"PAN..."
Tila tinambol ang puso ko ng tawagin ako nito. Mababa lang ang ang boses nito. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya, ganon din naman sya sa akin. Awang ang labi at nakatitig sa akin. Parang walang pakialam sa mga taong nasa paligid namin. Pero isa lang ang naguguluhan ako.
Bakit sya nandito?! At bakit... naka-janitor uniform sya?! Anong nangyari?
"Ay wow, si Ramirez. First name basis." Ani ng isa. Hindi ba nila ito kilala? Bukod sa pagiging guro, business man din sya. Alam ko yon, noong tatlo o apat na buwan pa lang ang pagbubuntis ko sa kambal ay panay ang basa ko sa mga magazines at kung ano ano pa tungkol sa kanya. Pero dahil sa nangyaring pagka-laglag ng isa sa kambal, tinigil ko iyon at tinuon ang buo kong antensyon sa pagbubuntis ko.
Narinig kong tumikhim si Rico.
"Listen, Alam nyo naman na kung sino ang nasa harapan nyo, diba? Ms. Pan Angylah Gaye Villiase, herself. She is the daughter of Mr. Luis Villiase and Mrs. Lucy Phan Villiase. She will be managing this company. I hope you can give her the respect you gave to her father. Are we alright?" Nagsitanguan ang mga ito. I force a smile to them. Kung kanina ay kaya kong ngumiti ng kusa, ngayon hindi na.
"Pan." Lahat kami ay napabaling sa taong tumawag sa akin. Nawala ang antensyon ko kay Xiever at tumingin kay Laurence. Seryoso ang aura nito habang naglalakad palapit sa gawi namin.
"Hala. Diba si Laurence Cabello yan? Yung sikat na engineer! Jowa ni ma'am Pan? Ang swerte!" Rinig kong sabi nila.
"Hi... Love." He said as he reached us. Bahagya pa itong tumingin sa bandang likod ko na alam ko kung sino ang tiningnan nya. He pulled me from my waist and kissed my cheek.
"Pwede ko bang mahiram na ang girlfriend ko?" Nakangiting tanong nito.
"Miss mo, sir?" Tanong ng isa. Laurence licked his lower lip while staring at me. Then he smile or should I say, he smirked.
"Oo, eh." Tumawa sila pero ang isa ay tila hindi natuwa. Ramdam ko ang sama ng tingin nito. Ayokong tignan. Pagsisisihan ko. "Come on, miss ka na daw din ni baby Xandhier." Hindi ko alam pero parang nilakasan nya ng kaunti ang boses nya. I look at Rico as if I am asking for permission. Tumango ito.
"Enjoy ma'am!"
Palabas pa Lang kami ng main door ng building ng bigla kaming sinalubong ni Lixian. Nakita ko ang kotse ni Lyria, she waved at me then drive away.
"Mommy!" Nakangiting saad nito. Agad syang binuhat ni Laurence sa isang braso habang ang isa ay pumulupot sa aking bewang.
"How's your day, big boy?" Laurence ask. Bago kami tuluyang makalabas ay lumingon pa ako sa pwesto nila Rico. Nakatingin silang lahat sa amin. Tila tuwang-tuwa sa pinapanood. Sinilip ko si Xiever na ngayon ay madilim ang mga matang nakatingin sa likod ko? His eyes were dark but I can see... Pain?
***
"TAHIMIK MO, AH?" Puna ni Laurence. Tiningnan ko ang anak ko na ganado na kumain. Dumaan kami sa isang restaurant dahil nagpipilit si Lixian. Bumaling din ako kay Laurence na nakatingin din pala sa akin. Pinagkaiba lang, para itong nanalo sa lotto ang isang to kung makangiti. Wagas."Hindi mo na sana yon ginawa." Nakangusong saad ko. Naalala ko na naman ang talim ng tingin ni Xiever sa kanya na parang papatay na.
Tumingin ito sa akin at mas lalong lumawak ang kanyang ngisi. Sumandal ito sa kanyang upuan at tiningnan si Lixian.
"Pano lalakas ang apoy kung hindi gagatungan?" Makahulugan nitong sabi. Napailing ako. "Nakita mo ba yung tingin nya sayo kanina? Halatang miss na miss ka na. Tapos pa nung lumapit na ako sayo. Biglang sumama!" Natatawang sabi nito. Bahagya akong dumukwang at binatukan ito.
YOU ARE READING
Subject; LOVE
عاطفيةSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...