HE TAKES ONE HOUR preparing our snack. At sa loob ng isang oras na iyon ay wala itong ibang ginawa kundi ang landiin ako sa chat habang ako ay pulang-pula dahil sa mga pinagsasabi nito. Ewan ko ba, since we kissed—I mean since he kissed me on the lips he became flirty.
A kiss can change someone's attitude huh...
"Eherm! Kain din minsan, wag puro cellphone." Sir Gomez broke our silence. Napaangat ako ng tingin dito. Nakatingin ito sa akin at pagkatapos ay bumaling kay sir Ramirez na hawak din ang cellphone. Si Ylton naman at Armiel ay abala sa pagkain.
Hanggang ngayon kasi ay panay ang chat sa akin ni sir Ramirez. Dinampot ko ang tinidor at humiwa sa pancake sa platito ko para kainin.
"Nandon si Candy no?" Suddenly, Armiel brought a topic.
"Yeah, nakakapagtaka nga eh. Why she's there? I mean, diba nasa lower sya ng top?" Sagot naman ni Ylton habang ngumunguya.
"Oo nga. Siguro nakasama sya dahil isa sa mga shareholders ang daddy at mommy nya. Makapangyarihan, ganon—shit?!" Biglang napamura si Armiel ng dumapo ang tingin nya sa akin. "Pan?!" Malakas na tawag nito sa akin. Dahilan para napabaling sa akin ang mga tingin nila. Pati si sir Ramirez ay napatingin din ngunit nakakunot ang noo nya.
"B-bakit?"
"Diba... oh god! Ikaw! Ikaw yon!" Bulalas ni Armiel habang nakaturo sa akin.
"Ano ba yon, Miel—pu—ting kabayo!" Daing ni Ylton ng hawakan sya ni Armiel sa kwelyo at niyugyog.
"Hey! Students! Stop it!" Saway ni sir Gomez. Mabuti na lang at nagpa-awat si Armiel.
"Remember her?!" Nanlalaki ang matang tanong ni Armiel kay Ylton. "It's her! Sya, yung pinagtulungan ng grupo ni Candy no'ng isang araw!"
"Oo nga. Teka, sinampal ka nya diba? Nakita ko yon..." Ani Ylton. Hindi nakawala sa akin ang mabilis na pagbaling ni sir Ramirez sa akin ng magkasalubong kilay.
"Come again?" He ask. His voice were plain and cold, emotionless. Pati si sir Gomez ay napatingin din sa amin.
"Si Pan po, sir. Pinagkaisahan po sya nina Candy tapos sinampal pa sya." Si Ylton ang malakas ang loob na sumagot.
"Are you sure about that, mister Fernando?" Seryosong tanong ni sir Gomez.
"Yes sir. Nakita ko po mismo. I and Armiel. We saw it clearly, the way she grabbed Pan's jaw and slap her." He added. "Hindi po kami makalapit dahil she threaten us that she can drop out us dahil anak sya ng isa sa mga shareholders ng school. She have the rights while we're just a peasant."
"How come? I was thought she's harmless. Tahimik iyon sa klase eh." Sir Gomez utter and look at me. "Nag-report ka na ba sa dean? Wala bang teacher don? That's bullying—no. If she slap you, that will count as harassment."
"I-it's not that big deal sir—." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng malakas na tumunog ang platito dahil sa marahas na paglapag ng tinidor. Si sir Ramirez ang may gawa non.
Mabigat ang paghinga nito habang masama ang tingin sa kung saan. He was furious.
"Miss Pan." Damagungdong ang kaba sa akin ng tawagin ako nito. Sobrang lalim ng boses nyang walang buhay. "Follow me." Napalunok ako ng sariling laway sa utos nito. Tumayo ito at diretsong naglakad paalis.
I look at sir Gomez. When our eyes met, he smiled at me. Ang dalawa naman ay nagsisikuhan.
"Go, he's just concerned. Who wouldn't be? Even me, nagalala din ako dahil sa sinabi ni mister Fernando na ginawa ni Candy." Nakangiting sambit nito. Kahit nagdadalawang isip ay tumayo pa rin ako at sinundan si sir Ramirez.

YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...