CHAPTER 41

95 5 0
                                    

Kiro's POV
(Ito yung nung iniwan sya ni Eros.)
Ferra cave? Saan na ba kasi iyun???
Nang bigla kong naalala may mapa pala ako dito na nilagay ko sa sing sing. Kaya inisip ko na nasa kamay ko na ang Mapa at ayun umilaw ng konti ang sing sing at nasa kamay ko na nga ang mapa.

Tinignan ko ito at nakita kong nasa west pala ng kingdom. Teka.. Boundary para ng Dwarves Kingdom. Mainit kaya doon sa kanila?

Hais mamaya na yan. Kuha muna ako ng Helix flower. Hehehehe.

.......
Hmmm. Ang dali namang pumunta dito. Wala pa akong nasasagupang monsters nandito na ako sa bukana ng Cave. Hehehe it's time to explore!!!

At pumasok na ako sa Cave. Ang daming mushroom!! Ang tanong.. nakakain ba yan? Kulay red kasi. At parang umuusok rin. At dahil sa curiousidad ay kumuha ako ng isa at kinain ito.

"*nomnomnom* ang sarap. Parang barbecue." Sabi ko at kumuha pa.

"Hahahaha kukunin ko lahat ng mushroom dito!" Sabi ko pa at kukuha na sana nang maisip ko... saan ko naman ito ilalagay? At isa pa. Hindi ko pa alam kung gumagalaw ang oras dito sa sing sing. Kaya kumuha muna ako ng dalawa at yung isa ay nilagay sa Ring at ang isa ay nilagay sa bulsa.

At nag patuloy na naman ako sa pag lalakad habang kumakain ng mushroom na barbecue flavor. Pero napahinto nalang ako nang nakakita ako ng kumikinang sa isang sulok ng kweba. Kaya agad ko iyong pinuntahan at hamangha nalang ako dahil kumikinang na bulaklak ang bumungad sakin. Ang dami!

"Wow! Ito mas maganda para pag persoal mong makikita ang bulaklak. Ang ganda!" sabi koo at pumitas ng 5. Saka ito nilagay sa ring.

"Ayan tapos na" sabi ko pa at aalis na sana nang may napansin akong pigura sa aking kaliwa. At pag tingin ko ay...

"Hi master!" Bati ni kuya Flaire sakin. Habang kumakain ng bato???

"Ano pala ang ginawa mo dito?" Tanong ko at lumapit sa kanya at kumuha rin ng bato. Saka ito sinuri.

"Kumakin. Dito kasi ang may pinakamasarap na cavern's Rock. Mainit syang bato at bagay na bagay sakin." Paliwanag nito. Kaya kakain na rin sana ako ng bato nang pigilan ako.

"Master. Tao ka hindi phoenix." Sabi nya at kimuha na ang bato sa kamay ko saka ito kinain.

"Eh ikaw master? Ano ang ginawa mo dito mag isa?" Tanong namannya sakin. Kaya sinabi ko na ang dahilan ko. "Nag hahanap kasi ako kanina ng Helix flower."

"Ahhh. Mukang tapos ka na rin. Pano kaya kung mag laban tayo?" Tanong nito. Pero umayaw ako.

"Nakalimutan mo na yatang nasa cave tayo." Sabi ko pa. Pero tumawa lang sya.

"Nakalimutan mo na yatang nasa magical world tayo." Sabi naman nya kaya napakamot nalang ako ng ulo. Oo nga pala... lahat posible dito.

"Sige na nga." Pag sangayon ko. At nag handa na sa pakikipag laban.

Una akong umatake pero easy easy lang syang umiiwas. Kaya tinadyakan ko sya pero nasangga nya napaatras nga lang. Hahaha. Nakalimutan nyo na ba na may super strength ako?

"Magaling master." Papuri nya at sya naman na ang umatake. Kumuha sya ng bato habang papalapit sakin at binato ako pero nailagan ko lang iyon kaso hindi ko inaasahan na sinuntok nya ako sa muka. Kaya tumilapon ako pero nakalanding parin ng maayos. At saka pinunasan ang dugo sa labi ko.

"Sakit nun ah." Sbi ko pa kaya napasmirk si kuya Flaire. At dahil siguro sa exciting ay hindi na mapigilan ang pag iiba ng mga mata ko. Mula sa pula ay naging Gold.

"Hahaha ganyan nga master!" Sabi pa nito at nag aanyong Phoenix na.

"Simulan na ang totoong laban." Sabay na sabi namin at sumugod sa isat isa. Remember phoenix na sya. Kaya may disadvantage ako dahil hindi ako lumilipad.

Pumipad sya papunta sakin pero agad akong tumakbo palayo sa kanya.

"Pano na yan master? Iiwas ka nalang ba?" Tanong ni kuya Flaire sakin kaya napasmirk ako. At lumapit sa ilalim nya.

"Hindi nga ko lumilipad pero...." putol ko na sabi at saka tumalon ng napakataas. "Hiiiyaaaaahhh!!!!" Sabi ko at sinuntok ang likod nya. Na naging sanhi ng pag sabog. Pag lapag ko ay nakita kong nakabangon na sya.

"Hahahaha ang galing mong kalaban!" Sabi nya lumipad ulit para atakihin ako at bubuga na sana ng apoy nang may lumila sakin. Kaya nagulat ako.

"Dito ka lang sa likod namin. Kami na ang bahala sa kanya Shon." Sabi ni Tyron. At nasa tabi nya si Eros. Si Erina naman ang humila sakin.

"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Erina sakin kaya tumango lang ako.

"Ayos lang ako. Bakit pala kayo nandito? Kukuha rin ba kayo ng bulaklak?" Tanong ko kina Erina. Hindi parin ba sila nakakakuha ng bulaklak?

"Huh? Ah eh... oo" tanging sabi nya. Kaya tinanguan ko lang sya.

"Gwaaaaaarrrrrrrrrrkkkkkkk!!!!" Sigaw ni kuya Flaire kaya napatakip kami ng tenga. Ano ba ang ginagawa nya?

"Sh*t!! Pano na toh? Muka pa naman syang malakas." Murang sabi ni Eros pero nakahanda parin sa pakikipaglaban.

"Mga lapastangan!!!!!" Sigaw ulit ni kuya Flaire at kita ko nang nanginginig sila sa takot pati na rin si Erina na napaupo nalang. Ang galing nyang mag acting.

"Dito na ba tayo mamamatay?" Natanong nalang ni Erina.

'Anong plano mo?'
(Basta. Master. Gusto ko silang matakot.)
'Haist wag na alis na kami. May gagawin pa kami.'
(Hmp *pout* Sige na nga master.)

"Tara na. Hindi naman nya tayo sasaktan." Sabi ko at hinila na sila kaya sumunod nalang.

'Hindi ko na kayo tatawagin pa.'
(Bakit master? May nagawa ba kaming hindi maganda? Si Cane nanaman ba?)
'No. Gusto ko lang mag karoon kayo ng kasiyahan dito. Dahil alam kong... ah basta magsaya nalang kayo.'
(Haha salamat.)
'At simula ngayon hindi nyo na ako tatawaging master. Kiro nalang.'
(Salamat.. Kiro)

Kaya tinignan ko sya at tumango saka nag lakad na palabas.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?"
"Alam mo bang pinag alala mo kami?!"
"Bobo ka ba? Bakit ka pumunta doon nang mag isa?!"
"Bakit ka pa kasi pumunta doon?"

Mga sermon nila sakin habang si Eros ay nakatingin lang samin. Bakit ba hindi ko pinakilala si Kuya Flaire sa kanila?

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon