I WISH... Ako nalang. I wish, mag-isa nalang akong pinanganak ni mommy. Life is really mischievous.
Five years ago my twin sister loss. Magkakasama kaming lima noon sa isang mall. Me, Layria, kuya Phoenix, mommy and dad. We enter every shops, boutique and stalls we see. Masaya, masaya ako. Not until, we lost our eyes on my sister. Bigla itong nawala ng parang bula. Hindi namin alam kung nahiwalay ba ito sa amin dahil sa siksikan na taong dinaanan namin o naiwan sa isang shop na pinuntahan namin o di kaya'y may kumuha.
Alalang-alala si dad, lahat ng pinuntahan namin ay pina suyod nya sa mga tauhan nya, he also ask the security system of the mall if my sister caught on the cameras of the mall. Of course, Layria was his favorite. Funny right? Kambal kami pero hindi balanse ang pagtingin nila sa amin. Kambal kami pero mas nakakalamang si Layria kasya sa akin.
Hanggang sa lumipas ang panahon, ang buwan ay naging taon. Some of the private investigator that my dad hired lost their hope of searching for my sister. Pinaimbistigahan nya rin ang mga kalaban nya sa negosyo ngunit bigo ito. He also offer one hundred thousand to someone who can see and report where my sister is.
Napabuntong hininga ako habang inaalala ang nangyari noon. Kung siguro binantayan ko sya, hindi ba sya mawawala? Sabi ni mommy ay two minutes daw ang pagitan namin ni Layria ng ipanganak kami, nauna daw ako dito ng dalawang minuto.
Sometimes, I ask myself if... if dad would do that too kung ako ang nawala? Would he ever worried that much if I lost in just a snapped of fingers? Would he ever spend that much of money just to find me?
Nah! I think that wouldn't happened in any way.
Hindi ko naman masasabing miserable ang buhay ko dahil natutugunan naman ang mga kailangan ko, ang mga gusto ko, pero hindi lahat ng gusto ay makukuha mo. There's something that you can not get in that fast.
"Huy!" Bumalik ako sa reyalidad ng may kumalabit sa akin. Si Avi.
"Ha?"
"Tulala ka, anyare sayo?" Tanong nito. Nandito pa pala kami sa canopy at nagre-review for this coming examination. Malayo pa man pero sabi ni Avi ay gusto nya raw ma-perfect ang exam. Isang linggo na ang nakakaraan simula nung marinig ko ang usapan ni kuya at daddy.
"W-wala... May iniisip lang ako." Mahinang sagot ko at binalik ang aking tingin sa notebook na hawak ko.
"Ano? O, sino? Si Laurence ba? Yieee... Ikaw ha!" Tukso nito kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Gusto mong mag-review mag-isa dito sa canopy?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"Sus! Kunwari ka pa eh halata ka na. Crush mo si Laurence diba? Diba? Diba?!" Pangungulit nito at nilapit pa talaga ang kanyang muka sa akin.
"Hindi nga! Ang kulit!" Inis kong singhal sa kanya.
"Imposibleng hindi, Pan. Namumula ka kapag si Laurence ang topic natin." Singit ng kung sino. Si Zia. Ito ang dahilan kung bakit iniisip nila na may gusto ako kay Laurence kahit wala naman talaga.
"Truelala!" Napatingin ako kay Prince ng gatungan pa nito. Langyang baklang to! Bakla ba talaga?
Wala pakundangan akong tumayo at iniwan silang nagtatawanan.
Hindi katanggap tanggap!
Nakabusangot ako hanggang sa makarating ako sa classroom. Lunch break ngayon kaya wala masyadong tao sa room.
Tuloy tuloy akong pumasok sa classroom pagkabukas ko ng pinto noon.
"Ay palaka!" Gulat kong sigaw nang makasalubong ko si sir Ramirez na palabas din ng room.

YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...