CHAPTER 4

371 21 0
                                    

Kiro's POV
Nandito na naman ako heaven realm. Yun ang sabi ni God Felix. Sinabi nya na rin na hindi pa raw ako patay. Kaya hindi na ako nag tanong. Nasa magic world kaya ako.

Sa ngayon ay pinapanood ko lang kung pano pinabilog ng ulo ni punong ministro ang mga reyna at hari kasama na ang mga kaibigan ko maliban nalang sa isa na tahimik lang na nakatingin kay punong ministro.

"Bakit parang hindi ka galit sa taong muntik nang pumatay sayo?" Tanong ni God Felix habang nakatingin sa isang pang screen kung nasaan ang katawan ko ngayon.

Bakit nga ba? Ni minsan hindi pa lang ako nagalit. Nainis oo pero nagalit? Wala akong matandaan... kahit sa past life ko.

"Hindi ko alam. Basta ang sakin lang ay hindi ko kayang magalit. Maliban nalang pag... pamilya ko na ang sinasaktan." Sabi ko. "Hindi ko sila papatayin. Paparusahan ko lang sila." Seryosong sabi ko.

"Haha! Nakakatakot ka sigurong magalit!" Sabi naman ni God Felix. Tumawa nalang din ako dahil sa sinabi nya.

"Ano na nga po palang ginagawa ni Sora?" Biglang tanong ko. Kaya napatigil sya sa kakatawa. At biglang nag seryoso.

"Pano kung sabihin ko na isa syang Cravinier." Sabi naman ni God Felix.

"Ano ba ang Cravinier?" Taguguluhang kong tanong na parang bata. Eh sa naguguluhan ako eh!

" haha ang Cravinier ay isa parang pusa sa first form nya pero parang wolf na fox sa second form nya kung saan ibig sabihin ay galit sya. Matatalim ang mga kuko at mga ngipin at kaya ding mag anyong tao pero.. kapag inuunahan sila ng emosyon nila ay kusang lalabas ang tenga nila at buntot." Mahabang paliwanag ni God Felix. Ah.. haha. Pusa parin pala sya?

"Pero binigyan ko sya ng sealing bracelet para hindi sya gawing sandata ng kung sino man. Ang alam ko sa buntot nya yun nilagay. Hindi yun matatanggal hanggat hindi mo yun tatanggalin. Dahil ikaw lang ang makakapag paamo sa kanya." Sabi pa nya.

"Oh at isa pa pala. Kahit na wala na syang maalala ay mukang alam nya parin ang pangalan mo. Mukang hindi kaya ng kapangyarihan ko na makalimutan ka nya. Masyadong malakas ang..." sabi nya pero hindi ko marinig ang huling sinabi niya. Hehe Sora..

Habang iniisip kung gano na ka cute ngayon si Sora ay bigla nalang akong nag liwanag.

"Oh mukang kailangan mo nang gumising. At isa pa pala pag natangal mo na ang seal sa kanya ay pwede mo iyon gamitin. " Sabi ni God Felix at bigla nalang akong nilamon ng liwanag.

Nang mag mulat ako ng mga mata bumungad sakin ang isang munting kwarto. Dito ba nakatira ang nag ligtas sakin? Teka nasan naba sya? Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong makitang kahit sinong nilalang. Kaya lumabas ako ng kwarto at nakita ko at apat na nilalang na kumakain. Yung dalawang parang anak ng nag ligtas sakin ay may buntot at tenga ng pusa? Teka isa ba silang pamilya ng Cravinier? Napangiti nalang ako nang makitang may parang bracelet sa buntot nya... nahanap narin kita Sora.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit sa babaeng nakatalikod sakin na may bracelet sa buntot at niyakap sya...

Miss na kita Sora.. miss na miss na kita.

"A-anong.." hindi na naituliy ni Sora ang sasabihin nya dahil mas hinigpitan ko ang pag kakayakap sa kanya. At sinabing... "I miss you"

Nang bigla nalang.. *bogsshhh* tinadyakan ako ng nakakatanda nyang kapatid. Sa tingin ko halos mag kaedad sila ni kuya Walter. Hmm.. parang may nababagay na para kay kuya ah. Hehehe maganda sya yellow ang buhok at blue ang mga mata. Bagay talaga. Pero ang sakit ng tadyak nya. Huhuhu...

"A-anong tinitingin tingin mo dyan tao?" Nauutal na tanong niya. Tao? Sabagay tao nga pala parin ako.

"Haha wawa po ang bwanda nyu wang po.(Haha wala po ang ganda nyo lang po.)" Sabi ko. Hay hindi ko parin masyadong maibigkas ang ibang words.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon