CHAPTER 1

925 31 0
                                    

Nobody POV

Nagising nalang si Kiro sa isang lugar na puro puti lang ang nakikita. Hindi nya inalintana ang lugar at hinanap ang kanyang pusa. Nakita naman nya ito sa isang tabi at mukang natutulog. Nakahinga naman ito ng maluwag nang makitang maayos lang ang lagay nila saka nya nalamang napansin na may tao palang nakatayo at nakatingin lang sa kanya.

"Sino ka?" Cold na tanong ni Kiro sa nilalang na nasa harap nya.

"Eh? Ang cold mo naman. Pero mag papakilala nalang ako. Ako nga pala si Felix God of reicarnation. Nice to meet you." Nakangiting pakilala ng binatang nasa harap ni Kiro ngayon.

"God?" Tanging tanong naman ni Kiro. At sinuri ang nilalang na nasa harap nya. Kulay brown na buhok at kulay black na mga mata kung tutuusin parang tao lang ang itsura nya pero nakadamit sya ng puro puti.

"Oh yes. As you can see you two are dead now. But the supreme god decided to give the two of you a second life but not in your original world." Paliwanag naman ni God Felix. Umupo nalang si Kiro sa tabi ng natutulog na pusa.

"Ganon po ba?" Tanong ni Kiro habang hinahaplos ang pusa. 'Patay na pala kami.. tapos mabubuhay ulit pero sa ibang mundo na. Saan naman kaya?' Tanong nya sa isip nya na nabasa naman ni God Felix.

"Haha.. kakaiba ka ni hindi ka manlang nalungkot. Kaya siguro pinili ka nya." Sabi ni God Felix at bulong sa huli na hindi narinig ni Kiro kaya nanagunot ito ng noo.

"Ehem.. so ano ang gusto nyo? What do you want?" Tanong ni God Felix. Kaya mas lalong naguluhan si Kiro.

"Sa pag buhay nyo ano ang gusto nyong gift katulad ng magkaroon ng malakas na katawan o kahit ano." Paliwanag ni God Felix kay Kiro.

"Pfft.. alam ko ang ibig sabihin mo ang tanong ko lang ay bakit kailangang mabuhay pa kami ulit? Hindi ba pwede na magpahinga na kami ni Sora?" Tanong ni Kiro mabang nakatingin sa natutulog na munting sora.

"Haha it's for you to find out. So what's your wish?" Sabi at tanong ni God Felix kay Kiro. Kaya si Kiro ay tumayo at nag isip...

Ilang oras ang nag daan subalit hindi parin nakaisip ng wish si Kiro at si God Felix naman ay parang makakatulog na sa kahihintay. Nang may naisip si Kiro na wish at ito ang...

"God.." tawag ni Kiro kay God Felix kaya parang nagising naman si God Felix at nakangiting nakatingin kay Kiro. "Ano may naisip ka na ba?" Exited na tanong ni God Felix kay Kiro.

"Opo. Ang hiling ko po ay para kay Sora. Gusto ko pong maging malakas sya para maprotektahan nya ang sarili nya at hiling ko rin na makalimutan nya lahat ng ala ala nya tungkol sa past life namin at magkaroon ng magandang buhay." Hiling ni Kiro. Kaya nagulat si God Felix at ang nilalang na nanonood sa kanila. Oo kanina pa na nanonood ang nilalang na iyon.

'Mukang maswerte ang kanyang magiging bagong mundong.' Sabi sa isip ng nanonood na nilalang.

"Eh pano ang sarili mo? Parang halos lahat ng hiling mo ay para sa Pusa." Komento naman ni God Felix.

"Ikaw na ang bahala sakin. Wala kasi akong maisip eh. Hehehe" nahihiyang sabi naman ni Kiro at napakamot pa sa kanyang batok.

"Hay.. sige naiintindihan ko pero ang pangalawang hiniling mo. Ang makalimutan ni Sora ang lahat alam mo bang pati ikaw makakalimutan ka nya?" Sabi at tanong ni God Felix. Tumango lang si Kiro at malungkot na tumango.

"Sige. Ako na rin ang bahala sayo." Sabi ni God Felix at bigla nalang nagliwanag si Kiro at ang kanyang pusa na si Sora.

"Hanggang sa muli. Chosen one." Naguguluhan man si Kiro ay nagpaalam  na rin sya kay God Felix at kay Sora. Nang nawala na sina Kiro at Sora ay napabuntong hininga nalang si God Felix.

"Almighty God talagang paborito nyo ang mga tao huh?" Sabi ni God Felix at tinignan ang pinagtataguan ng nilalang.

"Haha nahanap mo ako." Parang batang sabi ng nilalang.

"So ano na ang plano mo sa kanya?" Tanong ni God Felix sa nilalang na kaharap nya na ngayon.

"He will be my chosen one in this world." Sagot naman ng nilalang habang nakatingin sa isang sanggol na kakapanganak palamang.

"Well this world is lucky I guess." Sabi naman ni God Felix habang nakatingin sa isang screen kung saan nakikita ang baby na kakapanganak palamang.

--------

Reincarnated in another world with my cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon