Subject;40

4 0 0
                                    

AGAD AKONG lumiko ng makita kong makakasalubong namin si sir Ramirez sa hallway.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Malakas na tanong ni Ciajane.

"Ahm... M-may pupuntahan lang ako." Sagot ko at nagmamadaling iniwan ito.

No! I need to distance with him! Hindi ko yata kayang makasama ito sa iisang lugar. Lalo na sa tuwing naaalala ko ang nangyari kahapon sa opisina nya.

Panay ang lakad ng at hindi ko alam kung saan papunta ng biglang may tumawag sa akin.

"Miss Pan!" Tumigil ako at nilingon ito. Si Ramer. Nasa loob ito ng classroom at nagmamadaling lumabas at lumapit sa akin.

"Heto. Pinabibigay nya ulit." Saad nito pagkalapit sa akin sabay abot ng hawak nyang paper bag. Kumunot ang noo ko dahil sa binigay nya.

"Ramer... Didn't I told you to tell him stop giving me this?" I said.

Tumango ito bago ako sagutin.

"Sinabi ko naman na yon sa kanya eh. Ewan ko ba, akala ko nga dahil tumango sya ay titigil na sya sa pagpapaabot sakin nyan. Pero nagulat ako ng tawagin nya ako kanina at sabihin ibigay ko daw yan sayo. Nahihiya na rin nga ako sa pinapagawa nya dahil tinutukso na ako ng mga kaklase ko everytime na dala ko yan at tatanungin nila kung kanino galing o kung kanino ko ibibigay." Mahabang Saad nya. Hindi sya? Akala ko...

If he's not Mr. R... Then, who the fuck is this fucking guy?!

Binalik ko kay Ramer ang paper bag.

"Tell him this, if he want me to accept this, sya mismo ang magbigay. It's starting to scare me off. Magpakita kako sya sa akin at sya ang magabot nyan. Dahil napagkamalan ko rin na ikaw si Mr. R." Saad ko.

"H-ha? Mr. R? Eh... Hindi naman R ang first letter ng name nya ah!" Gulat at taka nitong giit sa sarili ngunit narinig ko.

"Kaya nga ng malaman kong Ramer ang pangalan mo, ikaw ang naisip ko agad na Mr. R." Sagot ko.

"Hala, gago! Swear miss Pan! Hindi ako yan!" Tarantang giit nya. Tumango ako.

"Don't forget to tell him what I said." I said before leaving him.

Naglakad ulit ako sa hallway dahil nakita ko kanina si sir Ramirez na tutungo sa direksyon namin ni Ramer kanina. Pero ang pagiwas na iyon ay may masama rin palang resulta.

Dahil pagliko ko sa isa pang hallway ay nakasalubong ko na naman si Candy at ang dalawa nyang kasama.

Shit!

"Well, well? Nagkita ulit tayo, Pan." Nakangising usal nito habang tumitingin sa likuran ko.

"Candy, ayoko ng gulo." Mahinahong anas ko.

Ngumiti ito ng matamis sa akin at naglakad palapit sa pwesto ko. Agad naman akong umatras ngunit may mga kamay na naman na pumigil sa akin sa paggalaw.

"Bitawan nyo ako!" Asik ko sa dalawa pero tila wala itong narinig.

"Eh, hindi pa tayo tapos nung nakaraan eh." Tili malungkot nitong giit pagkatapos ay tumalim ang tingin nito. "Pakialamero kasi ang gurong yon!" Singhal nya.

"Candy, ano pa bang gusto mo?" Tanong ko rito.

"Alam mo ba? Bumisita ako sa kulungan kung nasaan si Laurence." Panimula nya. "May mga pasa na naman sya. At alam kong binugbog na naman sya kahit hindi nya sabihin sa akin. Kinuwento ko nga sa kanya ang ginawa ko sayo." Pagkukwento nito. Ang nanlilisik nitong tingin ay bumaling sa akin. "Pero alam mo ba? Kahit na ikaw ang dahilan kung bakit sya nakakulong ay sakin pa sya nagalit dahil sa ginawa ko sayo. Kesyo, bakit ko daw yon ginawa sayo? Ang sama ko daw. Hindi na daw ako yung Candy na kilala nya. Hell! Ginawa ko yon para maiganti ko sya sayo!" Sigaw nya sa akin. Then, she grabbed my jaw tightly. Napaigik ako dahil doon.

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now