Subject;34

3 0 0
                                    

LUNES NG umaga ay dumating si daddy galing Spain. Maikling pagu-usap lang ang ginawa namin dahil papasok na kaming school. Sinigurado kong dala ko ang cellphone ni sir para maibalik ko na sa kanya.

Buong first period ay walang teacher na pumasok hanggang sa mag-recess. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na may pupuntahan. I'm walking in the hallway when I bumped into someone.

"Aw!" Daing nito kahit ako yung natumba. "Ano ba yan! Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!" Asik nito sa akin. Bumuntong hininga ako bago tumayo.

"Candy, tumitingin ako sa dinadaanan ko, how about you?" I ask.

"Paepal ka kasi! Kapag nakita mo akong makakasalubong mo, tumabi ka! Dapat sakin ang daanan!" Gagad nya.

"This way are not yours, Candy. Wag kang mag-feeling queen bee rito, I'm glad na walang queen bee here." Sambit ko at nilampasan ito. Damn! Akala ko wala na sya dito!

Nang makarating sa opisina ni sir Ramirez ay agad akong kumatok ng tatlong beses.

"Come in."

Biglang kumabog ng malakas ang aking puso ko ng marinig ang boses na iyon.

Fucking calm down heart!

Huminga ako ng malalim bago pihitin ang siradura ng pinto pabukas. Nang makapasok ay nakita ko ito sa kanyang office table. Umangat ang ulo nito at nagtama ang aming mga tingin. Napalunok ako ng sariling laway. Abot abot ang kabang nararamdaman ko kahit hindi naman dapat.

"Ahm... Cellphone mo." Ani ko sabay lapag ng cellphone nya sa table nya. Pagkuwan ay walang pasabi akong umalis ng silid.

Habang naglalakad sa hallway ay napahimas ako sa aking dibdib.

Shit! Grabe naman! Napaka-traydor mong puso ka! Mag-move on ka na nga kahit hindi naging kayo!
  
 

  
   
  
  
  
***
    

  
   
   
   
  
NANG MAG-LUNCH break ay pumunta muna ako sa locker room para ilagay doon ang iba kong libro. Nang mailagay ang lahat ng dala ko ay agad din akong lumabas ng silid. Nakayuko akong naglalakad sa hallway nang bigla na lang maumpog ang noo ko sa mabangong pader. Isang pares ng itim na sapatos ang nakita ko sa sahig kaya dahan-dahan kong inangat ang aking ulo upang makita kung sino ang nakabunggo ko.

Napaawang ang aking labi dahil sa pagkabigla ng makita kung sino ito.

Sir Ramirez!

Tila tumalon ang aking puso sa pagkabigla dahil sa nasilayan. Bigla ring bumilis ang pagtibok noon at nanlamig ang aking mga kamay at nanginig ang aking mga tuhod habang sinasalubong ang kaniyang kakaibang mata. Pantay ang kanyang kilay at walang reaksiyon ang kanyang mga mata. Isang linya rin ang labi nito.

Lumakad ako paatras at nakayukong aalis na sana ng tawagin nya ako.

Miss Villiase..." Tawag nito sa akin.

"S-sir? Y-yes po?" Kahit kabado ay ngumiti pa rin ako sa harapan nya. He slid his hand inside his pocket and walk towards to my direction. Napapalunok naman akong nanatili sa aking pwesto.

"Can we talk—?"

"Panny!" Sabay kaming lumingon sa pinagmulan non. Nakita ko naman si Kersone. I feel thanks for Kersone dahil dumating ito!

"Kersone!" Ngumiti ako at kumaway dito. Lumapit naman sa gawi namin ang lalaki. Agad itong yumuko upang batiin ang guro na panay ang tikhim.

"Tara na?"

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now