KINABUKASAN AY hindi pumasok si Ciajane dahil masama raw ang pakiramdam nya. Alam kong hindi iyon ang dahilan. Sinubukan ko pa itong kausapin pero naka-lock ang pinto nito, ayaw makausap.
Mag-isa akong naglalakad sa hallway ng bigla kong makasalubong si Candy kasama nito ang dalawa nyang alipores. Wala naman nang ibang estudyante dahil malapit na mag-first period.
"Ops! Sorry!" Nakangiting giit nito ng matapon sa may braso ko ang dala nyang juice, sinadya. Narinig kong humagikhik ang dalawa nitong kasama. Mabuti nalang at hindi naabot iyong manggas ng uniform ko.
"Ayos lang." Walang buhay kong ani at pinunasan ang nabasang parte ng braso ko. Ano bang mapapala ko kapag papatulan ko to?
"Okay!" Nakangising usal nito kaya tumango ako at nilampasan ito. Pero bago pa man ako makalayo ay may malamig nang likido ang bumuhos sa ulo ko. Napasinghap ako dahil dito. Mariin ang pagpikit ko bago humarap sa kanya.
"Ay! Sorry ulit!" I clenched ng fist to calm myself. Nakangiti ito. "Masarap ba?" Tanong nya at biglang sumama ang tingin nito sa akin. "Kulang pa yan. Hindi mo ba alam na palaging binubugbog doon sa kulungan si Laurence? At dahil yon sayo! Malandi ka! Nilandi mo si Laurence at pinagmuka mong pinagtangkaan ka nyang gahasain!" Sigaw nito sa akin.
"Candy, sabihin mo na kung ano man ang gusto mong sabihin, wala akong pakialam. At tsaka, matagal nang nangyari yon, pwede bang kalimutan mo na?" Mahinahon kong ani. Biglang tumalim ang tingin nito sa akin. Nang hindi ito sumagot ay tumalikod ako para sana iwan na ito ng may dalawang kamay ang humawak sa braso ko at pinaharap ako sa kanya.
"A-ano ba! Bitawan nyo ako!" Sigaw ko at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng dalawa pero bigo ako.
"Huwag mo akong tatalikuran kung hindi pa tayo tapos magusap!" Singhal sa akin ni Candy sabay sampal sa akin. "Dahil sayo, nakulong si Laurence. Dahil sayo, nabubugbog sya doon!"
"Kulang pa yon sa pagtangka nya sa akin! Baliw si Laurence! Baliw ang lalaking gusto mo, Candy! Naiintindihan mo ba ako?!" Sigaw ko pabalik rito. Nanlaki ang mata nito at bigla nalang akong sinampal nito.
"Sino ka para sigawan ako?!" Bulyaw nito sa akin at inangat ang isang kamay nito upang isampal na naman sa akin. Pumikit nalang ako para salubungin ang kanyang sampal dahil wala naman akong laban, hawak ng dalawa nyang kasama ang mga braso ko. Ngunit segundo na ang lumipas at isang baritonong boses ang narinig ko.
"Go on. Slap her. And I'll promise you, you'll be kicked out here." Saad ng baritonong boses na nagpatigil kay Candy at naiwan ang kamay nito sa ere. Wala sa sariling napatingin ako sa likod ni Candy kung saan nanggaling ang boses na iyon. At nakita ko ang isang lalaking nakapamulsang naglalakad palapit sa aming kinatatayuan. Tila nanghina ang tuhod ko ng magtama ang aming mga tingin. Gaya ng dati ay walang makikitang reaksiyon sa muka nito. Nakakapanghina ang mga mata nitong walang kabuhay-buhay. Umiigting rin ang panga nito, senyales na galit o naiinis.
Agad naman akong binitawan ng dalawa dahilan para bumagsak ako sa sahig. Napasinghap ako dahil sa sakit ng tumama ang puwet ko sa malamig na sahig. Nang umangat ako ng tingin ay may sinabi ito dahilan para magmadaling umalis ang tatlo.
I sigh before pushing myself to get up but I gasp when someone's arm snakes on my waist and pulled me up.
"Ayos ka lang?" Tanong nito. I look at him dryly.
"Oo! Ayos lang ako! Hindi naman masakit eh!" Sarkastikong sikmat ko rito. Then, he sigh.
"Come on." Giit nito at hinawakan ang pulsuhan ko pagkatapos ay hinila ako papunta sa kung saan. Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa nito.
"S-sandali! Saan mo ako dadalhin?! May klase pa ako!" Asik ko sa kanya. Tangina naman! Late na nga ko dahil sa tatlong yon! Dadagdag pa tong gurong to?!
YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...