KUNG gano ka kasaya kapag nasa labas ka o kasama mo kaibigan mo, ganon ka din kalungkot pag-uwi mo.
Kung sa school ay pakiramdam ko ay kabilang ako sa kanila, sa bahay naman ay pakiramdam ko isa lamang akong hangin. I feel unwanted.
Yes, kinakausap ako ni mommy and daddy. They ask something about me, about my acads. And I answer it. Nagkukulitan din kami pero hindi ko dama.
"Ang galing anak!" Tuwang tuwang sambit ni mommy ng makita nito ang results ng exams ko. Tapos na kasi ang second grading examination namin noong nakaraang araw pa. "Manang Mana ka sa daddy mo! Look! You almost perfect all of your exams." She hissed. Tipid na ngiti lang ang sinagot ko kay mommy.
"By the way, when is your Christmas party hmm?" Tanong nya at inabot sa akin ang mga exams ko.
"Uhm... December five daw po." Sagot ko.
"Oh? Next month na yon ah. One week nalang December na." Mom said, I nod my head as my answer.
Wala nga sana akong planong sumama kaso yung tatlo pinilit ako. Talagang pumunta pa sa bahay para daw pumayag si mommy at hindi ako makapalag pa kaya ayon.
Nagpaalam ako kay mommy na aakyat na ako ng kwarto ko upang magpahinga. Nang makarating ako sa kwarto ko ay pabagsak akong nahiga sa aking kama at tumitig sa kisame ng aking kwarto.
Napabuntong hininga na lang ako at pilit na pumikit. Hapon ngayon at dapat ay nasa school pa ako pero wala naman nang maayos na klase kaya umuwi na lang ako. Kakaunti na rin ang pumapasok na kaklase namin dahil malapit nang mag-sem-break. Di nagtagal ay nakatulog rin ako.
***
NAGISING ako ng hapon. Alas singko. Nabungaran ko si kuya na hinahaplos ang aking buhok.
"Kuya?" Tawag ko rito habang bahagyang nakapikit ang aking mata.
"Hmm?" He hummed. Keep on caressing my hair.
"Why are you here?" I ask.
"Why? You don't like it? I am not allowed to visit my little princess, hmm?" Malambing na tanong ni kuya kaya napanguso ako at tuluyang dinilat ang aking mata.
"It's not like that naman po kuya. But..."
"Gusto mong mamasyal? Come on, baby girl, ang tagal na nating hindi na kakapag-bonding." Alok nito. Umiling ako at tuluyang bumangon.
"Wag na kuya. Alam kong busy ka." I show him a bittersweet smile.
"Honey, come on. Ayaw mo na ba kay kuya? I am not busy okay?" Napaiwas ako ng tingin. "Please? Date tayo kapatid ko." Pamimilit ni kuya kaya napairap ako.
"Kuya, busy ka alam ko." Irap kong tugon nito. "Hindi ba may inuutos sayo si daddy?" Tanong ko at biglang sumeryoso ang kanyang muka.
"It's not that important, Pan." Seryosong saad ni kuya. Kuya stop pretending that it's not that important! "Mag-ayos ka na, hihintayin kita sa living room okay?" Anito at humalik sa aking noo bago ako tuluyang iwan sa kwarto ko.
Wala akong nagawa kundi ang mag-ayos ng sarili. Nang makababa ay naabutan ko si kuya na prenteng nakaupo sa sofa at nagce-cellphone. Ngumiti ito sa akin ng lumingon sya sa gawi ko.
YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...