CHAPTER 2

729 28 0
                                    

Toru's POV

"Sige mahal na reyna ire pa!" Sigaw na utos ng manggagamot sa aking mahal.
"Ahhhhhhhhhhh!!!" Ire ng mahal ko.
"Mahal kaya mo yan. Please kayanin mo..." tanging sabi ko habang nakatingin sa asawa ko. Halatang nahihirapan at nanghihina na. Masaya ako dahil sa wakas lumabas nadin ang aming anak ngunit...

"Ba-bakit hindi u-umiiyak o gu-gumagalaw manlang ang aking a-anak?" Nahihirapan at puno ng pag aalala na tanong ng aking mahal. Kaya agaran akong lumapit sa aming anak at tinignan pero sa pagkabigla ko nang lumingon ito at tinignan rin ako. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang buhay ang aming anak.. kaya dahan dahan ko syang binuhat at dinala sa kanyang ina. Habang ang maggagamotay lumabas na sa kwarto.

"Mahal buhay ang ating anak kaya please wag mo kaming iwan..." tanging sabi ko nalang kaya unti unting nilingon ako ng aking mahal saka tinignan ang aming anak. Sakapilit na ngumiti at hinawakan ang munting kamay ng aming anak saka ito binitawan na nagsasabing wala na ang aking mahal...

Kiro's POV
Madilim. Yun lang ang tanging nakikita ko. O bulag ako? Sana naman ay hindi.. gusto ko pang makita si Sora. Pusa parin kaya sya o tao na?

"Sige mahal na reyna ire pa!" Ire? Ano yun?

"Ahhhhhhhhhhh!!!" hindi ko alam pero parang may tumutulak sakin na lumabas kung saan man.

"Mahal kaya mo yan. Please kayanin mo..." sabi ng boses lalaki hanggang sa may nakita na akong liwanag at ang una kong nakita ay ang hmm ang ganda nya ah. Ang bumubuhat sakin ngayon ay isang babaeng parang nasa 20's kulay blue ang mga mata at kulay ash na buhok. Nakatingin lang ako sa kanya dahil sa kulay ng mata at buhok nya.

"Ba-bakit hindi u-umiiyak o gu-gumagalaw manlang ang aking a-anak?" Biglang tanong ng babae na sa tingin ko ay ang aking ina. Kulay gold na buhok at kulay pulang mga mata. Pero nabaling ang attention ko sa isang lalaking lumapit samin ng babae kaya napatingin ako s kanya. Kulay puting buhok at kulay light blue na  mga mata. May nakita rin akong korona sa ulo nya. Teka hari ba sya?

Parang nabunutan ng tinik yung lalaki at kinuha ako mula sa babae at dinala kay ina. Sa tingin ko. Sino kaya ting lalaki? Tanong ko sa sarili ko nang nag salita yung lalaki.

"Mahal buhay ang ating anak kaya please wag mo kaming iwan..."malungkot na sabi ng lalaking buhat buhat ako. At tinawag nya akong anak diba? Kung ganun... AMA KO SYA!!? Pero... tinignan ko ang babaeng nakahiga sa kama at halatang nanghihina na ang ganda pala ng magiging ina ko.. hinawakan nya ang aking kamay pero bigla din nya itong nabitawan... No.. don't tell me...
Gumalaw galaw ako at pilit lumapit sa aking ina. "Tama na anak ko patay na ang iyong ina..." pag pipigil ng aking ama sakin. Kaya pinilit kong mag salita... pero..

"Gwaaa yaaaw bwee gwwuuuu! (hindi pa sya patay!)" Kahit hindi ako maintindihan ng aking ama ay nilapag nalang nya ako sa tabi ni ina. Saka tinakpan ang muka nya gamit ang kanyang mga kamay. Habang ako naman ay hinawakan ang pisngi ng aking ina... gusto ko pa syang mabuhay... nang bigla kong naisip ang pinapanood namin noon ni Sora. At inisip ko na gagaling sya at mabubuhay ulit... pero pagkatapos nun bigla nalang akong nanghina at nilamon ng dilim...

Toru's POV
Napatingin nalang ako sa anak ko nang bigla nalang syang nagliwanag at nabigla ako nang biglang...

"*Couch couch couch* hah hah hah Hmmm a-anong nangyari?" Takang tanong ng aking mahal oo buhay sya! Pero tinignan ko ang aming anak na ngayon ay nakahiga sa gilid ng aking mahal... sya kaya ang may gawa?

"Mahal ang ating anak mukang nahihirapang huminga!!" Sigaw na sabi ni Kerina ang aking mahal. Kaya madali kong tinawag ang manggagamot at pina check ang aming anak.

"Maayos na po sya ngunit pinag babawal pong gumamit sya ng mahika dahil masyadong malakas ang mahika ngunit masyadong mahina ang kanyang katawan. Kaya nawalan sya ng malay." Paliwanag naman ng manggagamot saka nagpaalam na umalis.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon