"WHAT?!" Halos pasigaw kong tanong dahil sa sinabi ni kuya. Hindi! Hindi pwede! Hindi pa ako handa... Ayoko pa... ayoko pang bumalik...
"Pan, please... Wala na akong maisabing excuse kila mommy. They want to see you..." Saad ni kuya. Napailing ako. Alam kong sinabi ni kuya kila mommy na kasama nya ako pero hindi... ayoko pang bumalik doon.
"P-paano si Lixian? Si daddy? Galit sya sakin... pano kung makita nya ang anak ko? Paano—"
"Pan, panong magagalit kung gustong-gusto ni dad na makita ang apo nya?" Nakangiting sambit ni kuya.
"A-ano?"
"Tsaka, hindi yon magagalit. Takot lang non kay mommy. Didn't I told you what happened after you left? Inaway ni mommy si dad at hindi pinapatulog sa kwarto nila hanggang ngayon kaya hanggang ngayon ay sinusuyo pa rin ni dad si mommy." Sambit nya, naalala ko iyon. "Hanggang hindi ka din daw bumabalik ay hindi nya papansinin si dad. Yung dalawang yon, ang tatanda na, kung umakto parang mga teenagers." Iling-iling na usal ni kuya.
"K-kuya..."
"Uuwi tayo. This Saturday. You like it or not. We'll go back." Pinal na ani kuya. Dumagungdong iyon sa buo kong pagkatao.
***
TULALA ako buong isang oras. Ni kahit sagutin si Laurence kapag kinakausap nya ako ay hindi ko magawa.
"Pan." Napabaling ako sa tumawag sa akin. Si Laurence. Tumikhim ito at naupo sa tapat ko. "Nabanggit sakin ni Phoenix ang napagusapan nyo kanina. Is this the reason why you're so silent, hm?" Malambing nyang tanong.
"L-Laurence... I'm... I'm still not ready. Hindi pa ako handang bumalik don..." Pagaamin ko. He smile and caress my cheek.
"We can't do anything about it, Love. Kahit hindi ka pa handa, kung panahon na para bumalik ay wala tayong magagawa. Wala tayong ibang magagawa kundi ang harapin ito, handa ka man o hindi. We can't force to stop something to happen." Nakangiting sambit nya. Pero yung ngiting iyon. Parang may ibang ibig sabihin. Parang sinasabi noon na tanggap nya ang kung ano mang mangyari.
"Laurence..."
"I'm here, Pan. Hindi ako aalis sa tabi mo. Kahit magbago ang isip mo, hindi kita iiwan." Unti-unting nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi nito.
"P-please no... Don't say that, Laurence."
"Shh, I know. I told you before, right? Bago kita ligawan. Na ayos lang sa akin kahit hindi ako ang piliin mo sa huli. At tatangapin ko ang magiging disesyon mo. Matagal ko nang alam ang estado ko sa buhay mo. So, please? This time, choose what you think will make you happy. I'll be there. Just there, Pan. If you did that, I'll be so proud of you. And step my feet backward, and watch you living your life happy and contended. He, learned his lesson. If you suffered, so he is." Pinunasan nito ang aking pisngi. "P-pero sana, hayaan mo pa rin akong maging ninong ni Lixian, ha?"
***
I DON'T KNOW... how we leave the country and arrived at the airport. Wala ako sa sarili buong biyahe. Nitong mga nakaraan araw, iwas na sa akin si Laurence. Kahit ngayon. Parang... hangin na lang ako sa kanya. Kapag magkakasalubong kami, sya ang unang iiwas. Para bang takot na kapag nagkabunggo kami ay mapahamak sya."Nag-away kayo?" Bulong ng kung sino. Nang lingunin ko ito ay si kuya pala. I sigh. "Nung isang araw ko pa yan napapansin ah? Iwas sya sayo. Inaway mo? Binasted mo ano?"
"Kuya... wag ngayon." Mahinang bulong ko. Umiling ito at bumaling kay Laurence na nakikipagkulitan kay Lixian.
"Sasama ka pa samin sa bahay, Laurence?" Rinig kong tanong ni kuya.
"Hm? Ah, hindi na. Puntahan ko na rin nyan yung in-apply-an kong trabaho." Sagot nito. Naramdaman ko pa ang bahagya nitong pagtingin sa akin.
"Laurence, you know I can give a work, right?" Ani kuya. Hindi na ako nakinig sa usapan nila at tumingin na lang sa labas ng kotse. High buildings, noise place, and heavy traffic. Nasa pinas na nga kami.
NAPABUNTONG hininga ako. Nilibot ko ang tingin sa paligid ng front yard ng bahay. Dati pa rin.
"Pang-siyam mo na yang buntong hininga. Kung may sweldo lang yan, malamang na mayaman ka na." Bulong ni kuya ng makababa kami. Hawak nito si Lixian. "Umayos ka, nandito na tayo."
"Kuya pwede ba tayong mag-hotel na lang?"
"Gastos ang hotel, Pan. Dito sa bahay natin, libre." Akmang magbubuntong hininga ako ng pisilin ni kuya ang ilong ko.
"A-ano ba, kuya!" Singhal ko sabay hampas sa kanyang kamay. Tumawa ito at umiling bago buksan ang pinto ng bahay. Hinila nya ako papsok at bumungad sa akin ang dalawang taong matagal ko nang hindi nakikita. Dad and mommy.
Medyo may puti na ang buhok ni dad dala ng pagtanda. Si mommy, ganon pa rin. Tumanda lang ng kaunti. Humawak sa kamay ko si Lixian nang dumiretso si kuya sa kanila at humalik sa pisngi nila. I gulped when they turned to me.
"Y-yan na ba ang apo ko?" Tila hirap na tanong ni daddy habang nakatingin sa anak ko. "P-Pan... Anak ko..." He whispered and pulled me for a hug. I gulped as I try not to cry but when my eyes dropped on my mom who is already crying, doon na bumuhos ang aking luha. She neared us and join the hug.
"Oh, my darling..." Mom utter.
"M-mommy..." Boses ni Lixian ang nagpa-baling sa aming tatlo.
Kaagad na lumuhod si dad at pinantayan ito.
"Are you my grandson, little boy, hm?"
"I'm not little boy! Mommy told me I am big boy now!" Ganadong sagot ng anak ko. Pero kaagad din itong kumalma't nagtanong. "A-are you mad? I shouted and did not give some respect." Dad chuckle.
"Come here, big boy." Ani dad at binuhat ito. "What's your name?"
"I'm Xandhier Lixian Villiase!"
"Hm... Lix... Lixian." Dad mumbled. Bigla kong kinabahan ng walang dahilan.
"Funny. Someone kneeled in front of me while crying. He's asking for my forgiveness coz he said he made my daughter cry." Bigla akong namula dahil sa mga sinabi ni dad. Lalo na ng bumaling sa akin si dad at sinabing, "He looked like his father."

YOU ARE READING
Subject; LOVE
عاطفيةSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...