigay sa kanya ang anak nito. Si Nate naman ay pinagpiyestahan ng laboratoryo. Habang ako? Pinag taksilan...

Hay tama nanga toh! Baka iiyak pa ako pag nalaman nila na kinukwento ko sa inyo ang mga buhay nila.

So! Nandito pala ako sa bubong ng bahay nila Sora habang nakatingin kina Nate na tinuturuan si Sora. Pinag hati hati kasi namin ang trabaho namin. Kay Nate ang mag tratraining sa kanya pag dating sa katalinuhan. Habang ako naman sa pisikal na lakas. At kay Cane naman ang kapangyarihan nya.

"Magaling! Ang talino mo pala Lady Sora!" Papuri ni Nate sa kanya.

"Hehe hindi naman po" nahihiyang sabi naman ni Sora. She's so humble.

Talagang bagay sila ni Master.. pero ang kaso the both of them are dumb. Hindi nila alam na mahal nila ang isa't isa. Lahat nga kami ay nahalata yun eh. Lalong lalo na si Levi.

Andd speaking of Levi... 2000 years ago... ang saya pa namin noon.. noong hindi pa nahahati ang mundong iyun.. at ang aming huling pag kikita nang buo...

<<flash back<< 2000 years ago

"Hahaha Nix! Grabe hahaha yung muka mo parang natatae hahaha" tawa ni Levi. Dahil pinipikon kasi namin si Onix.

"Ano ba! Via naman.." pag mamaktol na nya. Hahaha sa aming lahat si Onix ang pinakamalakas at pinaka cold. Pero pag kami ang kaharap nya ay nagiging ganito sya. Lalo na kay Levi. Kita nyo? May tawagan na agad sila!

"Bakit? Onix totoo naman ah! Noong baby ka akala nila ay babae ka kaya bumili sila ng pang babaeng damit at ang end ay pinasuot nila yun sayo hahahahaha" tawa naman ni Nate kasama sina Cane at Luna. Ang girlfriend nya.

"Shut up or gagawin kitang inihaw na asong." Sabi ni Onix habang umuusok na ang kanyang bibig. Nang bigla syang binatukan ni Levi. Hahahaha siguro pag naging sila ay magiging under toh kay Levi. Hahahaha

"Hoy! Ano naman tinatawa tawa mo dyan?" Iritang tanong ni Onix sakin kaya umiling nalang ako.

"Hey guys tignan nyo toh... parang may nakaukit sa puno..." sabi ni Cane kaya lumapit kami sa kanya.

"Ang mundong sinilangan ay mahahati...
Kayong lima ang tinatawag na legendary...
Kayo'y pipili kung saan kayo bibilang...
Sa mundo ng Light kung saan silang lahat ay mabubuti..
Sa mundo ng dark kung lahat sila ay gusto ng away...
Sa mundo ng tao kung saan kayo'y mawawala ng kapangyarihan..
O mananatili sito sa inyong mundo...
Kayoy pumili ng mundong ikakasiya nyo mga bata legendary..." basa ni Onix sa nakasulat. At nag katinginan kaming lahat. At nag tawanan. Sino naman kaya ang sumulat nito?

"Pero pano pag totoo? Ano ang pipiliin nyo?" Tanong ni Luna. Oo nga pala... hindi sya isang legendary.

"Kung ako. Ay kung saan mapupunta si Luna ay doon ako. Sya ang mundo ko eh" banat ni Cane "ayeeeee!" Pang aasar naman namin. Hahaha at namula si Luna. Para na syang kamatis

"Ako doon ako sa mundo ng Dark" sabi ko naman.

"Tumahimik ka hindi ikaw ang tinatanong ko" malditang sabi ni Luna sakin. "Huhuhu bakit ba ganyan ka sakin Luna" kunwaring naiiyak na sabi ko pero tinawanan lang ako ng mga loko.

"Ako naman sa mga tao ako." Biglang sabi ni Nate kaya nagulat kami. Alam namin na gustong gusto nya ang mga tao pero... "dude sigurado ka? Mawawalan ka ng kapangyarihan doon" sabi naman ni Cane.

"Alam ko. Pero gusto kong makita kung pano mamuhay ang mga tao nang wala tayo" sabi nya kaya tumango nalang kami.

"Kami naman ay..." putol na sabi ni Onix at tumingin kay Levi. "Mananatili kamin dito. Alam nyo na hindi kami pwedeng umalis dito." Sabi naman ni Onix.

End of flashback...

Akala nga namin eh hindi yun noon totoo. Pero kinabukakan pag gising ko mamdoon na ako sa Dark World. Sobrang gulo at puro patayan... naiirita na ako doon noon dahil sobrang gulo. Pero salamat narin dahil mas lalo akong lumakas. Hahahahaha...

Hmmm... ano kaya ang past life nila ni Master... I know they have.. past.. na dahilan kung bakit ganun sila tumitig sa isat isa... puno ng pag mamahal...

Nate's POV
Nandito kami ngayon sa hardin. Gumawa ako ng munting upuan at mesa na gawa sa lupa. Para dito kami mag aral. Kahanga hanga nga si Lady Sora dahil ang bilis nyang matuto. Naalala ko pa kanina nung nakiusap syang turuan namin sya ng nalalaman namin. Nung una syempre nagulat kami dahil akala namin mahihirapan kami na makumbinsi sya. Pero hinde. Kaya ayun.

Ngayon wala sina sir Senrir sir Serta lady Zen at ang kaibigan ni master na si Ren. Ang alam ko nag eensayo rin sila. Siguro dahil nag karoon sila ng motivation.

"Guro! Tama po ba ito?" Tanong nya sakin at pinakita ang mga sagot nya. Ang galing isang beses ko lang yun ipinaliwanag pero perfect nya na agad. At buti nalang at doon ako sa mundo ng mga tao tumungo dahil mas angat sila pag dating sa katalinuhan. Ang kaso.. mashado silang ma pride at yun ang naging pag kakamali nila. Umaapak ng mas mababa sa kanila at gumagawa ng masama.

Ok tama na tungkol sa tao. Nasusuka na ako sa mundong yun. So ayun dahil sa isa akong guro sa mundong yun ay madali nalang sakin ang pag tuturo. "Oo ang galing mo! Siguradong magiging masaya si master pag nalaman nya toh" papuri ko sa kanya. Kaya lalo syang sumaya.

Sya nga pala hindi namin sinabi sa kanya na sampung taon na matutlog si Master. Dahil baka maging distraction nya ito at hindi makapag ensayo ng maigi.

"Hey oras ko na" sabi ni Flaire mula sa bubong. "Sige. Pero wag mo masyadong pahirapan si Lady Sora kung ayaw mong patayin ka ni master" Sabi at bulong ko bago mag paalam kay Ladu Sora at umalis.

Habang nag lalakad lakad sa village ay nakita kong nag eensayo sina Lady Zen at sir Senrir... napangiti nalang ako dahil doon. Isang mabait na babae at ate si Lady Zen at maganda din. Malakas rin sya at matalino.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon