Subject;4

8 0 0
                                    

"PAN!" Boses ni Miles ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng room. Pero si Avriell ang sumalubong sa akin dahil hinawakan ni Prince ang kwelyo ni Miles.

"Ano ba! Bitawan mo nga si Miley." Saway ni Zia kay Prince.

"Prince, bitawan mo si Miles." Seryosong sabi ko. Sumunod naman agad si Prince sa sinabi ko.

"Huhu! Pan! Away ako ni Prince!" Parang batang sumbong sa akin ni Miles.

"Oh, come on, Piggey. Pinagsasabihan lang kita dahil muntik ka nang madapa kanina, tss." Dipensa agad ni Prince. Napailing nalang ako. Bahala silang mag-ex mag-away, idadamay pa ako. Dumiretso ako sa upuan ko at agad namang tumabi sa akin si Avriell, Zia, at si Miles.

"Alam mo kung ano ipe-pre test natin?"

"Nag-review ka ba, Pan?"

"Pakopya ako. Hihi."

Iyon agad ang tanong nila sa akin pagkaupo nila. Nang marinig iyon ng buong klase ay nagka-gulo silang lahat.

"Hala! Oo nga pala!"

"Gagi, nakalimutan kong mag-review!"

"Shit! Dapat pala nag-advance reading nalang ako!"

"Puro ka kasi selpon!"

"Huhu! Ano ba kasing topic pag-grade 10?"

"Hoy! Pakopyahin nyo nalang ako! Haha!"

"Gago ka, Zhai!"

"Mga pare! Tahimik! Nakita ko si sir, papunta na dito!"

Agad na nanahimik ang buong section namin dahil sa sigaw ng isa naming kaklase. Napabuntong hininga ako.

"Uy, Pan. Nag-review ka ba?" Nakangusong tanong ni Miles. Umiling ako.

"Natulog agad ako pagkatapos kong mag-dinner kagabi." Sagot ko. Totoo naman yon, pagkatapos kong lumamon kagabi ay natulog agad ako. I don't like reviews. Tsk!

"Good morning, class." Mas lalong tumahimik ang buong classroom ng marinig ang malamig at walang buhay na boses ni sir Ramirez, lalo na nang tumuyan na itong nakapasok sa loob.

"GOOD MORNING, SIR RAMIREZ." Bati ng lahat sa kanya.

"Okay. Are you all ready?" Nakangiting tanong nito sa amin. Nang walang sumagot ay mahina itong tumawa. Peke. "Oh, come on, class. It's just thirty items pre-test. Kaya nyo yan." Saad nito at nilapag ang dalang mga papel sa mesa na nasa harapan.

"Who wants to lead the prayer?" Tanong nito. May isang tumaas ng kamay kaya agad kaming nakapag-pray. Pagkatapos ay nag-discuss lang si sir kung paano ang pre-test na gagawin namin.

"Okay, get one and pass." He said then starts to distribute the papers from the student who sits in front. Isa ako sa mga students na nasa last row nakaupo. Nang iabot sa akin ay madami pa iyon kaya kumuha lang ako ng isa at tumayo upang ibalik kay sir ang iba.

"Ah... Villiase, pasuyo din." Matamis ang ngiting saad ng isa nang makita akong tumayo. Tumango ako at kinuha iyon.

"Ito pa, Villiase." Sabi pa ng isa sabay abot. Napabuntong hininga ako bago abutin ang papel.

"Ah, sak-."

"Iabot nyo nalang kaya sa kanya lahat." Sarkastiko at walang buhay na sambit bigla ni Zia dahilan para hindi matapos ng isa ang kayang sasabihin.

"Ah, hindi ako nalang pala-."

"Akin na." Tamad kong putol dito sabay kuha ng hawak nya, ganon din sa iba pa na may sobra. Nang makuha lahat ay pumunta ako sa unahan dahil nandoon si sir Ramirez. Busy ito sa cellphone kaya nilapag ko nalang sa ibabaw ng table at bumalik sa upuan ko para sumagot.

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now