CHAPTER 5

415 17 0
                                    

Senrir's POV
Pag katapos ng maliit na aksidente ay bigla nalang umalis si Prince Shon. Oo alam ko kung sino sya. Pinaubaya sya sakin ng isang kaibigan...

Nag katinginan kami ni Serta at tumango naman sya na nag sasabing naiintindihan nya. Nag paalam muna ako sa kanila na susundan lang saglit si Shoki o shon. Habang hinahanap ko si Shoki ay inisip ko kung bakit hindi nya sinabi ang totoo nyang pangalan. Dahil ba hindi pa sya nag titiwala saamin? Kung ganon naiintindihan ko naman sya. Dahil niloko na sya at muntik pang pinatay ng pinagkakatiwalaan nila. Kaya gagawin ko ang lahat para maging komportable sya samin. At isa pa kakaiba rin ang tingin nya saa anak namin na si Sora. Parang miss na miss nya ito pati si Sora simula nung nakita nya si Prince Shon ay palagi na syang nage sleep walk papunta sa tabi ni Prince Shon at tatabi. Pero ang pinag tataka ko lang hindi pa naman sila nag kikita o nag kakakilala. Alam ko yun dahil simula noon hindi na lumalabas ng bahay si Sora. Hmm.. hindi kaya.. no imposible yun. Haha inposible na sila ang para sa isat isa. O mas tamang sabihin na Mate.

Nakita ko si shoki na nakatingin sa well. Ano kaya ang ginagawa nya doon? Nang bigla nalang syang umakyat at parang tatalon sya kaya mabilis akong tumakbo at hinila sya palayo sa well.

"Nababaliw ka na ba bata? Bakit ka tatalon sa well? Kung may problema ka solusuonan mo wag mong takasan!" Pang aaral ko sa kanya at sya naman ay nakakunot lang ang noo na parang hindi ako naintindihan.

"Awo po shiwashabi nyu? Di po awo bwabwawon wa web.(ano po sinasabi nyo? Di po ako tatalon sa well.)" Sabi nya baby talk nanaman. Bakit kaya? Kanina lang na seryoso sya maayos syang nakakapagsalita pero ngayon.. weird na bata.

"Eh ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ko naman at inayos ang damit nya na nagulo ko. Tinuro nya naman ang well at sinabing "wuwig. (Tubig.)"

"Mag iigib ka ng tubig?" Tanong ko at tumango naman sya. "Pero wala nang tubig dyan sa well. Wala na." Paliwanag ko naman. Pero umiling lang sya.

"Uwi na po wayo?(Uwi na po tayo?)" Tanong nya kaya umuwi na rin kami. Pag kauwi namin ay nakikipaglaro si Sora kay Serta at Zen. Si Zerne naman ay nag luluto na naman. Bigla naman tumakbo si Shoki papunta kina Sora at umupo lang na masayang pinapanood sila.

Lumapit ako kay Zerne at hinalikan sya sa pisngi. "Ano ba Senrir. Kumuha na nga lang kayo ng panggatong ni Serta." Utos naman ng asawa ko. Kaya wala na akong nagawa kung diang sumunod.

"Hoy Serta kuha tayo ng panggatong." Sabi ko kay serta at tumingin sa mga bata. "Mamaya nalang kyo mag laro ok?" Malambing na tanong ko tumango naman sila bilang sagot kaya umalis na kami at nag punta sa kakahuyan.

Habang nagpupulot kami ng mga kahoy ay bigla nalang syang nagpakita.

"Kumusta na sya?" Tanong nya. Na alam ko na ang ibig sabihin.

"Maayos naman sya. Hindi ko inakala na mabubuhay talaga sya. Sa puso ba naman sya nasaksak?! Hahaha ang swerte talaga ng batang yun."sabi ni Serta. Saka pa tumawa

"Oo pero pakiusap wag na wag nyo syang pagagamitan ng kapangyarihan. Abilities lang ang pwede dahil sa masyado syang malakas." Babala nya samin. Ah. Kagaya nya lang pala si Sora...

Kiro/shon/shoki's POV
Ang dami ko na tulou mga palayaw. Ang gulo na! Pero ang cute pala pag pinag sanib ang pangalan ko. SHOKI...

Ha! Ano bang sinasabi ko? Bakit kasi hindi ko pa sinabi ang totoong pangalan ko? Ah! Oo nga pala.. para hindi nila ako itrato na special pag sinabi kong ang si Shon at para naman sa second name ko. Ayoko na maalala ako ni Sora. Ayoko na masira ang maganda nyang buhay ngayon.

Tinitignan ko syang nakikipag laro ngayon saate nya. Sana ganito nalang sya lagi. Kahit na masasaktan ako ay okay lang. Masgugustuhin ko pang masaktan kaysa makita syang nasasaktan.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon