3:30pm
Napainat ako ng braso nang matapos kong ma-check-an ang last na papel. Shit! Inabot na ako ng hapon kaka-check ng mga to. Akalain mo yon? Pitong section at may senior high pa! Hindi lang yon, sa isang section ay may dalawa o tatlong quiz! Shit! Grabe naman si sir! Parang hindi asawa—este tao yung inutusan! Malaki ba galit mo sakin sir?
Napanguso ako ng tumunog na naman ang tyan ko. Kanina hinatiran ako ni Kersone ng snack. Noong lunch din ay binilhan nya rin ako. Passed twelve na nga ako nakapag-lunch dahil masyadong nakatuon ang atensiyon ko sa ginagawa ko.
Bumalik ako sa ginagawa. I have to record this last quiz. Ito nalang then done!
Kunot ang noo ko habang hinahanap ang mga punyetang pangalan sa record list.
After minutes, I finally done recording the scores. Sunod kong ginawa ay in-arrange ko ito lahat. By section and by topic. Nang matapos ay lumabas na ako ng library at saktong natanaw ko si Kersone na papalapit habang sukbit sa isa nyang balikat ang kulay black na backpack. Nang makita ako nito ay kumaway ito sa akin at dali daling lumapit nang may ngiti sa kanyang labi.
"Where's Avi?" I ask when he reaches me.
"Hmm... Mauuna na daw sya dahil gusto nya na daw maligo." Nakangiting sambit nito sabay kuha ulit ng dala ko at naunang maglakad. Napailing nalang ako ng makita na bag ko pala iyong kulay itim na bag na nakasukbit sa isa nyang balikat.
"Hintayin kita dito." Saad nito nang makarating kami sa tapat ng pinto ng opisina ni sir. Kinuha ko ang mga iyon bago pumasok sa loob. Diretso akong naglakad papasok pero napatigil ng walang maaubang sir Ramirez na nakaupo sa swivel chair.
Did he leave?
Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad sa mesa para sana ipatong nalang doon ang hawak ko ng biglang bumukas ang isang pinto kaya napabaling ako doon. Niluwal noon si sir Ramirez na nagtutuyo ng buhok gamit ang twalya. Wala itong saplot pangitaas dahil nakasampay sa balikat nito ang damit at ang tanging suot lamang ay ang kayang black slacks.
Wala sa sariling nabitawan ko ang mga dala dala ko. Napakurap ako ng mapagtanto ang nasilayan. Ganon din sya.
"Fuck!"
"H-ha-hala! S-sorry p-po, s-sir!" Utal utal kong sambit at mabilis na pinagdadampot ang lahat ng papel na nasa sahig.
"Fuck! Fuck! Fuck! Where's my fucking shirt?!" Rinig kong bulong nito.
"S-sir... H-heto na p-po—."
"Damn! Close your eyes, Pan!" Putol nito sa akin. Agad kong sinunod ang inutos nya. "Just... keep your eyes close, and uh... h-hand me the papers." Ginawa ko ang sinabi nya at dahan dahang inabot sa kanya ang mga iyon habang nanginginig ang aking mga kamay. "Now, turn around and go." Umikot ako at nagsimulang maglakad nang biglang...
"Ah!" Daing ko ng mabangga ako sa kung ano kaya napadilat ako ng mata.
"What the?!" Isang malakas na kamay ang humila sa braso ko. "Are you okay?!" Nag-aalalang tanong nya sa akin. "Anong nangyari?! Hindi ka ba tumitingin?! Hindi mo ba nakita yung sofa?! And where the hell are you going?! That's not the right way!" Nakagat ko ang aking ibabang labi. Ramdam ko ang boltahe ng kuryente na rumihistro sa buong pagkatao ko habang nakatingin sa braso kong hawak nya pa rin hanggang ngayon. "Pan! Answer me!"
"S-sorry po, n-nakapikit kasi—."
"What?! A-are you kidding me, miss Villiase?" Hindi makapaniwalang tanong ni sir Ramirez sa akin.
S-sinunod ko lang naman po yung inutos nyo eh." Nakangusong sambit ko.
"And you didn't really open your eyes, aren't you?" He ask and raised his brow.

YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...