Subject;74

0 0 0
                                        

IT'S BEEN a weeks when we fly to London. Ginamit namin ang private plane ni kuya. Halos lahat ng kaibigan ko ay nagtatanong kung nasaan daw ba ako o kung anong nangyari't bigla na lang akong hindi pumasok. Tatlong linggo na pero parang kahapon lang nangyari.

"So, your twins are fine naman. Just keep on taking your vitamins and eat healthy foods, ha?" Nakangiting saad ni Dr. Franzine, an OB. She's a Filipino pero dito na daw sya nagta-trabaho't naninirahan. As usual, I didn't bother to look at her. Even give her an response. Tulala lang. Kahit sa condo ni kuya ay hindi ako maka-usap. Minsan lang.

After ng check up, umuwi na din kami ni Laurence. Pasulyap-sulyap ito sa akin habang nasa taxi kami. Nang makarating ng condo ay naupo lang ako sa couch at hinayaan itong gawin ang mga dapat gawin. Wala si kuya, he's in his company here in London. Habang naghahanap pala sya kay Lyria ay tumatayo din ito ng sarili nyang business.

Hinaplos ko ang dalawang buwan kong tiyan. Medyo halata na ng kaunti. Sa tatlong linggong pananatili namin dito ay mas nagiging close kami ni Laurence. Kahit na minsan ay hindi ako nagsasalita.

"Hey, gutom ka na ba?" He ask as he stood in front of me. Nagpunas ito sa kanyang noo. I cover my nose.

"Ang baho mo!" Singhal ko dito. His brows knitted and smell his self.

"Hindi naman ah?"

"Ang baho mo nga!"

"Ewan ko sayo, sabi na kasing wag mo akong paglihian eh." Iling-iling nitong ani. "Sige na, pauwi na daw si kuya mo. May gusto ka daw bang kainin? Para mabili nya na daw." Giit pa nito. Napaisip ako at agad na nagliwanag ang aking muka ng may maisip. Kahapon ko pa to gustong subukan.

"Ano? Meron ba? Wag yung pinya na isa o walang mata, ha, wag mo kaming pahirapan." Palala nito. Palagi nya iyong sinasabi kapag nagtatanong kung ano ang gusto long kanin.

"Hindi, tsaka parang ayoko ng pinya." Sagot ko. Tila nakahinga naman ito ng maluwag sa narinig.

"Oh, ano nga?"

"Pwede ilista?" Natawa sya at napailing.

"Mukang marami ah?" I pout.

"Hindi naman."

"Wait, hanap lang ako ng papel at ball pen." Paalam nya at umalis. Pagkalipas ng ilang segundo ay bumalik ito. He handed me the paper and pen. Kaagad ko iyong kinuha at nagsimulang isulat ang mga gusto ko.

Nang matapos ay nakangiti ko iyong binigay sa kanya. His jaw dropped while reading the list written in the paper.

"W-wala ngang pinyang isa o walang mata." Aniya sabay lunok. "Sure ka, Pan? Ito talaga?" Tanong nya at kumurap-kurap pa.

"Oo." Maikli kong sagot.

"Pan naman... san kami kukuha ng ampalayang hindi kulubot at matamis? Lemon with... what the fuck? G-gravy? And shit, Pan. Graham na walang whipping cream and mango or banana? Nag-request ka pa ng Graham kung wala naman pala yung mga yun." Tila paiyak na nitong sabi. Takot na makapagsabi ng kung ano at mapaiyak ako. "Tindi mo talaga, ito pa oh, medyo okay sana itong isa dahil monggo lang pero d-dapat malaki? Pan... nasa London tayo... yung ampalaya ewan ko kung meron dito pero yung monggo? Paliliparin mo yata ng wala sa oras ang kuya mo sa pinas eh." Natatawang sambit nito. Ngumuso ako.

"Eh kasi naman... gusto ko lang i-try..." Ani ko habang nginangatngat ang hinlalaki kong daliri sa kamay. Napasapo ito sa sariling noo at tila sukong-suko na. He sigh.

"Sige na, sige na. Ise-send ko na to kay Phoenix." Paalam nito kaya tinanguan ko lang sya. "Dito ka lang, magluluto ako ng hapunan natin."

PAGKALIPAS ng ilang minutong paghihintay ay tinawag na ako ni Laurence para kumain. Nilalagyan nya pa lang ng pagkain ang plato ko ng marinig namin ang pagbukas ng pinto. Bumaling kami doon. Niluwal noon si kuya na bitbit ang kanyang suitcase sa isang kamay habang ang isa ay may hawak na paper bag.

