EARLY in the morning, Avi called me. Hindi daw sya makakapasok dahil nilalagnat daw sya. Nakatingin lang ako sa mga kaklase kong palakad lakad sa loob ng room habang nakaupo ako sa upuan ko. I am doing nothing. Nang umuwi ako kagabi ay wala nga si mommy at daddy kaya kaming dalawa lang ni Ciajane ang magkasama ngayon sa bahay.
Napangat ako ng tingin dahil sa nag-ingay ang iba sa kanila at sinundan ko kung saan sila naka tingin at dinala ang mata ko non sa pinto. I saw Laurence. I caught him staring at me but when he saw me looking at him, he immediately look away and then walk fast to his chair.
Malamang na nahimasmasan na ito dahil sa ginawa nya kahapon.
I sigh.
"Pan, may practice tayo mamaya ah, for role playing." Umangat ang tingin ko kay Willton dahil sa kanyang sinabi. Oo nga pala, may role play pala kaming ipe-present sa Filipino subject. Tumaas baba ang kilay nito habang naka ngiti nang magtama ang mga tingin namin. I slightly nod.
"Kailan ba yon ipe-present?" Tanong ko. Sya kasi ang leader ng grupo namin.
"Hmm... Next week na yata yon, before the Valentine's day? Para daw di na tayo mag-practice sa Heart's day at mag-enjoy nalang sa event." Nakangiting sambit nito. Tumango ulit ako.
"Sige."
Nagpaalam itong aalis na dahil sasabihan nya pa daw ang iba naming ka-groupmates.
Minutes later, sir Ramirez came and immediately started our discussion dahil late na syang dumating.
Mabilis din namang natapos yung lesson and we spent our remaining time for talking about who wants to join the event this coming Valentine's day. May singing, dancing, spoken poetry, and other contests daw na mangyayari. And also, hindi mawawala ang mga booths with a damn twist! You can have any of those booths with anyone you want! Iyon ang sabi ni sir, kahit daw silang mga teacher ay kasali. So, hihi... Pwede kitang pakasalan sir!
Sir, said optional daw ang pagsali. I just don't know if he will join, goodness! Sumali ka sir para maikasal ka sakin!
***"HOY!" Lumingon kami dahil sa sumigaw. Naglalakad kami papuntang cafeteria dahil lunch break na pero dahil sa sumigaw ay tumigil kami. I saw Candy and her alipores.
"What?"
"Don't." Napataas ako ng kilay.
"Anong don't ang pinagsasabi mo?" Masungit na tanong ni Zia. Kung masungit si Candy, mas masungit si Zia.
"Basta! Kahit isa sa inyo! Wag nyong balakin na ipalista si Laurence sa kahit na anong booths kasama ang babaeng yan!" Sambit nito habang matalim na nakatingin sa akin. Awang ang aking labi habang nakaturo sa aking sarili.
"Pinagsasabi mo?" Natatawang sambit ni Miles.
"Eh, bi-nusted na nga ni Pan si Laurence, iyong iyo na sya beh! Saksak mo sa bituka mo!" Sunod naman ni Zia.
"Tama na, hayaan nyo na sya." Saway ko sa mga to.
"Ikaw babae!" Duro sa akin nito mula sa kanyang pwesto.
"Bakit na naman?" Kaunti na lang talaga mauubos na pasensya ko sa isang to, sobrang tinis na nga ng boses nakakairita pa. Sigaw ng sigaw, pumiyok ka sana.
"Wag mong agawin sakin si Laurence! Laurence is me!" Sigaw nito at proud namang nag-chin up yung dalawa nyang alipores. I bit my lips to stop myself from laughing.
YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...