Subject;2

11 0 0
                                    

"MOM! Ayoko na pong lumipat!" I hissed.

Gusto na naman kasi ni mommy na ilipat ako sa ibang school. Dahil lilipat na naman kami dahil sa business nya na naman. Ugh! Ang worst nito! Bakit ba ako ganito eh hindi naman na ito bago sa akin. Since grade-5 ganito na ang year cycle namin hanggang ngayon na magfo-fourth year na ako. Kaya ngayong bakasyon ay lilipat na naman kami at nagiisip na naman si mommy kung saang school ba ako ililipat. Taon taon nalang. Kada bago ng taon, bagong bahay din. Hay... Kailan ba to matatapos?

"PAN! Ano ba?! Will you just follow what I've said? Pack all your things and we're leaving tomorrow!" Mom final said. Napabusangot ako. Naman kasi! Wala akong ibang nagawa kundi ang nagmartsa papunta sa kwarto ko. Psh, lalo na kung si dad ang magu-utos sayo. Isang sagot o angal at makakarinig ka ng walang katapusang sermon. Hyst!

"Aalis na kayo?" My best friend ask me. Nakanguso akong tumango habang nagi-empake. Tinawagan ko ito kanina. Pero tinawanan lang ako ng gaga.

"Bukas daw." Walang buhay kong sagot. I glanced at my cellphone and I saw her laughing.

"Wag mo akong kalimutan ha?" Mas lalong humaba ang nguso ko dahil sa sinabi nya.

"Of course! May utang ka pa kaya sakin kaya hindi kita kakalimutan." Pabiro kong ani.

"Even, if you find another friends. I'm still your best friend huh?" Malumanay nyang saad.

"Rieya naman! Of course, you're my only best friend!" Pasigaw kong sagot dito. Panay ang tawa nito. Hmp! Kung hindi ko lang to best friend eh baka nasabunutan ko na ito dahil sa pagka-irita ko. Bwiset talagang babaeng to! Hmp!

"Ah, basta. You can talk to me, kapag may problema ka ha. Wag magsekreto, ingungudngud ko yang nguso mo sa tae ng aso." Banta nya.

"Yuck! Tae talaga ng aso?! And hey! Para naman di na tayo magkikita sa mga pinagsasabi mo." Inirapan ko ito bago ilagay ang huling gamit ko sa loob ng traveling bag.

"Malay mo naman diba? Baka sa Thailand na kayo lumipat, hahaha!" Napailing ako sa sinabi nito.

"Hay, Ewan ko sayo, Eyah. By the way, saan ka mag-aaral this year?" Tanong ko dito. Ang alam ko kasi ay may balak syang lumipat ng ibang school dahil gusto nya daw layuan mga nanliligaw sa kanya. Habang ako, lilipat ng ibang school dahil sa trabaho ni mom.

"I don't know. Haha, baka wag na akong lumipat. Tiis tiis nalang." Sagot nya sa akin. "Eh, ikaw Pan? Saan kayo lilipat?"

"Sa Cavite daw." Nakangusong sambit ko. Tumawa na naman sya.

"Lapit lang pala eh! Pwede tayong magkita kapag weekend." Sabi nya. True, malapit lang nga lilipatan namin pero mas gusto ko pa rin yung nakikita ko si Rieya eh. Wala kasi akong ibang naging ka-close sa school na pinapasukan namin noon maliban sa kanya.

"Psh, sige na nga. Matulog ka na." Sambit ko.

"Owkie, sabi mo eh. Bye, Pan. Love you and good night." Ngumiti ako sa harap ng camera.

"Yeah, good night din. Love you too." I said bago maputol ang linya. Inayos ko ang pagkaka-hilera ng mga traveling bag sa gilid ng kwarto ko. Naligo lang ako bago humiga sa kama upang matulog.




Kinabukasan.




Alas singko palang ay gising na ako dahil sa ingay sa baba, kaya wala akong nagawa kundi ang humilamos at bumaba ng living room. Bwiset naman! Sino ba kasi yan? Ke-aga aga, may bwisita! At akala ko ba aalis kami ngayon eh bat may bisita si-.

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now