Iniwan nya sa couch ang kanyang suitcase at dumiretso sa amin. Then, he neared me and kiss my forehead. I smiled a bit.

"Laurence said that you want Graham?" He ask. I nod as my answer. "Here." Usal nito sabay labas ng laman ng paper bag. Graham biscuits iyon.

"Pare, sabi nya Graham na walang whipping cream tsaka prutas." Singit ni Laurence.

Kuya glared at him and say,

"Stupid. This is what she mean, right?" Aniya at bumaling sa akin.

"O-oo... y-yan nga." Sagot ko. Napanganga naman si Laurence.

"Fuck! Edi sana sinabi mo na lang na Graham biscuits." Maluha-luhang sambit nito. "Eh, yung lemon with gravy?"

"I bought lemons." Napabaling ako kay kuya ng lemon lang ang banggitin nito. "Gagawa na lang ako ng gravy." Dagdag nya sabay ngiti sa akin. Nakita ko namang ngumisi si Laurence.

"Eh, yung sinasabi nyang ampalayang hindi kulubot at dapat ay matamis?" Tumingin ulit sa akin si kuya at ngumiti.

"Nagpapahanap pa ako sa secretary ko, pati na din yung munggo na malalaki, hm? Just tell me what you want, 'kay? Whatever it is. I'll give it to you."

   
   
   
       
   
   
   
   
***

   
   
       
  
   
   
   
   
  
I SIGH after I rest my back at the headboard of the bed. I caress my tummy. I'm here inside my room. Sobrang tahimik... I feel so lonely.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. I saw kuya Phoenix entering my room while carrying a tray. He smiled as he saw me looking at him.

"Here, I made you lemon with gravy as you want." He said and place the tray on the mini table besides my bed.

"Thanks... kuya." Humina ang aking boses sa huling salitang sinabi ko. Gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi dahil sa narinig.

"Anything for my little sister, hm? I'm always here, 'kay? Tell me anything... kahit ano, sabihin mo kay kuya... makikinig ako. I missed you, princess." Napayuko ako dahil sa kanyang sinabi. "Don't ever think na mag-isa ka lang, I'm here... also Laurence. We're here, for you." Bulong ni kuya. He caress my tummy. "After you gave birth to your twins, we'll start again, hmm? You'll start a new life." Naramdaman ko na may tubig na bumagsak sa kamay ko. Agad kong pinahid ang luha sa aking pisngi.

"K-kuya... m-masakit pa rin... It's still hunt me... A-ayoko na. Pagod na'ko, kuya... I want the pain fade..."

"It's okay to cry, honey... It's okay, kuya's here... Hmm? Be strong. Be strong for your twins, ha?" Pangaalo nito sa akin habang yakap-yakap ako.

"P-pagod na ako, k-kuya... P-pwede na ba akong magpahinga? I just want to rest forev—"

"No! Don't ever say that!" He cut me. "P-Pan..." He cupped my face with his trembling hands. "P-Pan, princess... Look at me. Hmm? Look at me." He forced me to look at him. Basa ang pisngi't mata nito dahil sa luha.

"Don't say that, huh... Stop thinking about it. You'll heal, hm? I'll help you heal, ha... W-wag ganyan, Pan. Don't scare me like that, okay? W-we will start a new life, again..."

"M-mahal ko sya, kuya... pero bakit nya ko sinaktan?!" Hinila nya ako sa isang yakap.

"Shh... Sa ginawa nya, he only proved that you don't deserve someone like him. Please, honey... live your life, don't stop." Pangaalo ni kuya sa akin. Pagkalipas ng ilang segundo ay humiwalay din ulit sya. He dried my tears and force a smile. "I'm sorry... kung alam ko lang nung araw na yon na ganon ang plano nya, nilayo agad sana kita. If I know he's up to something like this, I shouldn't trusted you to him." Napakunot ang noo ko.

"W-what do you mean, kuya?" He took a deep breath and look at me straight.

"R-remember the day after your birthday?" Tanong nya. Mas lalo akong nagtaka. "I know, I shouldn't do it dahil paglabag yon sa privacy mo but still I did. After I secured na malayo ka na... I... I followed the taxi na sinakyan mo." My lips parted when I heard what my kuya said. "Pero naging kampante ako ng makitang si Xiever ang kikitain mo, I trust him kasi nga magkaibigan naman kami, kaya umalis na lang ako."

"I'm sorry, Pan... If I only know earlier, hindi ka sana... hindi mo sana nararamdaman yan... I'm sorry... Please forgive kuya..."

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now