Subject;3

16 0 0
                                    

ONE WEEK. One week na simula nung lumipat kami rito. Pagkagising ko ay maliligo, kakain at matutulog. Iyon ang naging routine ko.

Kaagad akong bumangon sa higaan nung marinig kong tumunog ang alarm ko. Actually kanina pang alas tres ako gising. Bigla nalang akong nagising kanina at nang sinubukan kong matulog ulit ay ayaw na akong dalawin ng antok ko kaya tumulala na lamang ako sa kisame ng kwarto ko.

Dumiretso ako sa banyo upang maligo. Goodness! Ito na ang magiging routine ko na naman sa loob ng isang taon. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang uniform ng school na papasukan ko. Napangiti ako ng makitang bumagay sa hubog ng katawan ko ang uniform na pinagawa nila. Plain white blouse ito na may tig isang stripes na kulay blue sa tigkabilang manggas sa bandang dulo. Samantalang color plain din na blue ang skirt na may dalawang stripes na color white sa laylayan. May ribbon rin ito na kulay asul at ang mabahang medyas.

(A/N: here's the uniform of the character. Actually gusto ko sanang necktie kasi feel ko mas hot iyon char.)

Nang makuntento sa pagtingin sa sarili sa salamin ay agad akong bumaba habang dala dala ang aking bag. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko naman agad sina mommy na nandoon.

"Eat up, Angylah. Ako muna ang maghahatid sayo sa school mo dahil wala pa ang driver na maghahatid saiyo." Saad ni dad. Tumango ako bago umupo at nagsimulang kumain.

Nag-uusap si mommy at tsaka si dad sa kung ano man, hind ko alam kung anong topic nila. About Business yata.

Pagkatapos kumain ay hinatid nga ako ni dad sa school.

"Wait to your driver here after the dismissal. Clear?" Tumango ako sa sinabi ni dad at humalik sa pisngi nya bago nagpaalam na papasok ng school. Mag-isa akong naglalakad habang hinahanap ang room na papasukan ko. Sabi sakin ni mommy ay section C-1 daw ang section kung saan ako kabilang. Kakaibang section naman yon. Nakakahiya ngang maglakad dito mag-isa eh.

"First day of classes, nakabusangot ka." Napapitlag ako dahil biglang may nagsalita sa gilid ko. Nang lingunin ko ito ay nakatingin ito sa nilalakaran nya. May matamis din na ngiti na nakaguhit sa labi nito. Nagtaka ako dahil wala naman kaming ibang kasama at kaming dalawa lang ang narito. Don't tell me... May nakikita sya na hindi ko nakikita?!

"Ahm... Ako ba kausap mo?" Tanong ko habang nakaturo ang daliri ko sa sarili ko. Ayokong maging assuming eh.

"Obvious ba, girl?" Sarkastikong balik nya ng tanong sa akin kaya napakamot ako sa aking batok. Kaugali din nya si Rieya. "By the way pathway, hi! I'm Avriell Xiriah Lopez, the most stunning in the whole wide world." My lips parted because of what she said. Ah... Mayabang.

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now