TIME flies so fast. Akalain mo yon? Almost five months na simula noong nakilala ko sila. And I'm afraid to lose them, sila kasi yung umaalis sa bigat ng pakiramdam ko.
Hindi ko pa nakakausap si Rieya simula noon kaya naisipan kong tawagan ito para magkita kami, tutal holiday naman ngayon. I dialed her number.
It takes three rings before she answered my call.
"Hey, prennie!" Bungad agad nito sa akin.
"Kamusta, Eyah?"
"Hmp! I'm fine. Namimiss ka, yiee..." Natawa ako dahil sa kabaliwan nito.
"Ahah! Hmm... Holiday ngayon, Rieya. Gusto mo mag-kita tayo?" Saad ko.
"Yikes! Talaga ba, Pan?" She exclaimed.
"Oo nga. Kinuwento din kasi kita sa mga naging kaibigan ko sa school." Kwento ko sa kanya.
"Whoa?! Sige sige! Anong oras ba? Saan tayo magkikita? Isama mo sya or sila ha!" Sunod sunod nitong usal kaya natawa ako. She really didn't change.
"I'll text you the place nalang and what time. Baka mauna ka na naman ha!" Nakangising sambit ko. Naalala ko last year nung inaya ko syang mamasyal sa isang park, hindi ako nagbigay ng oras dahil masyadong mainit kapag umaga kaya hapon dapat kaso ang loka loka ay alas singko palang daw ay nandon na sya.
"Di ah! Grabe ka naman sakin, Pan! Kalimutan mo na nga yon!" Natawa ako ng ma-imagine na nakanguso ito ngayon.
"Pfftt... Sige na nga. Tatawagan ko pa sila. Bye, Eyah. Love you and see you!"
"Okay okay, hihi. Love you too din mwuah!" Napailing nalang ako bago ko ibaba ang tawag upang matawagan din sina Avriell.
"Oy! Anong aten, mareng Pan?" Bungad ni Avriell.
"Hm... Kikitain ko yung kaibigan ko, Avi."
"Oh? Yung nakukwento mo ba?" Tanong nya.
"Yup."
"Oh, edi maganda! Hala! Sige maghanda ka-."
"Isasama ko kayo baliw." Putol ko dito. Gagi! Hindi pala na-gets yung sinabi ko. Ano bang sinabi ko?
"Luh? Hindi nga?" Hindi makapaniwalang anas nito. Tumawa naman ako.
"Sige na, sasabihan mo nalang sila ah. Maliligo lang ako." Sambit ko sabay baba ng linya. Tinext ko din ito para hindi nya makalimutan at baka hindi makarating.
Naligo lang ako at nag-ayos sa sarili. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin sa harapan ko. I wear a simple plain black dress with a brand tag on the left side of my chest. Hanggang itaas ng tuhod ko ang haba ng laylayan niyon. May kwelyo at manggas kaya tinernohan ko na lamang iyon ng white shoes. I just put some blush on and lip tint on my face. Hindi naman kasi ako masyadong maayos sa sarili. Nilagyan ko lang din ng maliit na clip ang aking buhok upang hindi gaanong hanginin.
When I'm satisfied looking at myself in the mirror I pick my phone and sling bag. Sinukbit ko lang iyon sa aking balikat bago lumabas ng kwarto.
Nakasalubong ko si mommy sa living room.
"Oh, where are you going, Anak?" She ask while smiling.
"Ah... Magkikita lang po kami ni Rieya, mom." I answered.
"Ahh... That's good to hear, hija. Do you have money? Come on, take my card-."
"Mom, mom... I'm still have enough money, okay?" Awat ko dito.
"Okay. But... Magco-commute ka ba? Ipahatid nalang kita kay mang Nando."
"I was thinking about that mom." Natatawang ani ko. She smiled at me and then cupped my face. Pinupog ako bigla ng halik ni mommy. "M-mom! Stop it po!" Saway ko sa kanya at mabuti nalang ay tumigil din ito.

YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...