"HINTAYIN MO ako dito mamaya ah?" Nakangiting saad ni kuya sa akin bago ako makababa ng sasakyan. Halos tatlong linggo na ang nakaraan when that incident happened. Tatlong linggo at wala pa rin si mang Nando. Baka kailangan na kailangan talaga sya sa kanila, naiintindihan ko naman iyon.
Pagpasok ko ng school ay nakasabay ko si Kersone.
"Pan!" Magiliw na tawag nito sa akin. Hinintay ko itong makalapit. "Good morning!" Kaagad nyang bati.
"Morning too."
"Pasok ka na ba?" Tanong nya kaya tumango ako. "Wag muna! Cafeteria muna tayo!"
"Libre mo?" Tanong ko. Kumamot ito sa kanyang batok bago sumagot.
"Lagi naman, kapag inaaya kita." Napangiti ako sa sagot nya. Sabay kaming dalawa na naglakad papunta sa cafeteria.
Pagpasok na pagpasok palang namin ay agad na nakunot ang noo ko dahil sa taong nakita ko. Nakaupo ito sa isa sa mga table ng cafeteria at abala sa laptop. Nakasuot ito ng teacher's uniform kaya bakit sya nandito? Hindi ba't dalawang ang cafeteria ng school? Ang isa ay para sa mga estudyante at ang isa ay para sa mga katulad nya? Agad akong umiwas ng tingin ng umangat ito ng ulo at magawi sa amin ang kanyang tingin. Nagkunwari akong walang nakita ngunit ang magaling kong kasama ay nagsalita.
"Pan, diba si sir Ramirez iyon?" Nakangiting sambit nito habang turo si sir Ramirez.
"Ah... O-oo, bakit?" Alinlangang sagot ko.
"Wala naman, tara!" Saad nito at hinila ako. Akala ko ay pupunta itong counter ngunit kaagad na nanlaki ang aking mga mata ng makitang papunta kami sa abalang guro.
"K-Kersone!" Saway ko sa kanya ngunit wala itong pakialam hanggang sa makarating kami sa tapat ng guro.
"Good morning, sir!" Bati nito pagkahinto namin sa harapan nya. Umangat ang tingin nito at nagtama ang aming mga tingin, agad akong yumuko at bumati.
"G-good morning po, sir." Mahinang usal ko.
"Good morning, too. May I know what's bring you here?" Tanong ni sir Ramirez.
"Ahm... No-nothing sir! Kersone just want to g-greet you—!"
"No! Ganon na nga po, but you're alone, sir. Can we take the free sit in your table?" Nanlaki ang aking mata at umawang ang aking labi dahil sa sinabi ni Kersone.
No! Please, don't say yes, sir!
Tumingin ito sa kanyang laptop bago magsalita ulit.
"I'm busy." Nakahinga ako ng maluwag dahil—. "But yes, you can take that sits." My jaw dropped.
"Yes!" Masayang sambit ni Kersone.
"N-no! I-i need to go!" Bulong ko sa lalaki.
"Huh? Hindi! Maupo ka na, o-order lang ako."
"Kersone! Hindi ako mauupo dyan!" Bulong ko ulit. Bukod sa nakakahiya dahil guro ito, nakakahiya din sa tuwing maaalala ko ang pagtatapat kong iyon. Kahit na sulat lamang ay nakakahiya pa rin dahil kinumpronta nya ako dahil sa bagay na iyon.
"Pan, pumayag na si sir."
"No! I won—!"
"Just sit, miss Villiase." Halos tumalon ang aking puso dahil sa sinabi nito.
"See? Kaya upo na." Sambit ni Kersone at pilit akong pinaupo sa tapat ng guro. Wala akong ibang nagawa kundi ang maupo nang umalis si Kersone. Tahimik lang kaming dalawa. He's busy with his work and I'm busy making myself busy. Tumikhim ito.
"Bagay kayo." Biglang usal nito. Napaangat ako ng tingin sa kanya. He's looking at me plain and nothing.
"We're friends." Maikling sagot ko. I saw him smirked.
YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...