Subject;38

2 0 0
                                    

NAPASANDAL AKO sa upuan na inuupuan ko ngayon. Kakatapos ko lang sagutan ang pangalawang test paper. I massage my temple while my eyes were close.

Fuck! Parang gusto ko nalang bumalik sa grade 10!

21st Century Literature From The Philippines and The World ang exam ngayon oras. Kaya halos maduling na ako sa pagbasa para maalala kung sino ang taong ito at iyon. Damn! I hate histories! Bakit pa ba kasi babalikan yung nakaraan na? Can't they moved on?

Yeah, said that to yourself who can't even forget that man.

Aish! Iba naman kasi yon! Of course! Sya na kaya yon hello!

Rupok.

Pagmulat ko ay nagtama ang tingin naming dalawa ni Ciajane. Nakatingin pala ito sa akin. She pout at me and mouthed.

"Number thirty-nine?"

Natatawang napailing ako. Ang sabi nya kahapon bago kami pumasok ay hinding-hindi daw sya magtatanong ng sagot kahit kanino, kahit sa akin.

I stuck out my tongue on her and smile to pissed her off. Sumimangot naman ito at pasimpleng inangat ang kanyang kamay na nakasara, pagkuwan ay tinaas nito ang gitnang daliri na ikinatawa ko lang.

AFTER MINUTES, tapos na ang lahat na sumagot. Agad na lumapit sa akin si Ciajane na nakanguso. Inakbayan ko ito at sabay kaming lumabas ng room.

"Ano nga palang pinag-uusapan nyo kahapon?" Tanong ko dito habang naglalakad kami sa hallway. Hindi ko ito natanong kahapon dahil nakatulog ako. Alam ko ring hindi yon tungkol sa exam ang pinag-usapan nila. Hell! I know Avi!

"Yun ba? Wala naman. Kung kilala ko daw ba yung sinasabi ni Willton na manliligaw mo." Sagot nito sabay bungisngis.

"Ano namang sinabi mo?" Taas kilay kong tanong.

"Wala, sabi ko hindi ko kako kilala kung sino yon pero may sinabi kang pangalan na tila pinanggalingan non na si Mr. R." Napanganga akong lumayo rito habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"Sinabi mo pati yon?!" Gulat kong tanong. Kaya pala paggising ko kanina ay puro mentioned ang pangalan ko sa group chat namin!

"Oo?"

"Piste ka!" Sigaw ko at akmang hahabulin ito ng may pumugil sa braso ko. Nanlilisik ang matang nilingon ko ito dahil panira sya sa paghabol ko kay Ciajane, at ganon nalang ang gulat na bumalatay sa muka ko ng makita kung sino ito.

"Tss, nakita mong basa ang sahig, tatakbo ka? Madulas ang sahig, naka-heels ka pa naman. Careful everytime. And stop cursing, hindi bagay sayong magmura." Walang emosyon sabi sa akin ni si Ramirez at sabay talikod at lakad paalis. Ako naman ay naiwang tulala dahil doon.

Oh, shocks! Mabuti na lang at wala pang mga estudyante ang pakalat-kalat dito ngayon!

"Shems! Sana all!" Tatawa-tawang ani Ciajane. "Stop cursing daw oh, kasi di daw bagay!"

"Manahimik ka, Ci. Masasakal kita. Nanggigigil ako sayo." Sambit ko at nagpaunang maglakad. Iniwan ko itong tatawa-tawa. Baliw yata yon.

Nakarating akong cafeteria na masama ang muka. Kahit sa pag-order ko ay nakasimangot ako.

"Ang sama ng muka mo, hija. Ngumiti ka, baka makakuha ka ng mababang score riyan eh." Nakangiting saad sa akin ng tindera. Si aling Ruby. Kilala ko ito dahil ito palagi ang binibilhan ko dito sa cafeteria. "At tsaka, hindi bagay sayong nakasimangot. Mas maganda ka kung ngingiti ka." Napangiti ako dahil sa sinabi nito.

Go lang po! Pleasure my ears more.

"Talaga po?" Nakangiting tanong ko.

"Oo naman! Tingnan mo't maraming nakatitig sayo kahit sa malayo. Hindi na ako magtataka kung kahit guro ay manligaw sayo." Sagot nito na binuntutan ng biro sa huli.

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now