Subject;67

2 0 0
                                    

"YANNA, mali itong ginawa mong conclusion, pati itong gawa ni James na methodology mali rin. Aayusin nyo naman." Sambit ko habang pinapakita kay Yanna ang mga gawa nila.

She look at me sideway at pairap na binalik sa make up ang tingin. Walang ibang tao rito sa room maliban sa ibang classmate namin, yung iba ay pumunta sa library para doon gumawa. Inaalok ko nga sana sila pero sabi ng mga ito ay dito na lang daw, pero wala nama silang ibang nagawa kundi mag-cell phone at maglaro.

"Edi ikaw gumawa! Leader ka naman diba? Ikaw na umayos nyan." Sagot nito sa akin. Napahawak ako sa aking noo.

"Yanna naman, hindi ko to kayang gawin mag-isa!" Hindi ko napigilan taasan ito ng boses. "Ang dami ko pang inaayos. Yung mga naunang pinasa nyo sakin, ako na umaayos. Kayo naman na sana nito. Please..."

Hindi ako nito pinansin. Napabuga ako ng hangin bago tiningnan si Jenna at Rico. Nilapitan ko ito.

"Jenna." Agad naman itong tumingin sa akin.

"Oy, leader." Nakangiting sambit nito. "May problema ba?" Tanong nya pagkatapos ay nanlalaki ang mga matang napatakip sa kanyang bibig. "May mali na naman ba dun sa pinasa ko? Pwede ko bang makita?" Nagaalalang tanong nya. I shook my head making her breath in relief. Sa apat na member ko, ito lang yatang si Rico at Jenna ang may malasakit. Medyo pasaway nga lang si Rico.

"Thank you, God."

"Pwede mo ba akong tulungan?" Umaasang tanong ko. Agad itong tumayo at siniko ang katabi na abalang-abala sa paglalaro. Tumigil naman ito at mabilis na tinago ang cell phone.

"Aba! Pwedeng-pwede leader! Ano ba yon?" Nakangiting tanong nito. I sigh and show her the papers I'm holding.

"Mali kasi yung gawa nung dalawa. Pwede bang paayos naman? Hindi ko pa natatapos ayusin yung naunang pinasa nila sa akin." Paliwanag ko. Kinuha nila iyon mula sa akin at sinuri.

"Kay Yanna to, tapos kay James, ah." Ani Rico. Tumango naman ako.

"Aba! Gagang yon! Mali na naman ginawa nya? Nasan yon, leader? Ako kakausap." I shook my head.

"Galit sya. Baka mag-away kayo nyan."

"Sinigawan ka?"








***








I SIGH after typing the last word. Kinusot ko ang aking mata at pinahinga pagkatapos nitong mababad sa harapan ng screen ng laptop.

I look around inside the room. Walang teacher kaya medyo maingay ang paligid. Bumagsak ang tingin ko kay Ciajane na nakaupo malayo sa akin at abala sa ginagawa.

"Pan!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Jenna. Nagmamadali itong lumapit sa akin ng may ngiti sa kanyang labi. Then, she handed the her own laptop, and say, "Tapos ko na!"

Kinuha ko naman iyon at ini-scan. I smile when she did it right. Tumingin ako rito at nag-thumbs up.

"Thanks, Jenn."

"Aheh! Ene be!" Natawa ako sa inakto nito.

"Si Rico?" Tanong ko.

"Here." Napalingon ako sa likod ko dahil doon nanggaling ang boses na iyon ni Rico. Hindi kagaya ni Jenna, iPad ang binigay nito sa akin.

"Okay na." Giit ko matapos i-scan ang gawa nya. "Thanks, guys."

AFTER THAT I went to the cafeteria dahil wala namang teacher, isa pa, gutom na ako. Bumili ako ng burger and mineral water. Hindi na ako gumamit ng table dahil lumabas din kaagad ako.

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now