Subject;63

3 0 0
                                        

"AY BRUHA!" Biglang sigaw ni Avi ng makasalubong ko ito sa hall way. "Ano ba yan, Pan! Wag ka ngang manakot dyan! Tapos na Halloween oy! Three months ago pa." Singhap nito habang hinihimas ang dibdib.

Napahawak tuloy ako sa buhok ko habang nakanguso. Bruha na ba ako? But Lix told me I'm beautiful! Hmp! Galit nga pala ako sa lalaking yon.

"Grabe, Pan. Anyare sayo? Muka kang iniwan ng sampong asawa." Tawang sambit ni Zia. Mas lalo akong ngumuso.

"Nakipag-away ka ba? Teka, saan ka pupunta?" Tanong ni Miles. I shook my head.

"I'm doing our research." Sagot ko. Agad na nagbago ang timpla ng muka ni Avi.

"Tangina?! Ikaw lang? Mag-isa? Ginagago mo ba kami ha, Pan?" Galit nitong tanong.

"Hindi naman. Ano lang..." I bit my lower lip. "Inaayos ko lang kasi ano... medyo mali yung gawa nila. Tapos may ibang copy phase pa."

"Edi sa kanila mo ipaayos!" Asik ni Zia. "Katangahan nila tapos sayo ipapaayos?"

"Leader din naman ako but my members are not like that." Ani Miles. I sigh.

"Lika nga dito." Sambit ni Avi sabay akbay sa akin. Hinatak nya ako papunta sa kung saan.

"Where's Ciajane?" Zia ask.

"Busy. Gumagawa din ng part nya sa research." Sagot ko. "Kayo? Bakit kayo nasa labas? Hindi porque walang masyadong pumapasok na teacher ay pwedeng magpa-gala-gala." Sambit ko. I bit my lip. Shet! Nagiging kaugali ko na si Lix. Tumawa si Avi.

"Well, tapos naman na ako sa part ko sa research, eh." Zia utter.

"Me too. tsaka, pupuntahan namin sana kayo ni Ciajane no." Nakarating kami ng cafeteria. Inupo ako ni Avi at walang pasabing pumila. Sumunod si Zia rito.

"Pan." Bumaling ako kay Miles ng tawagin ako nito. Nakalahad ang kamay nitong may hawak na suklay. She smiled at me. Tinanggap ko iyon at hinubad ang pagkakatali ng buhok ko pagkatapos ay sinimulang suklayin.

"Ang hirap maging leader." Reklamo ko. She chuckle.

"Wala tayong magagawa, Pan. By the way, ano ba nangyari, bakit ganon? Ikaw lang ang nag-aayos? Hindi ka nila tinutulungan?" Sunod-sunod na tanong ni Miles. I shook my head.

"I ask for their help but they always say, kaya mo na yan. Ikaw ang leader diba? Dapat kasi pinapaliwanag mo samin ng maayos para hindi kami nagkakamali." I sigh. Bumalik din kaagad ang dalawa na may dalang pagkain.

PAGKATAPOS naming kumain ay bumalik din kami agad sa mga room namin.

"Hala, tingnan nyo. Girlfriend yata ni sir Ramirez yon oh." Biglang bulalas ni Avriell habang nakaturo sa kung saan. Napatingin din tuloy kami nina Zia at Miles.

And there, I saw Lix. He's walking with the new teacher here. Nakunot ang noo ko ng makita ang kamay ng babae ay naka-angkla sa braso ni Lix. Napatingin ako sa muka ni Lix na abot langit ang ngiti.

Magka-usap ang dalawa, halata ang pagka-engganyo sa muka ni Lix. Halos hindi man lang nga nito naramdaman na may nakatingin sa kanya.

"Huh? I thought that's the new teacher?" Miles ask.

"Malay naman natin diba, baka girlfriend nga nya tapos lumipat dito magturo para magkasama sila." Avriell said and shrugged her shoulder.

"They are cute though." Usal ni Zia.

"Bagay naman." Sunod naman ni Miles. Then Avi looked at me with her mischievous grin.

"Selos ka no?" Pang-aasar nito sa akin. I rolled my eyes.

"Why would I? Crush lang naman..." I bit my tongue after saying that. "I have to go. May gagawin pa ako." Paalam ko at hindi na hinantay ang sasabihin nila.

Dire-diretso akong naglakad hanggang sa makarating ako sa room. Bumungad sa akin ang maiingay kong kaklase na nag-aasaran. Pumasok ako at pabagsak akong naupo sa upuan ko at sumubsob sa desk.

Nitong mga nakaraan na araw, magmula ng dumating yung bagong teacher ay palaging nandoon ang oras ni Lix. Ewan ko, I'm not that kind of jealous girlfriend but I can't help it. I get jealous just by seeing them together.

He explain it to me yesterday. Kaya daw sila laging magkasama dahil sya ang inutusan ni dean na i-tour ito sa school. Pero required bang iangkla ang kamay sa braso? Dapat bang... ganon kalapit? Dapat ba na... kahit lunch time sila ang magkasama?

Dinampot ko ang cell phone ko at agad ring binaba ng walang makitang message ni isa. He's not like this. He always update me, kung ano man ang gagawin nya, kung nasaan sya at iba pa.

"Fuck..." I curse as I close my eyes. Ang imaheng nakita ko kanina ang bumungad sa akin pagkapikit ko. Those smiles... Damn... I'm jealous.

  
   
  
  
  
  
***

  
  
  
  
   
  
 
"AYOS ka lang?" Ciajane ask me. Nandito ako, kami ngayon sa pool area. Madilim na at malamig na rin pero hindi ako non natinag para ilublob ang mga paa ko sa tubig. I look at her. Nakatayo ito sa gilid ko habang nakayukong nakatingin sa akin. I only nod.

"Mukang may problema tayo, ah." Aniya pa sabay upo sa tabi ko. Ginaya nya ang ginagawa ko.

"Wala naman."

"Wala daw, sus kanina ka pa kaya tahimik. Tapos nasigawan mo pa kanina yung isay member mo. Yan ang walang problema?" Giit nito.

"Wala nga!" Asik ko para ipakita sa kanya na wala talaga. Selos lang naman...

"Ikaw bahala. Basta nandito lang ako kung kailangan mo ng mapagsasabihan ah?" Tumango ako. "Nga pala, bakit hindi mo sinasabi sa akin na may boyfriend ka na?" Sambit nito na tonong nagtatampo.

"Hindi ka naman nagtanong." Pabalang kong sagot.

"Langya ka! Kailan naging kayo?" Tanong nito.

"October 1."

"Edi ilang buwan na kayo?"

"Four."

"Tatag." I laugh. "Gusto kong makilala, Pan. Pakilala mo naman kahit sakin lang oh. Hindi ko naman aagawin eh, haha!" Biro nito.

"Hindi na kailangan. You already know him."

"What?! Sino? Grabe pagka-lowkey! Nasa circle of friends ba?" I shook my head. Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko.

"Ikaw na bahala mag-isip kung sino. At wala sa circle of friends natin."

"Clue na lang! Dali na, Pan!"

"Handsome."

"Isa pa, hindi yan!"

"He can play instrument."

"Eh? Madami kayang ganon! Isa pa!"

"Glasses." I whispered before leaving the pool area. Agad akong nahiga sa kama ng marating ko ito. I check my phone but as usual, no message.

"Pati ba naman sa message hindi mo na maibigay sa'kin?" I ask. "Ilang araw nang ganito tayo..." I bit my lip. Naupo ako at tinitigan ang huling conversation namin. I start to scroll down. I lay down again while reading our past conversations.

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now