TWO WEEKS. Two weeks na ng magsimula ang klase at sa loob ng two weeks na iyon ay parang gusto ko nalang tumigil sa pagpasok dahil sa hindi na ako komportable sa presensya ni sir Ramirez. Lalo na ang paminsan-minsan nyang pagtuon ng tingin sa akin.
Noong araw na iyon ay tinanong ko ang mga kaibigan ko kung teacher din ba nila si sir pero ang sabi nila ay hindi daw. Pero si Kersone ang sabi ay subject teacher daw nila iyon.
Nandito kami ngayon sa cafeteria, taking our lunch dahil lunch break na. Nakakamangha nga dahil kahit iba-iba ang track and strand na ti-nake namin ay every break and lunch time ay kami-kami din ang magkakaharap sa iisang mesa, kahit si Kersone ay nagagawa pa ring dumalo sa amin.
"Shit naman! Ang swerte mo, Pan! Kita mo? Naging subject teacher mo pa yung adviser natin dati... at crush mo noon, di ko lang sure kung hanggang ngayon." Sambit ni Avriell na ibinulong ang huling sinabi. Nanlaki ang mata ko dahil baka marinig nila ang sinabi ni Avriell. Hindi ko nga pala sa kanila kinuwento ang pagu-usap namin ng guro. Hindi ko nga alam kung naka-move on na ba ako sa kanya o hindi pa. Sino ba kasing tanga ang makakalimot kung palagi mong makikita yung taong yon? Kung pwede lang pumikit palagi eh ginawa ko na, kaso baka masabihan pa akong baliw ng mga tao na makakita sa akin.
"Shut up, Avi!" Usal ko sabay kagat ng aking labi. "Parang gusto ko na lang ngang wag na lang pumasok eh." I said while pouting. "Aw!" Daing ko ng may humampas sa aking balikat.
"Boba! Titigil kang pumasok?!" Sigaw na tanong sa akin ni Rieya.
"Oo?"
"Bakit naman, Pan?" Tanong ni Viron.
"Ha? Ahm... Wa-wala lang." Sagot ko at hilaw na tumawa.
"Wag mo nang balakin, sayang naman at tsaka mas masaya kapag kasama ka!" Singit ni Kersone.
"Sus! Sabihin mo na lang na sobrang saya mo kung nandito si Pan." Bara ni Avriell.
"What?!"
"Ang obvious, Kers. Tanga't manhid lang ang hindi makakahalata." Sunod ni Ciajane.
"A-anong ta-tawag mo sakin?"
"Kers! Ang haba kasi kung Kersone." Sambit ni Ciajane at sumandal sa upuan. "Katamad."
"Anong pinag-uusapan nyo?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung ano na ang topic nila.
"Ayan! Hindi nga tanga pero manhid naman!" Duro sa akin ni Miles kaya napaturo din ako sa aking sarili.
"Huh? What do you all mean?" I ask. Confused.
Avi, Ciajane, Rieya, and Zia shook their heads in disappointment.
"Kita mo? Si Ciajane na bago lang naming kasama na halata agad samantalang ikaw na isang taon ng palaging nakikita si Kersone hindi mo nahahalata." Miles' voice sounds "I can't believe you."
"Huh? Wala namang kakaiba kay Kersone ah." I said and look at Kersone. Pinakatitigan ko itong mabuti pero wala naman talagang kakaiba sa kanya. Binalik ko kay Miles ang aking tingin ng mapansing naiilang na si Kersone sa pagtingin ko sa kanya. "See? He's still the same." I said then smile.
"Kawawang Kersone, manhid pa yung nagustuhan nya." Viron said and sip on his drink.
"Hoy! Gago! Akin yan!" Bulyaw ni Ghio dito.
"Tss... Dila't laway mo nga hinihigop ko, yan pa kayang iniinom mo?" Sagot ni Viron dito na ikinatigil naming lahat.
Katahimikan ang bumalot saming lahat.
"Hoy... A-anong...?"
Nakayuko si Ghio at tila nahihiya dahil sa naging reaksiyon namin. Kahit ako ay nagulat pero matagal ko nang nahahalata na may kakaiba sa kanila ayoko lang na pangunahan sila.

YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomansaSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...