Subject;7

6 0 0
                                    

"GOOD MORNING!" Bungad sa akin ni Avriell pagkapasok ko ng room. Nakataas pa ang dalawa nyang braso sa ere. Psh! Sabi na eh.

"Good morning guys!" Sigaw ng isa. Paglingon ko ay si Zia iyon. Mukang bagong dating din sya dahil may bag pa itong dala, may dala ring pagkain.

"Pahingi ako, Zia!" Sigaw ng isa naming kaklase ng makita sya nito kaya dali dali nyang kinain yung hawak nya.

"Ng ano?" Patay malisyang tanong ni Zia dito.

"Ang takaw mo! Hindi ka man lang mamigay!" Nakangusong sambit ng kaklase namin.

"Bumili ka din kasi!"

"Manahimik nga kayo! Nagre-review yung tao dito oh!"

"Tao ka pala?"

"Malamang-!"

"Kala ko kase bato."

Napailing na lang ako at dumiretso sa upuan ko at kinuha ang notebook ko sa loob ng bag. Magre-review na lang din ako dahil may long quiz kami ngayon sa A.P, Science, English and Filipino. Kesa pagtuunan ng pansin ang dalawa kong baliw na kaibigan.

"Wow! Good student tayo ah!" Umangat ang tingin ko sa nagsalita. Si Miles, nakangiti ito kaya ngumiti din ako. "Good morning, Pan!" Nakangising bati nya kaya napairap ako. Kala ko pa naman yung dalawa lang, hay.

"Good morning!"

"Good morning, pres!"

"Good morning di-!"

"Pwede ba?! Tumigil kayo sa kaka-good morning nyo!" Pikon kong sigaw. Nakakainis na! Hmp! Narinig kong tumawa yung tatlo. Ang iba ko namang kaklase ay nagtataka sa inasta ko.

"Luh?! Galit Muse natin! Hala kayo!"

"Beast mode muse nyo! Wala yatang naggu-good morning sa kanya." Nakangising sambit ng isa.

"Escort! I-good morning mo din kasi yung muse natin!" Sigaw ng isa habang nakatingin kay Laurence na escort ng classroom tapos ako yung muse. Darn! Hindi ko pinangarap maging muse!

"Ayieee..." Tukso nilang lahat at bigla akong nahiya. Namula yata pisngi ko. Fuck!

"Hala! Namumula si muse!" Gatong pa ni Avriell. Shit talaga!

"Hindi kaya!" Agad kong tanggi sabay takip ng aking pisngi.

"Asus!"

"Ehem! Tupa, tupa!"

"Basta ninang ako!"

"Ano na, escort?! Ang bagal naman, sige ka maunahan ka ng iba!" Isa pa tong president na'to. Masasakal ko tong lalaking to!

"Good morning, Muse." Bati ni Laurence sa akin dahilan para umingay lalo ang classroom namin. Napaiwas ako ng tingin dahil sa pagka-ilang.

"Baka Laurence yan!"

"Nice one, Rence!"

"Ayieee... Ship na yan!"

"Gaga! No need, muse and escort na natin yan!"

"T-tumigil na nga kayo!" Awat ko sa kanila dahil hiyang hiya na ako sa ginawa nila.

"Laurence pala ha..." Bulong bigla ni Zia sa akin. Nakangisi ito. No! Hindi ko sya crush! Si sir Ramirez lang ang crush ko!

Biglang tumahimik ang lahat ng may tumikhim sa may pintuan. Si sir! Shit! Mabilis akong bumalik sa upuan ko. Syempre! Good student ako pagdating kay sir.

"Good morning sir!" Bati nilang lahat.

"What is this all about?! Did you all know that you're too loud?! Nasa hagdan palang ako papuntang third floor rinig na rinig ko na ang boses nyo. Officers, I told you, take in-charge when there is no teacher here." Natahimik ang lahat. Galit si sir. Gagi! Sabi na kasi eh!

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now