CHAPTER 47

75 3 0
                                    

Shina's POV
Nagising nalang ako sa isang kwarto kaya nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang picture naming lahat. Kasama na si kuya.

Nang bigla kong naalala ang nangyari nanina o kahapon?

<<<<flash back <<<
"Shina. Alam mo na ba ang ireregalo mo kay Shon?" Tanong ni ate Elisa. Kaya napaisip ako.

"Oo nga pala ate! Sa susunod na ang B day ni kuya!" Exited na sigaw ko kaya nakangiting tumango si ate.

"Pero wala pa akong regalo..." dismayang sabi ko kaya pinat nalang ni ate ang ulo ko. "Ok lang yan. Kahit ano naman gusto ni Shon eh" sabi naman ni Fern na may kasaman bagong babae. Oo bago..

"Teka. Shina may naririnig ka ba?" Maang maangan naman ni Ate kaya palihim nalang akong tumawa. Hindi ko na maintindihan si ate Elisa at kuya Fern eh.

May gusto si kuya Fern kay ate Elisa pero may kasamang ibang babae. Habang si ate naman ay sinasabing may gusto sa kuya ko pero nag seselos sya pag may kasamang iba si kuya Fern.

Oh ah? Alam ko lahat noh? Syempre ako lang naman ang mapag sasabihan nila eh. Nakapag tapos na sina kuya Core kuya Walter at ate Susan. Kaya kami nalang nila ate Elisa at kuya Fern ang nandito.

"Pwede ba tumigil kana Fern! Ang sama ng pinapakita mong ugali! Lalo nat sa harap pa ni Shina!" Bulyaw nito kay kuya Fern pero na pa smirk lang si kuya at hindi rin pinansin si ate. Kaya ayun nag walk out na sya.

Pinaalis na rin ni kuya yung babaeng kasama nya. Napansin ko rin na ang lungkot nya. Hay.. love life nga naman...

'Punta na nga lang ako sa library at baka may mahanap pa akong magandang iregalo kay kuya.' Sabi ko sa sarili at nag teleport na papuntang library.

"Ano pong maipag lilingko ko mahal na prinsesa?" Bungad sakin ng librarian nang nakangiti.

"Ah wala. Mag hahanap lang ako ng pang reregalo kay kuya." Sagot ko naman. Kaya lalong napangiti ang librarian af sinabing "ang swerte talaga ng mahal na prinsepe sainyo mahal na prinsesa." Papuri nya pa kaya nahiya na ako. Hindi talaga ako sanay sa papuri.

"Hehehe ako po ang maswerte sa kanya." Sabi ko naman at nagpaalam na saka nag hanap ng libro.

Habang nag hahanap ay nahanap ko ang isang libro tungkol sa isang prutas na ngayon ko lang nabasa. Kaya kinuha ko ito at binasa.

-----Ang Liton fruit-----
Ito ay isang prutas na nag papalakas sa katawan ng isang nilalang. Mahahanap ito sa murid forest. Sa pinag babawal na lupain. Ngunit mag ingat dahil itoy merong----

Ito lang ang naintindihan ko at hindi na halata ang nakasulat sa susunod nun. Kaya napaisip ako... hindi ba sabi ni mommy noon na mahina ang pangangatawan ni kuya kaya sya natulog ng 10 taon?

Pano kaya kung ito ang ibigay ko sa kanya? Kyaaaah!!! Siguradong magiging masaya si kuya!!!!

Kaya mabilis akong nag teleport papuntang murid forest at hinanap ang Liton fruit saka ito pinitas.

Pero lingid sa aking kaalaman ay meron palang nakabantay dito at kinulong nya ako. And the rest was history...

>>end flash back<<

Kaya napaiyak nalang ako dahil prinoblema ko lang si kuya... *hik*

"Hey. Bakit ka umiiyak?" Tanong ni kuya na kagigising lang at saka pinunasan ang mga luha ko.

"Eh. Ka-kasi.. ang hi- hina ko.. binig*hik*yan na naman kita ng problema" inyak na sabi ko kaya napangiti nalang sya at hinalikan ang noo ko saka sinabing. "Tandaan mo Kira.. hindi ka mahina. Lakasan mo lang ang loob mo at mag tiwala sa sarili. Makakayanan mo rin ang mga pag subok na dadating saiyo." Pangaral nya kaya huminto na ako sa pag iyak. At tumango.

"Haha sige kain na tayo at may pasok pa tayo." Sabi ni kuya. Oo nga pala!!! "Hindi na kuya una na ako!! May test pa kami eh!" Sigaw ko at nag teleport na papuntang dorm ko.

At nilabas ang Liton fruit. Hehe sana matulungan ka ng prutas na ito kuya...

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon