Chapter 31 Her Past

5 1 0
                                    

                      STILL HER P.O.V

Hindi ako umuwi sa mansion ko nanatiling nag tatrabaho ako Dito sa company.

Gusto Kong lunurin Ang sarili ko sa trabaho para kahit papano mabawasan Ang mga iniisip ko at nang naramdaman ko..

Mabilis Kong tinapos Ang kailangan taposin para sa presentation bukas dahil dadating Ang mga new investors para sa project na gagawin ko.

Nag inat ako Ng mga braso saka ako dumiretso sa kwarto ko.

May kwarto Kasi ako dito sa office ko para Kong Hindi ako uuwi sa mansion ay pwede namn ako matulog dito sa office.

Binuksan ko Ang tubig sa bathtub habang hinihintay ko itong mapuno ay nag hubad muna ako Ng damit saka pinatay Ang gripo nilagyan ko Ng red petals Ang bathtub saka ako humiga dito.

Nakatingin ako sa kawalan habang nag Muni Muni at inalala Ang nakaraan...

                     ~~FLASHBACK~~

"ANAK GUMISING KA!"niyugyug Ng isang babae Ang kanyang anak habang natutulog Ito.

"Mommy? Bakit po"inaantok na tanong Ng batang babae sa kanya.

"Mag impake kana aalis na Tayo dito"nagmamadaling Sabi Ng ginang sa kanya nagtaka namn Ang Bata dito.

"Po? Saan po Tayo pupunta"takang tanong Ng Bata sa kanya Ng Makita niyang Ang dalawang malaking maleta.

"Basta! Mamaya ko na sasabihin sayo kailangan na natin magmadali! Baka maabutan niya Tayo!"tarantang Sabi Ng ginang sa kanya kahit nagtataka ay sinonod Niya parin Ang utos Ng kanyang Ina.

Lumabas sila Ng bahay matapos nilang mag impake.

"At sa tingin niyo saan kayo pupunta"isang baritong boses Ng lalaki Ang nagsalita sa likoran nila.

"Carlos.."sambit Ng ginang sa pangalan nito ngumisi namn Ang lalaki sa kanya.

"Akala mo matatakasan mo ako Sandra? Dyan ka nagkakamali"mabilis na hinila Ni Carlos Ang braso Ni Sandra dahilan para mabitawan Niya Ang hawak nitong maleta.

"Ano ba! Bitawan moko Carlos!"

"HINDI KA AALIS!! WALANG AALIS! NAINTINDIHAN MOKO SANDRA?!!"galit na sigaw Ni Carlos sa kanya.

"Bitawan mo Ang mommy ko!"sigaw din Ng batang babae sa kanya saka siya hinampas Ng maliit nitong kamay.

Mukhang nainis namn dito si Carlos dahilan para itulak siya Ng malakas natumba namn Ang batang babae at sakto yon sa malaking bato dahilan para mawalan Ng Malay Ang Bata.

....

Dahan dahang nagmulat Ng Mata Ang batang babae saka Niya nilibot Ang paningin Niya sa paligid natigilan siya Ng Makita Ang walang buhay at naliligo sa sariling dugo Ang kanyang Ina.

Lumapit siya dito at niyugyug Ang babae.

"Mommy? Mommy!"ginising Ng Bata Ang kanyang Ina pero wala siyang sagot na nakuha Kaya nag umpisa na siyang lumuha at umiyak Ng malakas.

Sa di kalayuan naglakad Ang isang magandang babae papunta sa gawi Ng Bata.

Natigilan Ang matandang babae sa Nakita niya Ng makalapit Ito sa kanila.

"S-sandra?.."

Napatingin Ang Bata sa kanya habang naluluha.

"Tulungan niyo po si mommy, gisingin niyo PO siya"umiiyak na paki usap Ng Bata sa kanya nagsimula narin lumuha Ang magandang babae.

"A-anong nangyare sa kanya? Bakit siya nag kaganito?"tanong kaagad Ng babae sa Bata natigilan namn Ang Bata dito at inalala Ang nangyare.

"Hindi kopo Alam nagising nalang ako Hindi na po gumigising si mommy kahit anong tawag ko sa kanya"

"S-sandra bakit..bakit hindi moko hinintay?"naluluhang sambit Ng babae sa katawan na walang buhay na si Sandra.

"Kilala niyo po Ang mommy ko?"tanong Ng Bata sa kanya napatingin namn Ang babae dito at tumango.

"What's your name baby?"tanong Ng babae sa kanya.

"Hanelyn po"the little girl innocently said.

"Ang gandang pangalan Ang mommy mo ba Ang nagpangalan sayo?"kahit malungkot Ang naramdaman Niya hindi Niya parin maiwasan na maging masaya dahil walang nangyare sa Bata.

"Opo"

"Ano po ba Ang pangalan niyo ate?"the little girl ask her.

"It's MAYA..."

The Ocean PrincessesWhere stories live. Discover now