CHAPTER 42

94 2 0
                                    

Kiro's POV
Matapos akong semana nila Ty at Erina ay binigay ko na sa kanila ang isang bulaklak. Dahil hindi sila nakakuha kanina. Pag katapos noon ay bumalik na kami sa academy at sinabihan sila na kay Eros muna ako matutulog. Pinayagan naman nila ako kaya ngauon nandito ako sa dorm nya.

"Let's eat." Pag aya nya kaya nakangiti akong tumango at sinundan sya.

Pag tapos naming kumain ay hinanda na namin ang kailangan para sa pag gawa ng potion.

Helix flower check
Dugo ng Leyos check
Isang tasang malinis na tubig check.

"Ngayon pano na?" Tanong at tinignan sya na binato sakin ang librong hawak nya. Nasalo ko naman ito pero aanhin ko toh?

"Basahin mo." Sabi nya kaya binasa ko.

"Sa pag gawa ng healing potion ay kailangan ng isang tasang tubig. Kailangan itong pakuluan. Dikdikin ang Helix flower hanggang maging pino ito. At ihalo  sa  tubig. Kasama ang tatlong drops ng dugo ng isang Leyos." Basa ko na ginawa naman ni Eros. Kaya napangiti nalang ako. Hindi rin naman sya isang masama.

"Tapos na ba?" Tanong nya kaya tinignan ko ang libro.

"Meron pa pala. Isang buhok at dugo ng isang white user" sabi ko kaya napahinto sya. "Ikaw na." Sabi nya kaya kumuha ako ng isang buhok at sinugatan ko narin ang daliri ko. Pag katapos noon ay bigla nalang lumiwanag ang ginawa naming potion. At pag katapos ay nakita namin na naging kulay white ito.

"Successful ba?" Tanong ko peo wala akomng nakuhang sagot. Hmp. *pout* kahit kailan talaga..

"Tignan nalang natin bukas." Sabi nya at umalis na papunta sa kama nya.

'Eh ako? Saan ako matutulog?' Tanong ko nalang sa aking sarili.

●        ●       ●        ●          ●

Kinaumagahan. Napahwak nalang ako sa balikat ko. Ahh. Sakit! Eh pano ba naman natulog ako sa sofa tapos ilang beses pa ako nahulog.

"Kain na." Sabi ni Eros kaya sumunod na ako. Pag katapos kumain ay nag paalam na ako at pumunta sa dorm ko. At doon na nag palit.

●        ●       ●        ●          ●

Pag katapos kong mag handa ay pumunta na ako sa klase. Nakita ko naman sina Eros, Erina at Tyron. Limapit na ako sa kanila.

"Good morning Shon!" Pag bati nila ni Ty at Erina sakin.

"Good morning din!" Nakangiting bati ko rin. Tumango lang si Eros. Bakit ang suplado nito? Baka mamaya wala nang matuluyan nito. Kawawa naman.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Tanong pa nito. Hmp sana wala ka nang mahanap na kasintahan.

Nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang teacher namin ng Tambocar.

"Ok ngayon class ay pumuntatayo sa TR (Training Room) para makita kung gano kayo kabihasa sa pag gamit ng sandata." Sabi pa nito kaya agad kaming nag punta sa TR.

"Ok ako na ang pipili ng makakalaban nyo. Blah blah blah blah...

Si Erina v.s Eros
Si Tyron v.s Shon.
Blah blah blah.."

So ayun na. Halos lahat sila ay espada ang hawak. Meron ding sibat palakol At yung iba ay pana. Kaso palaging natatalo ay ang gumagamit ng Pana. Sumunod naman sina Erina at Eros. Tumayo na sila at nag lakad sa gitna.

"Begin" sabi ni Prof kaya unang umataki si Eros. Maganda na ang pag wawasiwas nya ng kanyang espada habang si Erina naman ay iwas lang nang iwas at yung iba ay sinasangga na nya gamit ang kanyang espada.

Mukang pinapagod na muna nya si Eros. *smirk* nice plan. Pero.. mukang nalaman agad yun ni Eros kaya lumayo sya agad kay Erina para makapag pahinga ng konti.

"Ako naman. Haaaahhh!!!" Sigaw ni Erina at mabilis na umataki kay Eros nasasalag naman nya pero kada salag nya ay napapaatras sya. Ano na kaya ang gagawin mo? Eros??

"-----" nakita kong nag bulungan sila kaya bigla nalang namula si Erina kaya iyun ang dahilan kung bakit sya nawalang sa konsentrasyon at natalo.

"Kailan mo pa nalaman?" Tanong nito. Na ikinangisi ni Eros. "Tagal na." Tanging sabi lang nito. Gusto ko sanang magtanong pero wag nalang.

"Next. Tyron and Shon." Banggit ni Prof sa aming mga pangalan kaya pumunta na kami sa harap. Sya nga pala.. At saka hindi na Pana ang gamit ko kung di isang espada.

"Gagamit ka na pala ng espada." Sabi nito kaya nakangiti akong tumango. "Wag mo akong papatayin ha?" Tanong panito kaya napakunot noo akong nakatingin sa kanya. "Bat naman kita papatayin?" Naguguluhanna tanong ko kaya napakamot nalang sya ng ulo nya. May kuto. Wait kung ganon meron rin ako?

"Begin" kasasabi palang ni prof nun ay agad nya nang winasiwas ang espada nya sakin. Nasangga ko naman yun agad. Pero konti nalang sana siguradong patau na ako. "Hey! Easy! Training lang toh!" Sabi ko pero seryoso parin ang muka nya.

"Matagal ko nang hinihiling na mag kaharap tayo. Shon. Kaya ikaw ang mag seryoso dyan." Sabi nito at winasiwas ulit ang espada kaya tumalon ako papunta sa likod nya. "Phew." Buntong hininga ko at nag seryoso na. Alam kong naging Gold nanaman ang mga mata ko dahil kita ko ang pag kagulat ng mga tao dito sa TR. Pero hinayaan ko nalang at hinanda na ang sarili.

"Let the fight begin!" Sigaw naman na ngayon ni Tyron at nakangising umataki sakin. Malalakas ang mga ataki nya at wala akong makikitang butas nya. Talagang nag training sya.. sila...

Depensa lang ako ng Depensa dahil kailangn kong makakita ng opening. Nang makita ko ang kanyang binti. Kaya pag wasiwas nya ng espada nya ay syangpag yuko ko. At tinabig ang kanyang binti. Kaya napaupo sya doon ko na sya tinutukan ng aking espada.

"Haha suko na ako." Sabi nito kaya binaba ko na ang espada ko. Nang palakpakan naman ang mga kaklas3 nakin. Kaya bumalik na kami sa aming pwesto at pinanood ang iba.

Habang nanonood ay lumapit sakin si Erina. "Anong masasabi mo kay Tyron ngayon?" Tanong pa nito. Kaya napatingin ako kay Tyron na ngayon ay nakikipag usap kay Eros.

"Ang lakas na nya. Aaminin ko. Nagipit nya ako sa laban namin at muntiknang matalo." Sabi ko. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa kaya napatingin ako kay Erina na mahinang tumatawa.

"Kakaiba ka talaga. Mahal na prinsepe. Ikaw palang ang maharlikang tumatanggapng ng pag kakamali." Tawa nya kaya napatawa narin ako kahit hindi ko alam ang sinasabi nya.

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon