CHAPTER 14

183 10 0
                                    

No ones POV
10 years have past. At exited ang lahat ng nasa palasyo at the same time ay kinakabahan din. Dahil alam nila na ngayong taon na magigising ang kanilang prinsepe na si Prince Shon Kiro Ryugawa. Sa nag daang samung taon ay maraming nangyari.

Nalaman na ng buong paligid na buhay ang prinsepe pero hindi nila iyun alam ang tunay nitong pangalan. Ang alam lang ng lahat ay sobrang lakas ng Prinsipe kaya pinag bawalan syang lumabas ng palasyo.

Marami ang nagalit at nainsulto dahil nag sinungaling sila tungkol sa buhay ang prinsepe. Ngunit itoy kanilang agad na inayos at sinabi na masyadong mapanganib ang buhay ng Prinsipe kaya nilihim nila na buhay ito.

Nang naging maayos na naman ang lahat ay bigla nalang nalaman ng Hari na buntis ang kanyang Reyna na si Leviatan. Kaya itoy kanyang iningatan ng mabuti. Hanggang sa ang Reyna ay maayos na nailabas ang batang dinadala nya.

Hindi rin masyadong nahirapan ang Reyna sa panganganak sa bata kaya nag taka ang manggagamot na nag paanak noon sa reyna. Dahil alam nya na nahirapan ang Reyna noon perobigla nyang naalala ang prinsepe kaya napangiti nalang sya.

'Mukang isang malaking biyaya ang pag kabuhay ng Prinsipe. Sana lang ay magising na sya.' Sabi pa nya sa isip nya at binuhat ang sanggol na si Princess Kira Shina Ryugawa. Saka dinala sa Reyna.

"Mommy? Kailan po magigising si Kuya?" Tanong ng batang babae na si Princess Shina sa kanyang ina habang nakatingin sa natutulog nyang kuya.

"Sabi ng kuya Walter mo ay malapit na raw. Kaya protect kuya pag nagising na sya ah?" Tanong nito sa kanyang anak na babae. Tumango naman si Princess Shina na nakangiti.

Sa kabilang banda naman. Kung nasaan ngayon sina Sora... Forest of Murid. Kung saan nandito ang halos lahat ng mga halimaw.

"Hup!" Sabi ni Sora at winasiwas ang kanyang kamay at may bumulusok na hangin mula sa kamay nya at papunta sa leyos. Isang half lion at ahas.

"Haha! Tapos na rin sawakas" sabi ni lady Sora. Well she's a fine lady now.

'Kumusta na kaya si master?' Tanong nya sa kanyang isipan.

Dumako naman tayo sa heaven realm. Kung saan naroroon ating bida. At pinapanood sa dalawang hologram ang kanyang pamilya at si Lady Sora.

"Ano na ang iyong plano Kiro?" Tanong ni God Felix kay Kiro. "Wala pa pero kung totoo ang sinasabi mo ay... buo na ang desisyon ko." Seryosong sagot naman nito.

"Pero gusto ko munang maging masaya ang mga mahal ko. Kaya..." putol na sabi ni Kiro at bigla nalang syang nag liwanag at nawala...

"Sanay tama ang iyong desisyon... Kiro." Tanging banggit ni God Felix.

Some ones POV
Ako ang pinakamakapangyarihan dito ngayon. Ako ay isang dragon of darkness at sisiguraduhin kong mamamatay ang taong hinirang.

Ang taong magiging...

"Master. Tapos na po ang pinag uutos nyo." Sabi ng alagad ko. "Sige makakaalis kana." Ako.

Sisiguraduhin kong mag hihirap ka taong hinirang.

Kiro's POV (Shon/ Shoki)
Napamulat nalang ako at nilibot ang aking paningin. Nasa kwarto ko na talaga ako. Napangiti nalang ako dahil siguradong magiging masaya silang lahat pang nakita nila ako. Pero--- *Gruuuuuuuuww*

Owww gutom na ako... kaya tumayo na ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng kung ano ano. Prutas at lutong karne at kanin. Yum!

Nang biglang may sumigaw....

"Mommy!!!! Nawawala si Kuya!!!!" Sigaw ng isang cute na boses.

"Mga kawal! Isara lahat ng tarangkahan at hanapin ang dumukot sa aking anak!" Sigaw na utos ni Daddy. Kaya mas lalo akong napangiti.

At inisip ang buhay ko noon. Wala silang oras sakin. Mayaman kami. Nasaakin na lahat ng gusto ko pero hindi ang nag iisang hiling ko... ang maakaroon sila ng oras para sakin. Nag kakarpon lang sila ng oras sakin pag pinapagalitan nila ako. Pag nag kamali ako...

"Huhuhu waaaaahhh! Kuya!!! Hindi pa tayo nag lalaro eh! Wala ka na naman!" Sigaw ng kapatid ko. Kaya napailing nalang ako. Ito na ang buhay ko. Ito na ang pamilya ko. Sila na ang buhay ko. Hindi na ako si Kiro na nasa earth. Ako na si Shon Kiro Ryugawa mula sa Light World.

Kaya nag lakad ako papunta sa kanila. Nagulat panga ang mga katulong ng nakita ako eh kaya bumulong ako na tumahimik muna sila na tinanguan naman nila at sinabing 'maligayang pag babalik mahal na prinsepe.' Nang nakangiti. Kaya nginitian ko na nalang rin sila at sinabing salamat.

Pag bukas ko ng pintuan papasok sa throne room kung nasaan sila. Ay sobrang gulo. Let me guess. Si Daddy ang may gawa nito.

Tumingin naman sila sakin at parang nakakita sila ng multo. Hmm... may multo rin kaya dito? Haist mamaya nanga lang yun.

"Shon.." sabay sabay nilang sanbit at tumakbo ang girls papunta sakin kaya eto ako nadaganan. -_- hindi ba nila alam na mahina parin ang katawan ko? Huhuhu para akong nabugbog sa bigat nila. At sina tito's at mga kaibigan kong lalaki at tinawanan lang ako.

"Huhuhu shon!"

"Akala namin hindi kana magigising pa"

"sobrang saya namin at nagising kana!"

"Wag kana ulit aalis ah!"

"Waaaahhh kuya!!!"

Kanya kanya nilang sabi at yung iba hindi ko na maintindihan dahil sa sabay sabay sila. Pero bakit parang naguguilty ako dahil may kayakap akong babae? Kaya kumalas na ako sa kanila.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon